Kabanata 26

8.3K 414 11
                                        

Tahimik akong nakahiga sa kama at pinapahinga ang katawan ko noong nakarinig ako ng tatlong malalakas na katok. Noong hindi ko ito pinansin, malakas na tumama ang pinto sa pader.

"Hey Zai! Sabi mo ililibot mo ako dito?!" tanong ni Axen at nilapitan ako.

"Huh?" garalgal ang boses at halatang kakagising lamang na tanong ko sa kaniya.

"C'mon! Ilibot mo na ako!" aniya at pilit na kinukuha ang kumot na nakapalibot sa katawan ko.

"Pwede bang sa iba ka na lang magpasama? Inaantok pa ako"

"Ayoko! They're... weird..." tila nakangiwing sabi nito. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"All of us in here are weird" sagot ko.

"Tumayo ka na diyan Zai!" malakas nitong hinila ang kumot ko.

Third Person's Point of View

Natigilan si Axen noong mapagmasdan niya si Zai na hindi na natatakpan ng kumot. Halos naliligo na ito sa pawis at malalim rin ang kaniyang paghinga. Kumukunot rin ang noo nito na tila may dinadamdam na sakit.

"Oy, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya at nilapitan ito. Noong dumampi ang kaniyang kamay sa kamay nito, para siyang napaso dahil sa sobrang init nito.

"Oy! Anong nangyayari sayo?" halos mataranta na siya sa kondisyon ng babae. Sobrang init ng katawan nito. Tila sumobra pa ang kaniyang temperatura sa taong may lagnat.

Mabilis siyang tumakbo palabas at muntikan ng madapa dahil sa pagmamadali. Lumapit siya sa hagdan at nakita niya ang mga kasama sa dormitoryo na nag-uusap sa sala. Kasama na roon ang kanilang guro.

"It's Zai! Something's wrong with her!" sigaw nito habang nakahawak sa harang ng hagdan. Mabilis namang tumayo ang mga ito at tumakbo patungo sa kwarto ng dalaga.

Pagkarating doon ay naramdaman na nila ang temperatura ng buong silid. Sobrang init nito. Lumapit dito ang kanilang guro at sinuri ang dalaga. Halos hindi niya ito mahawakan dahil sa sobrang init.

"Anong nararamdaman mo?" tanong niya sa dalaga na malalim ang paghinga.

"B-bad" nahihirapang sagot nito.

"Call the nurse----" hindi natapos ng guro ang kaniyang sasabihin noong biglang nagsalita rin ang babae.

"Levine. G-get Levine" saad nito. Tinanguan naman ni Sinner ang anak ng headmaster na si Vyann. Tumango rin ito at biglang nawala sa isang iglap.

"When did you start feeling like that?" tanong ni Sinner sa estudyante.

"A-after Axen struck me with his lightning" anito at biglang napadaing.

"Her body can't take the blow." biglang sabi ni Kleiv.

"Have you already drink a potion?" tumango naman ang dalaga.

"It healed my wounds and body pain but after that my body felt hot and heavy. My eyesight is becoming more blurry and my head is getting fuzzy"

"Why didn't you tell me?!" sigaw ni Axen habang ang mga nakakuyom na kamay ay nasa gilid ng kama.

"It's not important. Hindi pa naman ako mamamatay" saad ng dalaga at sinundan ng mahinang tawa.

Excelium [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon