▫ Kabanata 7

9.1K 469 28
                                    

Diretso akong nakatingin sa papel na nasa aking harapan habang ang lalaki ay pinipirmahan ito. Marahil ay ito ang kontrata sa aking pagkakabili.

Tinitigan ko ang lalaking pumipirma nito at ang una kong napansin ay ang kanyang mahabang kulay kremang buhok na nakalaylay sa kaniyang balikat ngunit ang dulo noon ay nakatali kaya naman. Matangkad rin siya at normal lamang ang laki ng pangangatawan. Sa aking pagkakatantya, siguro naglalaro sa trenta ang kaniyang edad.

Pagkatapos niya itong pirmahan, tumuwid siya ng upo at pinagmasdan ako habang ang manager naman ng lugar ay kinuha ang kontrata at isinuksok ito sa isang folder. May dumalo sa aking mga lalaki na malalaki ang pangangatawan at nakasuot rin ng pormal na kasuotan. Tinanggal nila ang kadena na nasa aking mga kamay at leeg.

Tumayo ang lalaki na bumili sa akin. Napatitig ako sa kaniyang kamay noong ito'y inilahad sa aking harapan. Inilapit niya pa ito noong hindi ko ito inabot. Kahit na nagdadalawang isip, inabot ko ito. Inalalayan niya akong lumabas ng silid. Sa gilid ng pinto ay nakayuko lamang ang mga tauhan ng lugar at pawang nagbibigay galang sa kanilang kustomer.

This guy is weird.

Noong kami'y nakalabas na ng gusali, sumipol siya ng malakas at ilang saglit lang ay nakakarinig ako ng takbo ng isang kabayo. Napatingin ako sa aking kaliwa noong nalaman na doon nagmumula ang ingay. A brown horse is running to our direction, making its hair bounce and dance with his motions.

Tumigil ito sa aming harapan. Hinimas niya ang balahibo nito at mukhang natuwa naman ang kabayo.

"Now then" napatingin ako sa lalaki noong marinig ang kaniyang boses. Nakangiti ito ng malumanay sa akin. Hindi ko makita ang kabuuan ng kaniyang mukha dahil sa maskara ngunit aking natitiyak na totoo ang ngiting iyon.

"Haph" eh?

...

"Ano ba! Bitawan mo ako!" Sigaw ko noong bigla na lamang niya akong binuhat na parang bata. Nakahawak ang kaniyang mga kamay sa bewang ko at tila sinusuri ang mukha ko. Para akong bata na kaniyang binubuhat. T-This guy..!

"Hmm... ang gaan mo pala." anito at bahagya akong itinaas-baba na pawang sinusubukan ba kung tama ang kaniyang pagkakatantya sa aking bigat.

"Bitawan mo ako! Bitaw! Bitaw! Bitaw!" Pagpupumiglas ko ngunit tila gawa sa bakal ang kaniyang mga braso. Aking sisipain na sana ang kaniyang mukha ngunit isinakay na niya ako sa kabayo. Sumakay naman siya sa aking likod.

"Let's behave, okay?" aniya at tinapik-tapik ang ulo ko.

"Hindi ako bata! Don't tell me to behave! That's not my thing!" singhal ko sa kaniya. Ngunit hindi niya ako pinakinggan at pinatakbo na ang kabayo. He's not listening at all!

"Hmm... nakakatuwang malaman na alam mo ang lenggawaheng pormal." aniya at tinanggal ang kaniyang maskara. Lumingon ako sa kaniyang mukha at tama nga ang aking paghihinala sa kaniyang edad.

Maputi ang kaniyang kutis, krema ang kulay ng kaniyang mahaba ngunit nakataling buhok na nakapatong sa kaniyang balikat at ang kaniyang mata ay pawang mata ng isang inosente at puno ng saya na bata na naghahanap ng mapagkakaabalahan. His eyes are kind to look at.

"Masaya akong makilala ka. My name is Yan." malambot, maingat at maamo ang kaniyang boses na parang sa babae. Pambabae rin ang kaniyang pangalan ngunit natitiyak ko na lalaki talaga siya. He might be the type of peaceful guy.

"Zai." tanging sagot ko sa kaniya. Nanahimik siya na tila may hinihintay pang kasagutan. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin sa daan.

"Zai. Zaivrin" pagbubuo ko ng pangalan ko. Ngumiti naman siya at mas lalong pinabilis ang takbo ng kabayo.

--

"Pasok ka." anyaya niya sa akin at binuksan ang pintuan ng isang bahay. Tumitig muna ako sa kaniya bago ko siya sinunod.

Pagkapasok ng bahay ay inilibot ko ang aking paningin.

Taliwas sa aking pagkaka-akala ang aking nakikita. Bilang isang Patrician, inakala kong ang kaniyang tinitirahan ay isang mansion ngunit ang nakikita ko ngayon ay isa lamang simpleng kamarote o cabin sa gitna ng gubat. Napapalibutan ito ng matataas na puno at tila imposibleng dalawin ng mga tao.

Sa loob ng bahay ay tanging kasimplehan lang din ang bumungad sa akin. Lahat ay gawa sa kahoy. Wala rin' mamahaling muwebles ang makikita.

Sumulyap ako sa kaniya at napa-isip. Saan niya nakuha ang pitong milyon na iyon? Tama bang sumama ako sa taong ito? Dapat bang noong nakasakay kami sa kabayo ay itinumba ko na siya? Dapat ko na bang asikasuhin siya rito? Papatayin ko ba siya o tatakas na lang ako? He looks pretty clueless.

Naiilang naman siyang ngumiti sa akin. "Don't look at me like that." inosenteng saad niya at ganon pa rin ang kaniyang ekspresyon. Mabilis kong pinawi ang matalim kong tingin at umiwas na lang ng tingin.


"Wala. Nagtataka lang ako kung saan mo nakuha yung pitong milyon." pagsasabi ko ng dahilan upang hindi siya magduda. Tumalikod ako sa kanya at bumalik sa pagiging matalim ang aking mga mata. I'll start with establishing a comfortable and trust worthy atmosphere first before taking him down.

"Nasan ang kusina?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad-lakad.

"Huh? Bakit? Nagugutom ka na ba?" aniya. I clicked my tingue when there was a hint of concern in his voice. As if he really cares.

"Ipagluluto kita. Yun naman ang trabaho ng mga alipin diba?" diretsong saad ko. Tila naguluhan naman siya sa sinabi ko. What's with that reaction? "Binili mo ako para maging alipin hindi ba?" lumingon ako sa kanya at nagulat noong nasa harapan ko na pala siya. Mabilis akong tumalon palayo at hinanda ang aking sarili.


Hindi ko naramdaman ang kaniyang presensya. Wala akong naramdaman. Maski ang tunog ng kaniyang yapak ay hindi ko narinig. Maski ang kaniyang paghinga. Wala akong naramdaman mula sa kaniya.

Humarap siya sa akin at medyo seryoso na ang kaniyang mukha. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakakuyom ng aking mga kamao.

"Hindi ka alipin" mabilis akong nagtaka dahil sa kaniyang sinabi. Anong pinagsasasabi nito? "Kinuha kita mula roon para may makasama ako dito. Hindi mo ba alam kung gaano kahirap tumira dito ng walang kasama? The cicadas are the only creatures I can talk to!" aniya na tila naiirita habang nirereklamo ang kaniyang pagkakabudnot sa gitna ng gubat.


"Hindi kita maintindihan." sabi ko sa kaniya.

"In other words, I brought you here to be my companion," he softly smiled, "Welcome to my humble home, Zai."

Excelium [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon