Kabanata 27

8.1K 414 3
                                    

Mabilis ang pagtakbo ni Corum patungo sa kanilang destinasyon. Mabilis ngunit maingat rin ang kaniyang paggalaw. Sinisigurado niyang hindi mahuhulog ang dalagang nakasakay sa kaniyang likuran.

"Coco" mahinang daing ni Zai at hinawakan ang sariling ulo noong sumakit ito. Gusto niyang itanong sa pusa kung ano ba ang nangyayari sa kanya. Noong panahon na ininom niya ang panlunas, ayos naman ang kanyang kalagayan kaso noong lumaon ay bumibigat na ang kaniyang katawan.

"Malapit na tayo. Tiisin mo muna, Zai" lalong binilisan naman ni Corum ang pagtakbo. Ilang saglit lamang ay tumigil ito sa gitna ng gubat na hindi mo aakalaing titirahan pa ng ibang tao. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at nakita ang isang cabin na medyo maliit kaysa sa cabin ni Yan.

Lumapit ang pusa sa pinto at kinatok ito. Ilang saglit lamang ay narinig nila ang mga yabag na nanggagaling sa loob. Medyo mahina ang yabag nito at tila magaan lamang kaya naisip ni Zai na marahil ay babae ito.

"Ano ba yon?! Sinong nasa may katinuang isip ang pupunta dito?!" sigaw ng isang babae mula sa loob at malakas na binuksan ang pinto. Nahihirapan siyang titigan itong mabuti ngunit kinaya naman niya.

Maikli ang short nito ngunit hindi naman ganoon kaikli na tila makikita na ang pisngi ng pang-upo. Nakasando lamang ito at nagtaka siya noong makita ang hawak nitong isang telepono at nakasalpak sa tenga nito ang mga earphones na ngayon na lamang niya ulit nakita.

"Ano ba pusa?! Bakit ngayon ka pa pumunta?!" sigaw nito habang nakahawak ang isang kamay sa seradura ng pinto at ang isa ay nasa hamba ng pintuan.

"We need help" sagot ni Corum at pinakita sa kanya ang dalaga na nasa likod nito. Mabilis na itinago ng babae ang hawak na mga bagay at pinapasok na ito. Tinulungan niyang bumaba si Zai mula sa likod ng pusa at ipinasok sa loob habang nakaangkla ang braso nito sa kaniyang balikat.

Bumalik sa normal na laki si Corum at pumasok na rin ng cabin nito. Inihiga ng dalaga si Zai sa sofa nito.

"What's happening to her? She's burning in fever" nakapamewang na sabi nito.

"She's from Earth" sagot ng pusa. Natigilan ang babae at muling tumingin kay Zai na malalim ang paghinga.

"So her body is now reacting? Got shot by an Excelium?" konsulta ng babae at nagsquat pagkatapos ay hinipo ang noo ni Zai.

"Lightning" sagot ng pusa at kinamot ang likod ng tenga.

"Whooh! Bad luck had you huh? I'm surprised you're still alive" nakangisi at nanlalaki ang mga mata dahil sa gulat at tila hindi ito makapaniwala na humihinga pa ito.

Tumayo ang babae at nagtungo sa kusina. Kumuha ito ng isang planggana na may lamang tubig at isang bimpo. Binasa niya ang bimpo, pinigaan at inilagay sa noo ni Zai. Bumuga naman ng hangin si Corum.

"Thanks, Zera. I can't just let the others take care of her. They'll be suspicious about her" sabi ni Corum.

"Fine with me. Wala naman akong pinagkakaabalahan" tumayo si Zera at umupo sa isang pang-isahang silya at inilabas ang telepono.

"Now we'll just wait until she gets better" sabi ni Corum at tinitigan ang mukha ni Zai na mahimbing ng natutulog.

Zai's Point of View

Hindi ko magawang maging komportable. Parang pinupokpok ang ulo ko dahil sa sakit. Pag ginagalaw ko naman ang katawan ko, mabilis itong nanghihina at sobrang bigat pa.

Mas malala pa ito sa isang lagnat.

Tch. Nakakairita. Hindi ko gusto ang ganitong kalagayan ko. Nagmumukha akong mahina at ayon ang ayaw ko.

Excelium [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon