A week has pass. One effin' week! One fuckin' week with this guy!
"Ano ba!" sigaw ko sa kaniya at tumalon. Napangisi ako noong makuha ko na ang mansanas mula sa kamay niya. Mabilis akong lumayo sa kaniya.
"Ah!" napaupo ako sa lupa noong hindi ko inaasahan ang pagpatid niya sa mga paa ko. Sinalo niya ang mansanas gamit ang isang daliri at akmang kakainin na pagkatapos niya akong bigyan ng nang-aasar na ngiti.
"Don't get cocky, old man!" sigaw ko at sinipa ang baba niya. He stepped back and touch his chin.
"Darn. I bit my tongue" aniya. Mabilis akong tumakbo sa kaniya. Noong nakarating ako sa kaniyang harapan, sinuntok niya ako ngunit mabilis akong nakalayo at tumakbo palibot sa kaniya. Lumipat-lipat ako sa pwesto dahil maaari niyang malaman kung saan ako nakalugar.
Nakatayo lamang siya doon. Napangisi ako. Marahil ay hindi mahabol ng kaniyang mga mata ang bilis ko. Umapak ako sa puno at kumuha ng lakas upang mabilis na bumulusok sa direksyon niya. Inihanda ko ang binti ko upang sipain siya mula sa likod ng kaniyang ulo.
"I told you, hide your bloodlust, Zai" sigaw niya at hinuli ang paa ko. Nagulat ako at mabilis na ginamit ang isang paa ko at sinipa siya sa mukha. Nabitawan niya ang paa ko at bumagsak ako sa lupa. Tumingin ako sa direksyon niya para lang makita na wala na siya doon. Isang segundo pa lamang ang lumilipas ay naramdaman ko na ang kamao niya sa tiyan ko.
I almost threw up because of the impact. Damn it! This guy never hold back! Dahil sa lakas non, tumama ang likod ko sa puno and I even felt the vibration from the trunk.
Tumingin ako sa kaniya at napangisi. Nakatayo lamang siya doon habang pinaglalaruan sa isang kamay ang mansanas. Who ever retrieve that apple before the time ends, wins. Siya ang magluluto, maglalaba, at gagawa ng mga nakakairitang gawaing bahay. Wala namang problema sa akin na ako ang gumawa ng mga bagay na iyon pero gusto kong makita na gumalaw-galaw naman siya dahil nakakairita lang sa pakiramdam na kumikilos ka pero siya nakahiga lang at walang ginagawa.
Tumingin ako sa hourglass na nakapatong sa gilid. Kaunti na lamang ang natitirang oras para makuha ko ang mansanas na iyon. Muli akong tumingin sa kaniya at napangisi noong makita ang isang naghahamong ngiti sa mga labi niya.
Ngayon ko lamang nakita ang side niya na ito. Ang madalas kong nakikita sa mga mata niya ay isang mahina, inosente at lampang lalaki ngunit kapag siya'y nakipaglaban sa iyo ay nakakairita dahil hindi siya nagpapakita ng kahinaan at awa. Well, I wouldn't expect less from a general.
It's irritating to know that I don't have any chance against him but that's what makes my blood pump. It's exciting to know that you can't beat someone because it means that you still have rooms to grow and improve to be unbeatable.
Tumayo ako at mabilis na tumakbo papunta sa kaniya. His grin grew wider and run towards me as well. As if he was taking on my challenge.
Malapit na ang kamao namin sa isa't isa noong bigla kong maramdaman ang isang kamay sa ibabaw ng ulo ko at naramdaman ko ang bigat na tila ginawa akong patungan. Medyo nabigla pa ako noong makita ang isang binti sa unahan ko na sinipa si Yan sa mukha at tumalsik siya. Napanganga ako noong makita na malayo ang distansya niya sa amin.
Napatingin ako sa gilid ko noong may biglang sumipol.
"Wow. He flew" anito at bumungisngis habang nginunguya ang mansanas na kinagat niya.
"I won! Yan!" sigaw niya na tila inaasar pa si Yan.
"Shut up. Hindi ka naman kasali sa laro" nakangusong saad ni Yan habang pinapagpagan ang damit niya at naglalakad papunta sa amin.
Levine just stuck his tongue out at him. Bumuga ako ng hangin at pinunasan ang noo ko gamit ang sleeve ng damit ko. Kinuha ni Yan ang panyo ni Levine mula sa bulsa nito at pinunasan ang mukha ko.

BINABASA MO ANG
Excelium [Editing]
Fantasy[Book 1 of Excelium] Written in TAGLISH As they say, what matters most in life is not the beginning nor the closing, it's the middle part of the plot that you construct yourself. Get your dream job, have good friends and acquaintances, fall in love...