6th Behind

2.1K 37 5
                                    

Bahay ng mga Dela Merced

Pumasok kami sa loob. Malawak pa ang lupa nito at iisang bahay lang ang meron. May mga tirahan na ng kabayo. Iyon nga lang malayo sa bahay.

"Sino na mahala dito?" Tanong ko habang papasok kami sa loob.

"Wala, kundi kasambahay lang. Alam mo naman yang mga pinsan natin. Ang daming arte. Imbis na sila na lang mamahala. Ako pa ang nagasikaso. Edi sana nasa SCP ako." Sagot niya.

Parehas pa kami nakasuot ng shades. Init kasi!

"Nako! Nandito na si Ian!" Sigaw ng babaeng medyo may edad na. Tumakbo siya kay Ian at hinalikan niya ito sa magkabilang pisngi. Tumawa naman siya at niyakap niya pa ito.

"Ang laki laki mo na!" Natutuwang sabi ng matanda. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Ian na para bang bata.

"Sigurado ka bang sila na yan?" May dumating naman na isang lalaking matanda.

Tumawa ang babaeng kayakap ni Ian. "Oo naman! siya na nga!"

"Aba'y! Binatilyo na!" Natutuwang sabi ng matandang lalaki. Parang kilalang kilala na nila si Ian at mukhang matagal na nilang nakasama.

"Hindi naman ho! Ganon parin naman" Tawa ni Ian.

Tumawa naman ang dalawang matanda. Napatingin sila sa akin at ngumiti naman ako. Nagkatinginan silang mag asawa na para bang gulat na gulat nang nakita ako.

"May asawa ka na?" Tanong agad ng babaeng matanda.

Agad nanlaki ang mga mata ko, na para bang nandiri.

Natawa si Ian. "Hindi ho! Pinsan ko po!"

Lumapit ako para magpakilala "Magandang umaga ho! Ako po pala si Victoria" Nagmano ako.

"Nako, napakabuting bata naman at napakaganda pa. Ako nga pala si Manang Celing at eto naman ang asawa ko si Mang Galdo"

Ngumiti ako. Mababait naman sila at mukhang dito na sila nakatira. Si Manang Celing naman ay medyo may edad na pero maganda ang kutis ng kanyang balat. Si Mang Galdo naman ay ganun rin pero matangkad at mestizo. Mukhang nasa 50's na ang edad nila.

"O siya! pumasok na kayo sa loob at para makakain na rin kayo" Sabi ni Manang Celing.

Pumasok naman kami.

Gawa sa bamboo ang bahay at medyo luma na ito pero matibay pa naman. May tatlong kwarto sa itaas. Sa sala naman, gawa rin sa bamboo ang mga sofa, may mga unan rin na nakapatong sa upuan, makikita mo rin agad ang view ng farm at malaki rin ang bintana kaya presko pa ang simoy ng hangin. Wala nga lang Tv, may mga decoration rin naman. Malinis sila sa bahay at mukhang araw-araw nila ito nililinis. May iilang litrato rin ang nakalagay sa mahabang lamesa at pati na rin sa mga dingding. May malaki rin na salamin na nakalagay dito. Ang sarap lang mamuhay sa probinsya, wala ka masyadong iniisip.

Naalala ko ang mag asawa sa Siargao. Si Manang Bertha at Mang Carpio. Sila lang nag alaga sa akin noong nasa Siargao ako. Dapat sila ang nandito sa Alegria para mamahala. Pero hindi sila pumayag. Madaming anak at malayo ito sa kanila. Kaya hindi ko na lang alam kung saan nakilala ni Ian sina Mang Galdo at Manang Celing.

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon