Ilang araw na ang lumipas mula noong magising ako sa lugar na ito. Paunti-unti, nakakasanayan ko na rin ang atmospera, paligid, at mga kaganapan rito.
"Ate Zai! Nais ko pong mamasyal sa bayan kasama ka." kumikinang ang mga mata na paanyaya sa akin ni Aki. Ang tinutukoy niyang bayan ay ang sentro ng Bermania kung saan naroon ang mga tao na namumuhay ng normal. Mga nagtitinda, namimili at namamasyal.
"Pero Aki, kailangan nating tumulong sa iyong ina." pagprotesta ko at napagawi ang tingin kay Ate Agna na nagluluto ng hapunan.
"Kaya ko na ito Zai, mas maganda kung ikaw ay makapalibot dito sa aming munting bayan." ngumiti ito sa amin. Tumango naman ako at lumabas na kami ng kubo ni Aki.
Tuwang-tuwa siya habang nilalakbay namin ang daan patungong bayan. "Tiyak na magiging masaya ang araw na ito, Ate Zai!" aniya at napatalon pa dahil sa galak. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango na lang.
Ilang saglit lang ay narating na namin ang aming destinasyon. Napakaaliwalas ng paligid. Halos lahat ng tao ay nakangiti at nagbabatian. Nakangiting nagtitinda ang mga tindero't tindera, natutuwa naman na bumili ang mga namimili. Mayroon rin' mga lalaki na nakasuot ng mga baluti na pawang mga kawal. Nakapunta na ako rito upang magtrabaho ngunit hindi ko masyadong pinagmasdan ang bayan at konsentrado lamang ako sa paghahanap ng mapagkakakitaan.
"Ate, tara!" hinawakan ni Aki ang kamay ko at bigla na lamang akong hinatak kaya naman ay napasunod na lamang ako sa kanya.
Tuwang tuwa kami habang nililibot ang buong bayan. Nasasabik naman ako dahil ito ang unang beses na pupunta ako sa bayan upang magsaya at hindi magbanat ng buto. Para akong nangibang bansa. Dati ay napapanood ko lamang ang ganitong mga lugar sa telebisyon ngunit heto na at narito na rin ako sa ganitong klaseng lugar.
"Doon tayo, Ate!" bigla namang tumakbo si Aki kaya sumunod na lamang ako sa kanya ngunit natigil ako sa pagtakbo noong makita ang isang babae na gumagawa ng kung anong mahika sa gilid. May lumalabas na apoy sa kanyang mga palad at nagiging kahugis ng kung anumang mga hayop. Tuwang tuwa naman ang mga bata na nanonood sa kaniya.
Sa ilang araw na itinagal ko na rin dito, aking napag-alaman na hindi normal ang mga tao sa mundong ito. Mayroon silang mga kakayahan na hindi kapani-paniwala pero isang katotoohanan. Mga kakayahan na hindi nagagawa ng mga taong mula sa mundong kinabibilangan ko.
"Ate, bilis!" napatingin ako kay Aki na medyo malayo sa akin. Kumakaway siya sa akin. Lumapit naman ako sa kanya.
"Ate tingnan mo oh!" aniya at humarap sa tindahan na nasa gilid niya. Sa likod ng salamin ay naroon ang isang magandang bestida. Mukha itong mamahalin dahil sa ganda ng tela at disenyo.
"Balang araw..." napatingin ako kay Aki noong bigla siyang nagsalita pagkatapos niyang manahimik dahil sa kanyang paghanga sa eleganteng damit. "Balang araw ay makakabili rin ako ng ganiyan. Balang araw ay hindi na kakailanganin ni ina na mapagod para lamang may makain kami. Balang araw ay makakapag-aral rin ako." bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti ng malawak. Naningkit ang kaniyang mga mata dahil sa kanyang maaliwalas na ngiti. Habang ako'y nakatingin lamang sa kanya at inaabangan ang susunod niyang sasabihin.
"Dadating ang araw na hindi na namin mararanasan ang hirap! At gusto kong kasama ka namin sa araw na iyon, Ate Zai!" nasasabik na saad niya. Ngumiti ako at tumango. Hinimas ko rin ang kanyang buhok.
Bata pa lamang siya ngunit namulat na siya sa ganitong realidad. Ang reyalidad na hindi ka mabubuhay kung hindi ka magbabanat ng iyong mga buto. Ang reyalidad na hindi ka magtatagumpay kung hindi ka dadaan sa paghihirap. Nakakapanghinayang lang na hindi niya naranasan ang maging kampante at makapagliwaliw na parang isang normal na bata.
"Tara ate! Doon tayo oh!" aya niya sa akin at tinuro ang malaking fountain na naroon. Tumango naman ako at nagtungo kami roon. Umupo ako sa isang bench na naroon, siya nama'y nagtungo sa fountain at tinitigan ang tubig habang kumikinang ang kanyang mga mata na pawang tuwang tuwa na makita ang malinaw na tubig.
Napangiti na lamang ako at tumingin sa langit.
Si Aki ay may abilidad na makausap ang kalikasan. Naiintindihan niya ang mga nais ipahiwatig ng mga ito. Ngunit hindi niya ito nakokontrol. Ito lamang daw ang kaniyang isang tunay na kaibigan. Dahil ang ibang mga bata na alipin ay abala rin sa pagtatrabaho at walang oras na makipaglaro at makipagkaibigan. It's somewhat sad to think that those children who are born as slaves can't feel the joy of living without worries.
"Hoy Plebeian! H'wag mong ihawak ang iyong mga maruruming kamay sa malinis na tubig na iyan!" napatingin ako sa aking kanan noong marinig ang sigaw na iyon. Napaayos naman ng tayo si Aki at biglang nagtago sa aking likod.
Hinarap ko naman ang kawal na sumigaw ng mga katagang iyon. Nakangisi ito at pawang natutuwa sa kanyang ginawa. Napatingin ako sa kanyang makintab na ulo dahil agaw pansin ito.
"Ano bang problema mo?" pikon na tanong ko sa kaniya.
Bigla naman nitong idinuro ang kaniyang daliri sa amin. "Hindi dapat tumatapak sa ganitong lugar ang katulad niyong mga Plebeian! Mas mabuting bumalik na lang kayo sa putikan kung saan kayo nababagay!" hindi mabura-bura ang ngisi sa kaniyang mga labi. Pinapalibutan na rin kami ng mga tao at nakikiusyoso.
"Ano bang pakialam mo? Hindi naman sayo ang bayan na ito para ipagtabuyan kami mula dito." sagot ko sa kaniya. Natigilan ito at pawang nainis sa aking sinabi. Napahigpit naman ang kapit ni Aki sa laylayan ng damit na aking suot. Muli akong napatingin sa kaniyang makintab na ulo. Nakakabahala.
"Ngunit mas may karapatan pa rin kami sa bayang ito. Hindi katulad niyong mga alipin na madudumi." mayabang nitong saad. I rolled my eyes. I can't believe such people do exist. Sa mundo ko ay 'pag ganyan ka umakto, sikat ka na agad sa social media. Kaya walang mga taong nagsasabi ng ganyan sa publiko. Takot na lang nilang madungisan ang reputasyon nila.
"Talaga ba? Hindi mo ba napapansin na mas marumi ang bibig mo?" I said and glared at him. That bald head of his is very distracting. Don't they have wigs here?
"Ha! Lakas ng loob mong bigyan ako ng masamang tingin ah!" lalong lumaki ang ngisi nito. "Di hamak na isa ka lamang alipin. Walang matatakot sayo!"
"Sino rin ang masisindak sayo, kalbo?" pinalalim ko ang aking boses upang siya'y masindak habang matalim pa rin ang aking tingin sa kaniya. Napaatras naman siya ng isang beses.
"Isa ka lamang alipin!" sigaw niya. Inulit niya lang ang sinabi niya. Tumakbo ito papunta sa akin habang nakahanda na ang kaniyang kamao. Iginilid ko naman si Aki at hinarap ito.
Iniwas ko ang aking ulo noong siya'y sumuntok. Mabilis kong hinawakan ng mahigpit ang kaniyang braso na ginamit niya sa pagsuntok at malakas siyang ibinalibag sa sahig. Tumalbog pa ang kaniyang katawan dahil sa lakas noon. He groaned because of the pain on his back and arm.
"Tara na Aki." aya ko kay Aki. Mukhang natauhan naman siya bigla at tumango. Sumunod na siya sa akin.
Kairita. Hindi ko sukat akalain na may mga tao talagang makikitid ang utak. Sa estado ba ng pamumuhay ng tao nila binabase ang pagbibigay ng respeto dito? Parang mga t*nga lang.
Plebeian. Sa aking pagkakaalam ay ito ang tawag sa mga taong nasa mababang klase ng estado ng pamumuhay. Mga walang karapatan sa lipunan o kahit anuman dahil sa diskriminasyon na ibinibigay sa kanila.
Ang kabaliktaran naman nito ay ang mga Patrician. Sila ang mga mamamayan na may hawak ng malaking yaman. Sila ang mga taong may karapatan sa halos lahat ng bagay. Mga taong hindi marunong magbaba ng ulo.
At ang mga Commoners naman ay mga mamamayan na hindi mahirap ngunit hindi rin mayaman. Katulad na lamang ng mga tao sa bayan na ito. Sila ang tipo ng mga tao na mapagmataas sa mga Plebeian pero tumitiklop naman sa harap ng mga Patrician. Mga taong parang aso kung umakto.
Hindi ka bibigyan ng respeto kung wala kang pera. Gano'n kaliit ang utak ng mga tao sa mundong 'to.
Nakabase sa pera mo ang respetong ibibigay nila.
BINABASA MO ANG
Excelium [Editing]
Fantasia[Book 1 of Excelium] Written in TAGLISH As they say, what matters most in life is not the beginning nor the closing, it's the middle part of the plot that you construct yourself. Get your dream job, have good friends and acquaintances, fall in love...
![Excelium [Editing]](https://img.wattpad.com/cover/181767173-64-k819109.jpg)