Zai's Point of View
"Focus, Zaivrin" istriktong saad ni Daddy habang iniiwasan niya ang bawat pag-atake ko gamit ang aking maliit na kutsilyo.
Sa edad kong nuebe, may tiwala ako sa bilis ko at ako'y nakakatiyak na hindi ako mabagal. Sadyang sobrang bilis lamang ng aking ama. Kahit kailan man ay hindi ko naisip ang sarili ko na matalo siya. Alam kong hindi maganda ang reputasyon ng aking ama ngunit malaki pa rin ang aking respeto para sa kaniya.
Tumalon ako at akmang sisipain siya ngunit bigla niyang hinawakan ang binti ko at hinagis ako kaya naman ang katawan ko ay nagpagulong-gulong sa malinis na damo ng aming bakuran. Maluha-luha ako habang tumatayo dahil sa mga sugat na nakukuha ko.
Ilang buwan na rin ang lumipas mula noong iniwan ako ng aking ina. Simula noon ay nakapagdesisyon na ako na matuto ng mga bagay na matagal ng nais na ituro sa akin ni Daddy. Pinipigilan lamang siya ni Mommy dahil hindi niya gustong nakikita akong humahawak ng patalim at ng kung ano pang mga bagay na alam niyang bawal para sa isang batang katulad ko. Pinangako ko rin sa sarili ko na hindi na ako iiyak at magiging matatag ako kahit wala siya sa aking tabi.
Habang nakadapa sa damuhan ay biglang nagpunta sa aking likuran si Daddy at itinuwid ang aking braso. Napasigaw ako sa sakit noong hinila niya ito patungo sa aking likod.
BINABASA MO ANG
Excelium [Editing]
Fantasía[Book 1 of Excelium] Written in TAGLISH As they say, what matters most in life is not the beginning nor the closing, it's the middle part of the plot that you construct yourself. Get your dream job, have good friends and acquaintances, fall in love...