As soon as the last class ended, Zai stood up and faced Layn and Trois who is now also looking at her.
"Tell the others that today is a rest day. No trainings, no errands. Don't cause ruckus in the dormitory. And please, don't fight while I'm gone." tumango na lamang ang dalawa na parang ligaw na bata. All Zai could do was sigh and trust the two to handle the dorm for a couple of minutes.
It's fine. Those three are with them. Referring to the former student council president and vice, and the headmaster's son.
Naglakad na patungo sa rooftop si Zai upang kitain si Axen na naroon. Pagkabukas niya ng pinto ay nakita naman niya si Axen sa kalayuan na nakatanaw lamang sa malayo. Marahan lamang ang ihip ng hangin at papalubog pa lamang ang araw.
Lumapit siya rito at nang mapansin nito ang kaniyang presensya, hinarap na siya nito. "Oh Captain, nandiyan ka na pala. Ano bang kailangan mong tulong?" tanong nito na pinapakita na naman ang madalas nitong malawak na ngiti. Hindi maiwasan ni Zai na titigan ang mga ngipin nito. Napansin naman niya roon ang dalawang pangil nga nito. Hindi naman iyon pangit sa paningin ng tao, sa katunayan ay dumadagdag ito sa ganda ng kaniyang ngiti.
"Kahit ano man yan, kaya ko yan!" kumindat ito at tinuro ang sarili gamit ang hinlalaki. Hindi naman matutulis ang mga kuko nito at ang mga mata nito ay normal lang naman.
Natigil lamang si Axen noong humakbang ng isang beses si Zai. "Axen, who are you?" mukhang natigilan ang binata sa tanong nito ngunit tumawa rin naman at halatang pilit iyon.
"Anong pinagsasasabi mo cap? Nasobrahan ka ba sa mansanas mo ngayong araw?" pilit na biro nito kasunod ng pilit na tawa. Muling tumingin sa kanya si Axen at ngumiti.
"Tara na nga lang. Ipagtitimpla kita ng---"
Akmang hahawakan ni Zai ang suot nitong bandana ngunit mabilis na pinigilan ni Axen ang kaniyang kamay gamit ang paghawak sa kaniyang pulso. Seryoso at malamig na ang tingin nito sa kanya at nawala na rin ang suot na ngiti nito. Mahigpit rin ang pagkakahawak nito sa kanya na para bang may plano itong baliin ang kaniyang kamay.
"Keep your hands to yourself" pagbabanta nito sa kanya at tumalikod upang tumalon pababa ng building ngunit mabilis na hinawakan ni Zai ang uniporme nito at hinatak pabalik ng malakas kaya naman ay gumulong ito sa sahig. Bago ito makatayo ay mabilis niyang ikinulong ang ulo nito sa kaniyang braso at iniyakap niya ang kaniyang mga binti sa tiyan nito upang hindi makatayo. Tila ba nakasandal lamang sa kaniya ang binata.
Mabilis naman itong nagwala na pinipigilan naman ni Zai ng buong makakaya niya. Napangiwi na lamang siya sa sakit noong kinagat nito ang brasong pumipigil sa leeg nito. Naramdaman niya ang pagdaloy ng dugo mula roon. Ngunit hinawakan pa rin niya ang bandana nito at tinanggal. Mabilis siyang namangha ng makita ang dalawang malambot na tenga ng pusa.
Lalong dumiin ang kagat sa kanya ni Axen. Halata ang takot, dismaya at lungkot sa mga mata ni Axen habang napapansin niya ang biglang pagtahimik ni Zai. Marahil ay natatakot na ito sa kanya dahil isa siyang nilalang na kakaiba.
Ngunit nanlaki ang mga mata niya at umawang ang kaniyang labi noong maramdaman ang pagkiskis ng pisngi ni Zai sa kaniyang buhok at hinahawak-hawakan pa nito ang isa niyang tenga gamit ang isang kamay. Kumalma naman si Axen dahil sa ginagawa nito at pumikit na lang.
Alam niyang hindi ordinaryong babae si Zai at nagpapasalamat siya dahil doon. Ito lamang ang taong may tapang na hawakan siya at hindi matakot sa kakaiba niyang anyo kasama na ang babaeng tinuturing niya ring kapatid na kumupkop sa kaniya.
--
"So. How did you know about me?" tanong ni Axen habang naka-indian sit siya sa harapan ni Zai na tinatalian ng mahabang piraso ng tela ang braso. Napabuga na lang siya ng hangin noong makita na magkasalubong ang kilay nito at halatang nawala ang magandang mood.
BINABASA MO ANG
Excelium [Editing]
Fantasy[Book 1 of Excelium] Written in TAGLISH As they say, what matters most in life is not the beginning nor the closing, it's the middle part of the plot that you construct yourself. Get your dream job, have good friends and acquaintances, fall in love...