9th Behind

1.7K 40 0
                                    

Tinago Falls

"Victoria!"

Mas lalo ko binilisan si Dalitia palayo. Bahala na kung saan ako makapunta. Nilingon ko ang aking likuran at mabilis ang pagsunod ni Axel. Muntikan pa ko masagasaan ng motor kaya agad akong napailang. Agad na humarang si Axel sa harapan ko kaya napatigil kami ni Dalitia.

"Victoria! Ang bilis mo magpatakbo! Muntikan ka nang masagasaan oh! Magpapakamatay ka ba?" Halos gusto niya na ko sigawan.

Umiwas ako at napapikit ako ng mariin. Hindi ko siya kinibo. Hindi ko lang makalimutan ang pagkikita naming dalawa kanina.

"Jusko!" Napailing siya. "Magpapakamatay ka ata eh!" Pag alala niya.

Huminga ako ng malalim ngunit sunod sunod ang pagsinghal ko. Napalunok ako na para bang may nagbabara sa lalamunan ko. "Axel, mauna ka ng umuwi. Iwan mo muna ko."

Agad siyang nagtaka. "Bakit? Saan ka pupunta. Wala ka namang maiikutan dito."

"G-gusto ko lang mapagisa muna."

Tinitigan niya lang ako, na para bang binabasa ang ekspresyon ko.

"Okay ka lang? Hindi naman sa nakikialam ako. Kanina ko pa napapansin yang namumula mong mata. Umiiyak ka ba?" Pag alala niya.

Umiling iling ako. "Wala ito!" Nagbalik baliktad ako.

"Sigurado ka ba?"

Napatungo na lang ako.

"Hindi kita pwedeng iwanan dito lalo't nang puro bukid ang nandito. Sabi mo sa tinago falls tayo?" Tumabi kaming dalawa sa gilid. Puro palayan ang nakapaligid sa aming dalawa at ilang mga bahay na luma ang nasa gilid.

"Nawalan na kasi ako ng gana. Bigla kasing sumakit ang pakiramdam ko."

"Gusto mo na bang umuwi?"

"Hindi!" Sagot ko agad. Ayokong makita ako ni Ian na ganito. "Baka may makainan dito. Gusto ko munang kumain."

"Ah! Sige! Sumunod ka lang sa akin."

Pinabilis niya ang takbo si Max at ako naman ay sumunod sa kanya. Nakarating kami sa isang kubo. Kung titignan ito, para lang siyang karinderya. Ang sabi ni Axel masarap daw ang beef mami nila dito.

"Aba! Nandito ka pala Axel." Biglang lumabas ang isang lalaki, na mukhang kilalang kilala si Axel. Binati niya naman at nakipagkamayan.

"Oo naman!" Tumawa siya. "Ang tagal ko nang hindi nakakapunta dito" Sabi niya ng nakangiti.

"Oo nga eh! Akala ko nakalimutan mo na ko." Tawa niya at napatingin siya sa akin. "Sino itong kasama mo?"

"Ahh! kaibigan ko pala si Victoria. " Pagpapakilala niya sa akin.

Ngumiti naman siya ngunit tungo at ngiting tipid lang binigay ko. "Hi!"

Ngumiti siya. "Ako pala si Leo, high school classmate ni Axel" Sabi niya.

Tumungo ako at ngumiti. Buti na lang may shades ako kaya di halata ang pagkamula nang mata ko.

"Hindi mo sinabi na may kasama ka pala." Ngiti ng Leo. "Dayo ba siya ng Manila?"

Umiling ako. "Cagayan de oro."

"Ahh! So...sa bayan ka pala ni Knoxx nakatira."

"Ganon na nga." Sabi ko.

"Ano palang meron na pagkain, Leo?" Tanong ni Axel habang tinitignan ang menu.

"Ganon pa din naman. Beef mami." Sagot ni Leo. Ilang sandali ay may tumawag agad sa kanya na costumer. "O siya! Umurder na lang kayo doon. May trabaho pa kong tatapusin."

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon