Kabanata 25

7.9K 423 13
                                    

"Umalis ka na!" galit niyang sigaw habang niyayakap niya ang ate niyang nakaluhod at nakayuko. Hindi ko siya pinansin at lumapit sa kanila.

Umayos siya ng upo. Ang isang tuhod ay nakalapag sa sahig ng kubo at ang kutsilyo niya ay nakahanda na rin.

"Wag kang ganyan, Axen" saad ng ate niya at inilayo ang kutsilyong hawak nito. Umubo ang babae at tila hirap na hirap ito.

"Ate!" nag-aalalang tawag dito ng lalaki at hinawakan ito sa magkabilang balikat.

Lumapit ako sa kanila at inayos sa pagkakaupo muli ang babae sa hinihigaan nito.

"Wala akong gagawing masama kaya ilayo mo yang kutsilyo mo" saad ko habang nakatalikod sa kanya at inaayos ang unan sa likod ng ate niya. Bahagyang ibinukas ng babae ang kaniyang mata at tumingin sa kapatid.

"Axen" pagsaway nito. Naramdaman ko na ibinaba naman ni Axen ang kutsilyo ng wala sa kalooban.

"Kumain muna po kayo" saad ko at kinuha ang mansanas na binalatan ni Axen. Ngumiti naman ito at sinunod na lamang ako. Umupo ako at pinagkrus ang mga binti. Tumingin ako kay Axen na ganoon rin ang posisyon pero matalim pa rin ang tingin sa akin. Tinatakpan pa rin ng isang itim na tela ang kaniyang bibig at ilong.

Noong matapos ng kumain ang babae, nagsalita na ito.

"Pasensya na po talaga kayo sa ginawa ng kapatid ko. Patawad" paghingi nito ng despensa. Umiling naman ako.

"Ayos lang. And I'm younger than you so drop the 'po'" sabi ko naman. Ngumiti naman ito.

"Axen. Humingi ka ng tawad sa kanya at magpasalamat ka na rin" umiwas lamang ng tingin ang lalaki.

"Pasensya ka na talaga" saad ng babae.

"Ayos lang po talaga. Alam ko na po na ganyan ang magiging trato niya base sa pagkakakita ko sa mga mata niya" aniko.

"Hindi naman talaga ganyan ang ugali ng batang yan. Marahil ay sumobra lamang ang pag-aalala niya sa akin" sabi ng babae na may bahid ng ngiti sa mga labi.

"Ganon?" sarkastikong saad ko at tumingin sa lalaki. Binigyan naman ako nito ng matalim na tingin.

"Ano nga pala ang iyong pangalan binibini?" muli akong lumingon sa babae at sinagot ang tanong niya.

"Zai." simpleng saad ko.

"Kinagagalak ka naming makilala" ngumiti ito.

"I'm not" sabat ng lalaki na hindi tumitingin sa akin. Mahinang natawa ang babae ngunit natigil at nasundan lamang ng mga ubo.

"Ate" lumapit si Axen rito at hinagod ang likod nito. Habang ako naman ay nanatiling nakatitig lamang sa kanila.

"Bakit hindi kayo magpunta sa pagamutan?" tanong ko.

"Wala kaming pera" sagot ni Axen na hindi tumitingin sa akin.

"Nagawa mo ng magnakaw ng prutas hindi mo pa sinagad" nakangising sambit ko. Nag-iwas naman ito ng tingin at mukhang alam ko na ang dahilan. Nagpatuloy sa pag-ubo ang ate niya. Tinitigan ko ang dalawa at pinagmasdan.

"Hey." tawag ko sa kanila. Tumingin naman ang mga ito.

"Do you... want to live longer?" tanong ko. Natigilan ang mga ito at tumitig sa akin ng matagal. Diretso lamang ang tingin ko sa mata ng babae. Tila nagkaroon ito ng kislap. Nakita ko ang pamumuo ng mga luha nito at tinakpan niya ang kanyang labi gamit ang kanyang kamay habang ang isang kamay ay napahawak ng mahigpit sa damit ng kapatid.

"I do. I don't wanna leave my brother all alone" humihikbing sagot nito. Napangiti naman ako sa sagot nito.

Binuksan ko ang sling bag ko at kinuha mula roon ang natitirang gamot na panlunas na ginawa ko.

Excelium [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon