Sa sandaling tumigil ang karwahe ay mabilis akong bumaba. Hindi ko siya magawang pigilan kanina kaya naman ay sinipa ko ang dibdib niya ng malakas para mapaupo siya ulit sa kaniyang upuan. Pagkatapos noon ay binigyan ko siya ng matalim at seryosong tingin kaya hindi na siya umimik pa muli.
Pagkatapos kong magbayad ay pumasok na ako sa arko ng entrance ng Detron. Sumunod naman sa akin si Ace.
"Uy sorry na. I just can't help it" paghingi niya ng pasensya. Tumigil naman ako at binigyan siya ng masamang tingin.
"Don't ever mention it any longer. Understood?" tumango-tango naman siya na parang wala talaga siyang pagpipilian kundi ang sumunod. Ibinalik ko ang tingin sa daanan at itinuloy ang paglalakad.
"And how dare you act like that to your captain? When we get back, I'll surely give you your punishment. Brace yourself, brat. I'll teach you some respect" I felt him tensed up because of what I just said to him but he remained silent because he know what's coming if he go against it.
Pagkapasok namin sa bayan ng Detron ay pinagtitinginan kami ng mga tao at pansin ko ang pasimpleng pagtago ng mga dalaga. Lumapit naman ako sa isang lalaki na medyo may edad upang makahingi ng karagdagang impormasyon.
"Magandang tanghali po. Nagmula kami sa Academy at narito kami upang lutasin ang problema ng bayan niyo. Maaari po bang magtanong sa inyo?" tumango naman ang matanda at tumingin sa paligid pagkatapos ay pinapasok kami sa kaniyang shop.
"Nagsimula ang misteryong ito noong nakaraang buwan. Apat na babae na ang nawawala at natatagpuan na lamang sila sa mga tagong lugar na patay na at walang saplot." panimula niya noong nakaupo kami. Inilista naman iyon ni Ace sa maliit niyang notepad.
"Ano pong oras nawala ang mga babae? Magkakaiba po ba ng oras?" pagtatanong ni Ace.
"Magkakaibang araw at oras silang nawala. Ang unang babae ay nawala ng hating gabi noong nakaraang buwan, ang pangalawa ay nabalitang nawala noong unang linggo ng buwang ito ng umaga, ang sumunod ay nawala pagkalipas ng tatlong araw na nabalitaang nawala ang pangalawang biktima. Hapon naman ito nawala. Ang pang-apat naman ay noong nakaraan lamang nawala ng gabi" pagsagot nito sa tanong ni Ace. Tumingin naman ako sa matanda at tinitigan ito sa mga mata.
"Huling katanungan, may napapansin po ba kayong mga kahina-hinalang tao dito sa bayan niyo?" umiling naman siya bilang kasagutan. Tumango ako at tumayo na.
"Maraming salamat po sa oras niyo. Aalis na po kami" diretso akong lumabas at sumunod naman sa akin si Ace. Inilagay niya sa kaniyang bulsa ang notepad niya.
"He was lying on the last part." sabi ko sa kanya.
"Eh? Totoo?" mukhang hindi niya nahalata ang pagkabahala ng matanda kanina sa katanungan ko. Sunod naming pinuntahan ay ang lugar kung nasaan naroon ang mga bangkay ng biktima. Pinakita ko ang I.D ko at pumayag naman silang suriin ko ang mga katawan nito. Nagpaiwan si Ace sa labas dahil hindi raw niya kakayanin.
Noong sinuri ko ang mga katawan nito, nakita ko ang tatlong saksak sa kaliwang bahagi ng mga dibdib nito. May isa pa akong bagay na napansin at dahil doon ay gusto kong bitawan ang misyong ito.
Lumabas ako ng laboritoryo at tinanggal ang suot kong mask. Lumapit naman sa akin si Ace.
"Did you find anything?" tanong niya. Tinignan ko muna siya sa mga mata bago nag-iwas ng tingin at naglakad palabas ng gusali.
"It's rape" pagsagot ko sa katanungan niya. I thought it was a job of a goblin or some dumb creatures that is living in the forest surrounding the town pero mga mismong tao pala na nakatira rito ang may pakana. Goblins are dumb creatures who has the attitude of a wild kid. They are aggressive. Ang madalas nilang biktima ay mga kababaihan. They play with them then eat them.
Pero hindi Goblin ang may kagagawan nito. Goblin's eat their victim after they use them, hindi nila ito sinasaksak lang ng tatlong beses sa dibdib.
Mukhang nagulat si Ace dahil sa narinig. Pagkalabas namin ng gusali ay hapon na. Nilingon ko si Ace at binigyan siya ng bilin.
"Don't ever leave my side, Ace. Please" bakas ang pagkabigla sa mukha niya dahil sa huling salita na binanggit ko. Nagkaroon ako ng trauma noon dahil sa senaryong nakita ko habang binababoy ng mga lalaking iyon ang ina ko. Nandiri ako at natakot. Ayaw kong maranasan ang bagay na iyon.
Umupo kami sa plaza ng bayan at pinagmasdan lamang ang mga taong gumagawa ng trabaho nila at pamimili.
"Mukhang aabutin tayo dito hanggang bukas. We need to look for an inn to sleep for tonight" sabi niya at binigyan ako ng mansanas na tinanggap ko naman.
Bumabalik sa isipan ko ang alaalang iyon. Noong nangyari ang bagay na iyon kay Mommy. Nabalitaan ko noon mula kay Daddy na namatay ang dalawang lalaki na nakatamo ng saksak sa tiyan at tagiliran. Ang isa naman ay nabulag at wala ng kakayahang makakita.
Habang sinasabi sa akin iyon ni Dad ay may bakas ng ngiti sa mga labi niya at tila ba pinagmamalaki pa niya ako dahil sa nagawa ko. Pagkatapos ng insidenteng iyon ay madalas ng ikulong ni Mommy ang sarili niya sa kwarto. Malaki ang naging epekto ng insidenteng iyon sa kanya.
Isang araw ay natagpuan na lang namin si Mommy na nakahiga sa kama niya at puno ng dugo ang pulso, hindi na rin siya humihinga. Nawalan ng kulay ang mundo ko dahil doon. Dahil sa pagkamatay ni Mommy, nawala ang pagsisisi kong nadungisan ang mga kamay ko ng maruruming dugo ng mga lalaking iyon.
Itinuon ko ang buo kong atensyon sa pag-aaral ng mga paraan na lumaban. Bukal sa loob na tinuruan ako ni Daddy at minsan nga ay isinama niya ako sa isa niyang misyon bilang isang mapanganib na sandata. Sino ba ang maghihinala sa isang siyam na taong bata? Ilang taon ang lumipas ay pumanaw rin si Daddy dahil sa isang hindi inaasahang aksidente kaya naman ay natira akong mag-isa.
Natigil ako sa pag-iisip ng malaim at nilingon ko ang katabi ko ngunit wala na siya roon. Mabilis akong napatayo at inilibot ang aking paningin. Saan nagpunta iyon?!
Natigilan ako sa pagtingin sa paligid noong biglang may tumakip sa bibig ko at naramdaman ang pagturok ng isang bagay sa leeg ko. Biglang bumigat ang katawan ko at hindi ko ito magalaw maliban na lamang sa talukap ng mga mata ko at bibig.
Pasimple akong hinatak ng taong may hawak sa akin patungo sa isang eskinita at pumasok kami sa isang gusali na abundunado na. Itinali ako nito sa isang upuan at ngumisi sa akin.
"When I get out of here, I'll make sure I'll let you experience despair" pagbabanta ko sa kaniya.
"Namamangha ako na nakakapagsalita ka pa. But I don't think I'll experience despair with you" makahulugang sabi niya at dinilaan niya ang kaniyang labi. Sa lahat ba naman ng babae dito sa Detron, bakit ako pa ang sumunod na biktima?! If I find that asshole, I'll make sure to double his punishment! How dare he disobey my orders and wander off?!
"Let's sleep for now, shall we?" naramdaman ko naman ang malakas na pagtama ng isang bagay sa ulo ko na naging dahilan ng pagkawala ko ng malay. I swear Ace! I'm gonna f*cking kill you!!
BINABASA MO ANG
Excelium [Editing]
Fantasía[Book 1 of Excelium] Written in TAGLISH As they say, what matters most in life is not the beginning nor the closing, it's the middle part of the plot that you construct yourself. Get your dream job, have good friends and acquaintances, fall in love...