I was holding my mother's hand while we're taking a stroll here in the park near our house. Nasa trabaho si Dad kaya naman ay kaming dalawa lang ang nandito ngayon at namamasyal.
"Zai, anong gusto mong bilhin bago tayo umuwi?" tanong ni Mommy habang ipinapakita sa akin ang kaniyang malambing na ngiti. Itinuro ko naman sa isang banda ang manong na may tinitindang sorbetes. Tumango siya at lumapit kami roon.
Labis na lamang ang tuwa ko noong ibinili ako ni Mommy nito at naglakad na kami pauwi. Habang naglalakad ay may biglang humarang na tatlong lalaki sa harapan namin. Kakaiba ang tingin nila kay Mommy at nakangisi rin sila.
Nabitawan ko ang ice cream ko noong itinago ako ni Mommy sa likod niya. May sinasabi siya sa mga lalaki habang paatras kami ng paatras. Nagitla na lamang ako ng bigla siyang sumigaw at binuhat ako pagkatapos ay mabilis siyang tumakbo palayo.
Nasa tago kaming parte ng parke kaya naman ay walang mga tao ang napapadpad dito. Nakita ko ang tatlong lalaki na hinahabol kami at may suot na mga nakakatakot na ngisi.
Nagtaka ako noong biglang lumiko ang isang lalaki sa eskinita na nilampasan namin. Ilang saglit lamang ay biglang tumigil si Mommy. Tumingin ako sa aming harapan at nakita ang lalaking lumiko sa eskinita kanina.
Humigpit ang yakap sa akin ni Mommy habang papalapit ng papalapit ang mga lalaki mula sa aming harapan at likuran. Biglang tumakbo si Mommy sa eskinitang nasa gilid namin. Masikip ang daanan ngunit hindi iyon inisip ni Mommy tumakbo lamang siya ng tumakbo at lumiko ng lumiko upang maiwala ang mga lalaki.
![](https://img.wattpad.com/cover/181767173-288-k819109.jpg)
BINABASA MO ANG
Excelium [Editing]
Fantasy[Book 1 of Excelium] Written in TAGLISH As they say, what matters most in life is not the beginning nor the closing, it's the middle part of the plot that you construct yourself. Get your dream job, have good friends and acquaintances, fall in love...