Kabanata 14

9.2K 467 45
                                    

Tumigil kami sa paglalakad at tiningala ang mataas na gusali na nasa aking harapan. Mas maganda ito sa malapitan. Mataas ang mga pader at ang tarangkahan ay gawa sa makapal at matibay na bakal. Mula sa tuktok ng malahiganteng bakod ay nakikita ko ang isang kumikinang na tuktok na bahagi ng paaralan.

"Welcome... to Excelium Academy" saad ni Levine at bahagyang itinaas ang kaniyang top hat.

"I can't believe that you are managing a school this big" komento ko habang pinagpatuloy namin ang paglalakad papasok ng paaralan.

"HA HA HA! Maybe the former headmaster saw great talent within!" nagmamayabang niyang saad habang ang kamay ay eleganteng nakapatong sa dibdib niya.

Hindi ko siya pinansin at nilampasan na lang.

"Pansinin mo naman ako!" nagtatampong saad niya. Habang naglalakad ay napapatingin sa amin ang mga estudyante. They were already wearing their uniform kahit sa isang araw pa ang official na start ng klase.

"It's Headmaster Levine!"

Panay yun ang naririnig ko at tila nasiyahan sila sa presensya ng bobong kasama ko. Si Levine naman ay ngingiti at kakaway. Tila simpleng pagbati lang sa mga estudyante pero sa kaloob-looban ay nagbubunyi dahil pakiramdam niya ay sobrang sikat na niya.

Nung nakarating kami sa bulwagan ay marami akong nakitang mga estudyante na nagbabatian at nagkekwentuhan.

"LEVINE!!" napatigil kami sa paglalakad matapos marinig ang isang baritono at galit na boses. Humawi ang mga estudyante at nakita namin ang isang lalaki na pormal ang kasuotan at malalaki ang hakbang na patungo sa pwesto namin. Base sa kaniyang kasuotan at galit na ekspresyon, marahil ay siya ang Heister na secretary ni Levine.

"H-heister! Isn't it a good day? Anyway, masaya akong makita ka." pinagpapawisang saad ni Levine.

"Get to work!" nakakatakot na saad nito.

"Yes sir" tila batang saad ni Levine. Doon lamang napatingin sa akin ang sekretarya nito. Marahil ay hindi niya ako napansin kahit nasa harapan niya lang ako. Sobrang tangkad nito, mas matangkad pa siya kay papa ngunit hindi naman nalalayo ang kanilang tangkad. Hanggang dibdib lamang ako nito at dahil doon ay nanliliit ako.

"What's a kid doing here? The grade school is that way, little girl" nakangiting itinuro nito ang daan sa kaliwa at nakita ko na may mga bata roon na hinahatid ng mga magulang.

Tila puputok ang ugat ko sa ulo noong marinig ang sobrang lakas na tawa ni Levine. He forgot his class and composure again. He was laughing loud. Very loud.

"Manahimik ka!" sigaw ko at malakas siyang kinutusan sa ulo.

"S-sorry" nauutal niyang saad at hinawakan ang ulo.

Umayos ng tayo si Levine at ipinatong ang isang kamay sa balikat ko.

"This is Zai. I am personally enrolling her." Pagpapakilala niya sa akin sa sekretarya niya.

"She's Yan's daughter" binulong niya lamang iyon sa lalaki. Tila hindi makapaniwala naman ang lalaki.

"Daughter? He had a child?" mahinang tanong rin nito. Sinabi naman ni Levine na magpapaliwanag ito mamaya. Tumingin sa akin si Heister at inilahad ang kaniyang kamay.

"I'm Heister. Levine's secretary." Inabot ko naman ang kamay niya at tumango. Kaysa kay Levine, mas nararamdaman ko ang pagkakasuperior niya pero pagdating naman sa panganib na nararamdaman ko, sobra ang lamang ni Levine sa kanya.

"Heister. Can you show her around?" nakangiting saad ni Levine. Tumingin naman ako sa kaniya.

"You won't tour me around?" Tanong ko sa kaniya. Pinatong naman niya ang kamay niya sa ulo ko at bahagyang ginulo iyon.

Excelium [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon