Pumasok ako ng tarangkahan ng dormitoryo at napahinto rin kaagad noong makita ang likod ni Wein. He was just standing in front of the door and hesitant to knock. Nasa tabi niya ang isang maleta. Habang tinititigan siya ay bumabalik sa isipan ko ang sinabi ni Levine.
Zai. This is not your ground. You have to associate with persons like him even though you don't like them being around.
I ran endlessly for an hour to erase those words from my mind. Gusto kong mawala ito sa isipan ko dahil bumibigat ang pakiramdam ko kapag naaalala ko ang mga salitang yon. Pakiramdam ko ay sinabihan ako ni Levine na ang kapal ng mukha ko mag-inarte sa teritoryo nila. Alam kong hindi intensyon iyon ni Levine pero kailangan lang niya talaga isaksak iyon sa isipan ko.
But still. It effin' hit me.
Bumuga ako ng hangin at naglakad palapit sa kanya. Pawis na pawis pa ako pero wala akong pake kahit maalibadbaran siya sa itsura ko. Wala akong dalang bimpo o panyo kaya magtiis siya sa itsura ko ngayon.
Mukhang napansin niya ang presensya ko kaya naman ay lumingon siya sa akin.
"What are you doing there standing like a statue? Just barge in" saad ko na hindi tumitingin sa kanya at binuksan ang pinto.
Mabilis kong iniwas ang ulo ko noong makita ang isang mabilis na bagay na papunta sa akin. Narinig ko ang pagtama noon sa noo ni Wein at ang pagdaing nito. Tumingin ako sa kung saan nanggaling ang tsinelas na iyon at nakita ang dalawang lalaki na naghahabulan at nagbabatuhan sa sala.
Unlike Wein, Vyann and Kleiv, these two are not that tall. Sa katotohanan ay kasing tangkad ko lamang ang mga ito. Bumagay ang tangkad nila sa kaharutan na nakikita ko ngayon.
"Layn look! New challengers!" sigaw nung lalaki na dilaw ang buhok at asul ang mga mata. Nakaturo ito sa amin. Yung tinawag naman niyang Layn ay tila nahiya at biglang nagtago sa likod ng sopa.
Pagtingin ko sa harapan ko ay nagulat ako noong makita na ang lalaking dilaw ang buhok sa harapan ko at sobrang lapit ng mukha niya. His eyes were wide with excitement. He's smiling while his lips are shut. Tila nasasabik ito sa kung anong bagay. I had a goosebump while looking at him. I can sense a very familiar feeling from him. It's bloodlust.
"Hey, hey, can you spar with me?" excited na saad nito at sumuntok-suntok sa hangin. Spar? Spar...? Like a fight?
"Can you? Can you? Let's go to the battle grou---"
"Trois, you're creeping her out" putol sa kanya nung Layn at hinila siya palayo. Nanatiling nakangiti ang Trois na iyon at sumusuntok-suntok pa rin sa hangin. Tinitigan ko ang lalaking nagngangalang Layn. Magkasing tangkad sila ni Trois at magkasing katawan rin. He has a violet hair and so as his eyes. May hawak rin itong teddy bear na may eye patch ang kaliwang mata at nakatahi ang bibig. He's creepy. They're both creepy.
Napatingin ako sa kaliwang hagdan at nakita roon si Vyann na pababa habang nakapamulsa. Pagkababa ay nahiga ito sa sopa. Sa kanan naman ay nakita ko si Kleiv na nagtungo ng kusina.
Iniwan ko si Wein sa pintuan at nagtungo na rin sa kusina dahil sa gutom. Nakita ko sa lamesa na naroon na si Trois, Layn at Kleiv. Trois was like challenging Kleiv and Kleiv was ignoring him. Layn was playing with his teddy bear. Naupo ako at hindi sila pinansin.
Ilang saglit lang ay kumpleto na kami sa lamesa. Anim lamang kami sa lamesa. Ibig sabihin, anim lamang kami sa dormitoryong ito. Ilang segundo ang nagdaan ay biglang bumukas ang isang bahagi ng pader at mula roon ay naglabasan ang mga plato na may lamang putahe. Lumulutang ito sa hangin patungo sa aming harapan.
Hahawakan na sana namin ito ngunit bigla itong mabilis na umikot, sa sobrang bilis ay para itong electric fan na hindi makita ang paggalaw. Umiikot ito sa buong lamesa.
"What the hell is the meaning of this?" singhal ni Vyann habang nakatitig sa lamesa.
"I'm impress that the food isn't spilling" komento ni Wein.
"That's not even impressive" bulong ko pero tila narinig ako nito kaya binigyan ako ng matalim na tingin na isinukli ko naman. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kaniya.
"It takes time to manage this kind of---"
"Will you just shut up" tila nababagot kong saad para mairita siya at hindi nga ako nagkamali.
"You're the one who started it and yet---" inismiran ko siya at inilabas ang dila.
"Ehem ehem ehem" napatingin kami sa isang gilid kung saan nanggaling ang pagpeke ng ubong iyon. Ang nakita lamang namin ay isang tila trumpeta na konektado sa dingding. Tila ginagamit nila ito dito bilang speaker.
"Good morning, students" mabilis akong naging pamilyar sa boses nito. Ito ang boses ng matandang babae na nakilala namin kahapon.
"As you see, we're starting to have our breakfast and all you have to do is pick one dish" muli kaming tumingin sa mga plato na mabilis na umiikot sa buong lamesa.
"Of course, in order to eat, you need to catch it. Don't worry when you already caught one plate, the other plates will avoid your place to prevent crashing and clashing." Damn it. It's like hunting. You need to hunt to survive. So early in the morning.
"Also, hindi mo rin pwedeng iharang ang kamay mo para masalo ang plato. The plates have their own mind. If they know that your hand is waiting for them, they'll harshly hit your hand. No one wants that so early in the morning. So you need to catch them in surprise. Watch your timing." Tila natutuwa pa ito habang pinapaliwanag sa amin ang mga dapat at hindi dapat gawin.
"Oo nga pala, one of the dishes is bad luck" nagtaka naman kami sa sinabi nito.
"Bad luck? Yes. Bad luck. It means.."
"One of the dishes has a foul taste" pagputol ni Wein sa sasabihin nito.
"Yes. Now good luck and have a good breakfast! Good luck next time for the unfortunate one" saad nito at ang huli naming narinig ay ang tila pagbaba ng telepono.
Tumitig kami sa lamesa. Nagugutom na ako at nakakatiyak rin ako na ganon din ang iba. Napatingin kami kay Vyann at Kleiv noong sabay silang nagkaroon ng plato sa lamesa. They're quick. Tinitigan nila ang putahe at hindi pa ito ginalaw. Pagkatapos ng limang minuto ay sumunod na nakasalo ay si Wein. Mabilis naman na sumunod ang dalawa pagkalipas ng tatlong minuto.
Tumingin sila sa akin at tila hinihintay ako. Bwisit! Ang hirap naman nito. I still can't see the plate. Ang tanging nakikita ko lang ay ang after image nito.
"Come on! Just catch it already! Damn it!" singhal ni Vyann na tila naiinis.
"Why are you pissed ha?! Sinabi ko bang hintayin niyo akong makakuha ng pagkain para magsimula kayong kumain?! No one did, you dumbass!" singhal ko rin. Hindi ba niya alam na nakakahiya ito. Ikaw na lang ang natitirang hindi pa nakakakuha ng pagkain at hinihintay ka pa nila! Hindi na lang sila magsimula kumain!
"H'wag mo akong sigawan" he said through gritted teeth.
"Sisigawan kita kung nauna ka!" Sigaw ko pa sa kaniya. Sabay kaming tumayo dahil sa iritasyon at humarap sa isa't isa. Bakit ba ang daming nakakairitang tao dito?!
Napatingin ako sa direksyon ni Kleiv noong marinig ang tunog ng kaniyang silya. Lumapit siya sa akin at inilapag sa harapan ko ang isang plato na may lamang pagkain. Doon ko lang napansin na wala ng gumagalaw na plato sa lamesa.
Hinawakan niya ang ulo ko at nabigla ako noong iniupo niya ako gamit ang pagtulak ng maingat sa ulo ko. Para naman akong bata na sumunod sa kanya. He has this authoritative aura around him.
"Eat" walang emosyong saad niya at naglakad pabalik sa kaniyang silya. Naiiritang napanguso ako at dinampot ang kutsara at kumain. Ganoon rin ang iba.
Napatingin kami kay Wein noong bigla itong tumayo at tumakbo sa lababo. Napaiwas kami ng tingin noong isinuka niya ang pagkain roon. Parang gusto ko na ring sumuka noong marinig ang pagsuka niya.
"Damn it Wein! 'Wag kang mandamay!" sigaw ko sa kaniya at tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay ko.

BINABASA MO ANG
Excelium [Editing]
Fantasy[Book 1 of Excelium] Written in TAGLISH As they say, what matters most in life is not the beginning nor the closing, it's the middle part of the plot that you construct yourself. Get your dream job, have good friends and acquaintances, fall in love...