Kabanata 34

7.7K 390 18
                                    

"Oy! Someone drag that newbie out of his den! Nagugutom na ako!" reklamo ni Ace habang nakanguso at nakalapag ang baba sa lamesa. Nasa bakasyon pa rin si Granny kaya wala muna kaming flying plates ngayon. Ang nagluto ng umagahan naming ngayong araw ay si Vyann. Nagpapasalamat ako dahil mukhang disente ang kaniyang niluto. Ang iba kasi ay hindi mo maaasahang maghain ng isang normal na putahe.

"Can't we just eat without him?" Nakanguso rin si Zera habang nilalaro ang kaniyang baso na may lamang tubig.

"No, we'll eat if all of the members are complete here in the dinning room" biglang dating naman ni Sensei Sinner. Bumuga ng hangin ang iba. Tumayo naman ako kaya napatingin sila sa akin.

"I'll go. He is my responsibility, after all" napatingin naman ako kay Layn noong tumayo rin siya.

"He's a pervert! You can't just---"

"Layn sit down. He's one of us. All you can do now is accept that fact" biglang sabi ni Kleiv. Minsan lamang ito magsalita kaya walang nagawa si Layn at maupo na lang. Umalis naman ako ng silid at nagtungo sa ikalawang palapag.

Pinuntahan ko ang silid niya at kumatok.

"Leave me alone!" sigaw nito. Talagang labag sa kalooban niya ang mapasama rito. Bumuga ako ng hangin. Pasensiya. Habaan mo lang ang pasensiya mo. Pasensiya.

"You'll die in hunger. Hindi ka namin hahatiran ng pagkain dito." nilakasan ko ng kaunti ang aking boses upang kaniyang marinig. Tumahimik sa loob at narinig ko na lamang ang pagbukas ng pinto. Sumilip naman siya at hindi nakatakas sa akin ang uri ng pagtingin niya sa akin.

"It's you. It's your fault that I'm stuck in this shit" binigyan ko naman siya ng masamang tingin.

"Watch your mouth when you talk to me" madiin ang pagkakasabi ko sa kaniya. Mukhang naapektuhan naman siya pero tinago niya ito sa mas lalong pagtalim ng tingin niya sa akin.

"I'll talk to you the way I fuckin' want to" hindi pala marunong magpatalo ang taong ito. Tch.

Binigyan ko naman ng turning kick ang kaniyang pinto kaya naman ay bigla siyang napaupo sa sahig. Pumasok ako ng silid at mabilis siyang binigyan ng suntok sa sikmura.

"Maybe I'll just beat those manners out of you" bulong ko sa tenga niya.

"Sabihin mo yan bago mo ako sikmuran" nahihirapang sabi niya at umubo-ubo. Hinatak ko ang kwelyo niya at hinatak siya papalabas ng kwarto.

"Oy! Ano ba?! Sinabi ko na sayong ayaw kong kumain kasama kayo! Lalo ka na! Ikaw ang dahilan kung bakit nakakulong ako ri---"

"Hindi ka nakakulong. Ikaw ang nag-iisip na nasa kulungan ka kaya kinukulong mo ang sarili mo. Tsaka ito rin naman ang kalalabasan noong sinabi mo ang kasunduan mo para mapapayag kitang sumama at sumali sa amin. You told me to strip, then I did. Pinagbigyan kita." Pagputol ko sa mga sasabihin niya habang kinakaladkad siya papuntang kusina. Bumaba kami ng hagdan at hindi naman siya magkandaugaga sa mabilis na pagbaba namin ng hagdan.

Pagpasok namin sa kusina ay ihinagis ko siya sa upuan na nararapat sa kaniya.

"She literally drag him" narinig kong bulong ng iba at nakangiwi pa. Nagpunta ako sa upuan ko at kinuha ang tinidor at kutsara.

"Let's eat" sabi ko. Tumango naman sila.

"I'll pass" sabi ni Jebal pero natigilan ito ng mabilis na tumusok ang tinidor ko sa gilid ng sandalan ng kaniyang silya, malapit sa kaniyang ulo. The other guys kept quiet at nakayukong kumain.

"Eat" utos ko sa kaniya. Lumunok naman siya at walang nagawa kundi ang kumain. Binigyan naman ako ni Zera ng panibagong tinidor.

"She's in a bad mood" sabay-sabay na naman ang kanilang pagkakabulong.

Pagkatapos naming mag-agahan, nagpunta naman kami sa sala. Walang magawa si Jebal dahil sa uri ng tingin sa kaniya ni Sensei Sinner.

"Now that all the members are complete, I know that you are all aware of what we need to do" panimula nito. Tumango naman kami maliban kay Jebal na naguguluhan. Ngumisi si Sensei Sinner at binigyan kami ng makahuluguhang tingin.

"It's about time for us to earn some money. Mamamatay tayo kapag hindi" saad ni Wein at inayos ang kaniyang mga salamin.

"Yes! I can fight! Fight! Fight!" excited na sigaw ni Trois at tumalon-talon.

"Woohoo! I can go shopping!" tili ni Zera.

"You can't use the money outside the academy, idiot" Ace rolled his eyes.

"Huh?! Really?!" hindi makapaniwalang sabi ni Zera.

"We're running out of cleaning detergents." anunsyo ni Vyann habang may binibilang sa kaniyang mga daliri.

"No one cares" pagbabara rito ni Kleiv. Katulad ng dati, nagbigayan na naman sila ng masamang tingin.

"Finally, I can buy some more desserts" nakangiting sabi ni Layn. Bigla naman itong niyakap ni Zera dahil sa panggigigil.

"I don't really care" nakahigang sabi ni Axen.

"Ehem" pagkuha ni Sensei Sinner ng kanilang atensyon.

"Also, with all the complete members, we are now able to use our own training facility." sabay-sabay naman kaming napangisi. Iyon naman talaga ang pinakagusto namin. May rule rin kasi sila rito na hindi niyo maaaring gamitin ang sariling training facility ng dormitoryo ninyo kung hindi pa kayo kumpleto sa mga miyembro.

"So it means..."

"We can fight! Fight! FIGHT!!!" mukhang si Trois ang pinakamasaya sa balitang iyon. Ang tagal na niyang gustong makipaglaban.

"Finally, I feel like my body is rusting from all that rest" mahina ang boses ni Kleiv habang pinapaikot niya ang kaniyang braso.

"Don't just rust. Break. Break it" pang-iinis ni Vyann rito. Bago pa muling magbangayan ang dalawa, nagsalita na ulit si Sensei Sinner.

"And also, you need to pick your captain. I don't care who." huling sabi niya bago tumayo at naghihikab na naglakad paalis. Tumayo na rin ako at naglakad paakyat.

"Zai, you won't join us about the captain thing?" tanong ni Axen. Mukhang pag-uusapan na nila ang tungkol doon.

"Just tell me later who is it. I'm going to sleep" sabi ko at iniwan na sila doon. I really feel tired and lazy. They can handle that matter themselves.

Humiga na ako sa aking kama at ipinikit ang mga mata. Damn. Dealing with those idiots is draining my energy.

Excelium [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon