▫ Prologue

22.2K 673 78
                                    

"Ang yabang mo ah!" duro sa akin ng isang binatang lalaki na mula sa ibang eskwelahan. May mga hikaw ito sa tenga at maski ang ilong ay mayroon.

"Ang lakas ng loob mo tanggihan ako! Ha! Makaasta akala mo kung sinong magaling." nakangisi niyang saad. Pumalibot sa akin ang kaniyang mga kasamahang lalaki at lahat sila ay nakangisi. Pumikit ako at bumuga ng hangin. Tumingin ako sa kanilang pinuno at inilapag ang aking bag sa semento.

"Bakit naman ako sasama sa inyo? May mapapala ba ako?" I said and clicked my tongue. Mukhang nainis sila dahil sa inakto ko at humakbang ng isang beses.

"Bugbugin niyo yan!" galit na saad ng kanilang pinuno. The side of my lips raised with the building tension.


Palubog na ang araw na natatanaw ko mula rito sa dalampasigan. Naghahalo ang kulay kahel at asul sa langit. Makikita mo rin ang kislap ng tubig sa dagat na kulay asul. Napakagandang tanawin ngunit minsa'y nakakapagod rin' tingnan.

Tuwing umuuwi ako mula sa paaralan ay dito ako dumadaan dahil sa tanawing ito. Nagsasawa na ako tingnan pero nakagawian na siguro. It's a memory that always gave me a peace of mind.

I hissed and winced when I felt a wound on the side of my lips when I pursed them. That fight was inevitable. Kasalanan ko bang parang tanga ang kasama nila? Maghahamon ng away pero hindi naman kayang tapusin. But my annoyance turned to amusement when I remembered their pissed off expressions earlier when the fight ended. I think this is a disorder, being amused and excited whenever you hurt and be hurt by somebody.

Bumuga na lamang ako ng hangin noong tuluyan ng kumagat ang dilim. Kanina pa ako nakaupo sa dalampasigan sa kadahilanan na hindi ko pa gustong umuwi. Dahil alam ko na maiirita lang ako sa madadatnan ko pag-uwi.

Pumanaw ang aking mga magulang ilang taon na rin ang lumipas. Lumaki ako sa kamay ng brutal kong tiya. Lahat ng ari-arian ng mga magulang ko ay siya ang umangkin. Maski ako na walang kalaban-laban sa kanya ay walang hiyang inalipin. Walang laban dahil hindi ko siya kayang saktan dahil nirerespeto ko ang mama ko pati ang kaniyang mga kadugo. What a messed up principle if you'd ask me but can someone go against their own beliefs?

Mahirap mamuhay sa mundo na alam mong wala kang makakampihan. Wala kang masasandalan at makakapitan. Wala akong masumbungan. Maski kaibigan ay walang-wala ako.

Naiisip ng ibang tao na napakadaling mamuhay ng gano'n kasi hindi nila nararanasan. Buong buhay nila ay nararamdaman nila ang pagiging kampante kasi nandiyan ang mga magulang at kaibigan nila at kahit isipin nila na nasa sitwasyon ko sila ngayon, hindi nila mararamdaman. Magmamayabang lang sila 'pag sinabi nilang kaya nilang mamuhay ng katulad ko.

Tumayo na ako at pinagpagan ang aking lumang palda. Isinukbit ko ang bag ko sa aking balikat at sumulyap muli sa madilim na dagat. Isa ang dagat sa mga nagpapakalma sa kalooban ko dahil isa ito sa mga memorya na nakasama ko ang aking ina. Madalas kaming magtungo rito upang pagmasdan ang paglubog ng araw at ang nakakagaan sa pakiramdam na tunog ng mga alon.

Pumorma ang mga labi ko ng isang ngiti at tumalikod na. Sinimulan ko ng maglakad tungo sa aming bahay. Ilang minuto ang dumaan bago ko narating ang aking destinasyon. Nakabukas na ang mga ilaw, patunay na sila'y nasa loob na at naghihintay. Pinagmamasdan ko pa lang ang bahay ay naiirita na ako kasi alam ko kung anong nasa loob niyan.

Pumasok ako sa pinto at hindi na nag-atubiling kumatok. Hindi na ako nagulat pa noong isang nakakasukang amoy ang bumungad sa akin. Usok mula sa sigarilyo, at malansang amoy ng alak ang pumuno sa aking ilong. Nakita ko ang mga 'kaibigan' niya na nagsusugal sa aming sala. Puno ng bote ng alak, mga kahon ng sigarilyo, mga baraha, mga pera at may nakita pa akong ilang mga pakete na may lamang mga puting bagay na hindi ko na gugustuhing tingnan pa.

Excelium [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon