"Shouldn't we call Zai for breakfast?" pagtatanong ni Axen habang ang dalawang braso ay nasa likod ng kaniyang ulo at sila'y naglalakad patungo sa kusina.
"Let's let her be for a while. No one can get over it overnight" saad ni Wein at inayos ang kaniyang salamin.
"Yeah... but... maybe she needs someone to talk to?" suhestyon ni Ace. Lahat sila ay pinag-uusapan ang sitwasyon ni Zai maliban na lamang kay Zera na tahimik lamang at tila malalim ang iniisip.
"I guess not. If you kill, would you like someone to comfort you? Even though you know inside that you're a type of criminal even if that kill is justified?" diretso lamang ang tingin ni Vyann habang sinasabi iyon.
"I think it's not about that" natigilan sila noong magsalita na si Zera. Nakayuko pa rin ito at para bang tulala.
"We don't know if it's really guilt and conscience that is bugging her. Maybe it's the feeling of how her blade cut through her enemy" lahat sila ay natahimik sa sinabi nito. Hindi na lamang sila nagsalita ulit. Nagpaulit-ulit sa kanilang mga isip ang sinabi nito at isang imahinasyon na paghiwa ni Zai sa katawan ng babaeng iyon.
"Hindi... naman siguro" yun na lamang ang nasabi ni Axen at tuluyan na silang pumasok ng kusina. Natigilan sila noong makita roon ang sentro ng kanilang usapan. Nadatnan nila itong nilalapag ang kaldero na may lamang pagkain sa lamesa.
Puno ng pagtataka ang makikita sa kanilang mukha. Noong mapansin nito ang kanilang presensya. Nagsalubong ang mga kilay nito at pumamewang sa harapan nila.
"You're late! Gusto niyo bang lumamig ang agahan?" sermon nito sa kanila. Gulat naman silang tumitig dito. Bakit ito nasa kusina na at umaakto na parang walang nangyari?
"Come on, let's eat" aya nito at tinanggal ang suot na apron. Naupo na rin ito at nagsandok ng kanin sa kaniyang plato. Kahit nalilito ay naupo na rin sila at kumain.
"Zai. Are you already fine?" puno ng pag-aalala na tanong ni Layn. Iyon rin ang katanungan na naglalaro sa isipan ng iba nilang kasama. Itinigil ni Zai ang pagsubo at tumahimik. Tumango siya at nakita nila ang pagsilay ng isang maliit na ngiti sa mga labi nito. Malambot ang kaniyang ekspresyon at hindi nababakasan ng malamig na tingin.
"We can't move forward if we keep on looking at the past." sabi nito at pinagpatuloy na ang pagsubo ng kutsara. Napangiti na lamang sila at pinagpatuloy na rin ang pagkain.
"Ace! Why are you crying?!" biglang sigaw ni Jebal kaya napatingin sila sa tinutukoy nito. Ngumunguya ito habang umiiyak at may uhog pa na lumalabas sa ilong.
"It's my first time eating Zai's cooked food... it's effin' delicious!" humihikbi at sumisinghot na sabi nito. Axen, Wein, Jebal and Trois laughed out loud. Habang ang iba ay napapailing na lang.
"Why can't you just eat quietly? You brats" natigilan sila noong pumasok ang kanilang guro. Kinakamot nito ang likod ng kaniyang ulo at nakapamulsa ang isang kamay. Sunod na dumako ang tingin nito kay Zai.
"Seems like you've recovered already. That's good." sabi nito at kumuha ng plato.
"All of you, go to the main field after you're done. All students must be there" sabi nito at nagsimulang kumain.
"Sensei, what's with the shirt?" tila pinipigilang matawa na komento ni Axen habang tinuturo ang suot na t-shirt ng teacher nila. May nakaprint roon na isang pusa na hindi nila inakalang magsusuot ito ng ganoon.
"Shut up and eat" bahagyang namumulang sabi na lamang nito. Zai scoffed because of the laughter she's holding in.
"Zai... wanna spar?" madilim ang mukha at may bakas ng nakakatakot na ngiti na sabi ni Sinner sa kaniyang estudyante. Umubo naman ito.
BINABASA MO ANG
Excelium [Editing]
Fantasy[Book 1 of Excelium] Written in TAGLISH As they say, what matters most in life is not the beginning nor the closing, it's the middle part of the plot that you construct yourself. Get your dream job, have good friends and acquaintances, fall in love...