16th Behind

1.6K 38 3
                                    

Matigas

"Hoy! Nasa pamamahay tayo nila Knoxx kaya umayos ka!" Humiwalay agad ako ng yakap.

"Bakit? Eh! Hindi lang naman si Kuya ang may pagmamay ari nito. Ako din kaya!"

"Hindi ka ba nakikihiya? Nandito sila oh!"

"Wala akong pakialam!" Pagmumukmok niya.

Umirap ako at akmang lalabas. Pero hinatak niya ko ulit. "Azrael!" Awat ko.

"Pumasok ka dito sa Kwarto ko tapos. Nakita mo kong gising, aalis ka na agad?"

"Paano naman kase! Ikaw ata may pagnanasa sa akin." Isa pa! Makokotongan ko na naman ito. Natawa siya at tinulak ako pahiga. Muntikan na kong tumili nang bigla niya kong yakapin.

"Hoy! Nandito ako para lang ihatid iyong hot choco mo!"

"Talaga? O ako talaga ang pinunta mo dito?" Tawa niya. Tinulak ko siya dahil nakaibabaw ako. Buti naman ay pinakawalan niya agad ako. Nag indian sit ako habang siya ay nakahiga.

"May hinatid lang kami ni Axel." Sabi ko pero natahimik siya bigla. Buti naman! Pero napalingon din ako. Humiga na lang siya sa kama at inilagay sa mata niya ang kanyang braso.

"Huy! Hindi ka na kumibo?"

"Wala! Go now! Baka hinihintay ka na ng bago mo!" Sabi niya.

"So ayaw mong nandito ako?" Nagcross arm ako. Di siya kumibo. Ang arte mo pa ah! Nandito na nga ko. Nanatili lamang ako sa tabi niya ngunit tumalikod siya. "Huy! Para ka namang bata."

Di niya ko pinansin ay naglagay pa talaga siya ng unan sa kanyang binti. Tignan mo tong lalaking ito! Inaartehan pa ko. Kapag ako talaga nagbago ang isip iiwanan ko talaga siya dito. Ahh ganon! Di niya ko papansinin. Lumipat ako sa bandang ulo niya at tsaka tiniris ang pimpols niya.

"Aray ko naman!" Sinamaan niya ko ng tingin at tsaka napakamot ng ulo.

"Ayaw mo kong pansinin eh!" Halos matawa tawa ako sa reaksyon na binibigay niya. Umiling na lang siya at tumalikod ulit.

"Ang arte mo noh! Tama nga si Klare. Para kang babae kung umarte!"

"I don't care! Go out!" Sigaw niya.

"Sinisigawan mo ko?"

"Just go!" Sigaw niya ulit.

"Wala akong sinabing sigawan mo ko, Azrael." Pagtataas ko ng kilay.

"Hindi!" Mahulamanay niyang sabi. "Sabi ko nga di na ko sisigaw." Di ko siya pinakinggan. Nanatili akong nagtiris ng tigyawat niya.

"MASAKIT NGA!- HINDI KA BA?- Aray!" Napapakamot siya ng tainga.

"Malapit ng pumutok!"

"Wag mong pakelaman!" Natatawa na lang ako. Sayang naman kung hindi pa ipuputok. Isang tiris na lang. Tiniris ko ulit ito ngunit napaharap siya.

"Ang kulit mo!" Aniya. Aba! Ako pa naging makulit.

"Sandali na lang!"

Umilag siya. "Ayoko!"

"Isa!"

"Aba! Ako pa binibilangan mo? Ang sakit kaya!"

"Dalawa!" Nanatili lamang siyang nakitingin sa akin. Umiling siya at hindi ako pinansin.

"Kapag hindi ka umayos hahalikan kita!"
Agad siyang napaharap at sumilay ang ngiti sa labi.

"Sige! French kiss!" Aniy sabay nguso.

Napapailing ako. Ako ang nag adjust.

"Ouch!" Napahawak siya sa kanyang ulo ngunit natawa ako ng pumutok ito.

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon