26th Behind

1.5K 30 2
                                    

Hopia, mani, popcorn

Nanatili lamang ako nakatingin sa malayo habang si Azrael ay natutulog sa braso ko. Ang isa kong paa ay nakapatong sa kanyang binti. Sinaplot ko ang kumot sa aking katawan. Panty lamang ang aking suot.

Di ko maiwasan na mapangiti habang sinusulyapan ko ang mahimbing na tulog ni Azrael. Hinawi ko ang kanyang buhok at tsaka hinalikan sa noo.

Alas singko na ng madaling araw kaya medyo nagliliwanag na at hindi na nasundan ang tulog ko. Tumayo ako ng dahan dahan dahil ayoko masira ang tulog niya. Puyat siya kaya di ko pwedeng guluhin. Kinuha ko ang mga damit kong nakakalat sa sahig. Inilagay ko na lang muna ito sa bag. Kumuha ako ng damit sa kabinet at damit na muna ni Azrael ang ginamit ko.

Pumasok na ko sa cr para maligo at magbihis. Hinayaan ko ang sarili kong magpahinga sa bathtub habang ang dalawa kong kamay ay nakapatong sa magkabilang gilid.

Patuloy pa din ang pagpicture sa utak ko ang mga nangyari.

"Pierto agilas Xiong"

Siya pala ang tatay ni Benji at Natalie. So ibig bang sabihin noon ay nakadalawang asawa si Pierto?

Benji is a Lim and Natalie is a Dela Cruz. So ibig sabihin magkapatid sila sa ina o sa ama?

Umiling iling ako. Wala na kong pakialam doon. Basta ay nakulong na sila. Masaya na ko doon. Pumikit ako at hinayaang magrelax ang katawan ko kahit may konting hapdi pa ang dalawa kong pulso.

Hindi ko din inisip ang nangyari kahapon. Masyado lang ako depress.

"VICTORIA!" Agad ako naalimpungatan nang makarinig akong sunod sunod na katok sa ilabas.

"VICTORIA!" Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala dahil masyado ata ako na relax. Tatayo na sana ako ngunit na unahan ako nang bigla pumasok si Azrael.

Napatigil siya nang makita niya ko.

"Geez!" Agad niya kong niyakap. Bakas ang alala sa kanyang mukha.

"Why? What's wrong?" Napahiwalay ako.
Namutla siya. Magulo pa ang kanyang buhok at mukhang bagong gising lang.

"I thought you were gone" Napatingin ako sa aking pulso at dumugo na naman ito. Niyakap niya ko ulit. "Damn it! Don't do that again! Victoria. Akala ko kung ano na naman ang nangyari sayo." Alala niya.

Ang akala niya siguro ay lumayas na ko sa bahay niya. Umayos ako ng upo at nakaramdam ako ng sakit ng katawan.

"Hindi! Naka idlip lang ako." Hinalikan ko siya sa labi. "Relax. I'm fine." Ngumiti ako. "Don't worry about me. Bumalik na tayo ng Santa Cecilia at mukhang hinahanap na tayo nila Ian doon."

Suminghap siya at tsaka tumungo. "Okay! Sabay na tayo maligo." Aniya. Wala akong na gawa kundi tumungo.

Maghawak kamay kami ni Azrael habang pabalik sa Santa. Cecilia. Si Dalitia ay pinahatid na lang ng trabahador nila Azrael. Sila Knoxx at Entice ay hindi namin alam kung saan nagpunta pero alam namin nasa bahay sila kahapon. Hindi lang kami lumalabas.

Kahit anong isipin ko ay ayon at ayon pa din ang nakikita ko. Agad na hinalikan ni Azrael ang kamay ko habang nagd-drive siya pa balik ng Santa. Cecilia ng Alegria.

"Ano kaya magiging reaksyon ni Ian kung sakali makita niya kong ganito?" Tanong ko nang makarating na kami ng Santa. Cecilia.

Ngumiti siya. "Kung ano ang problema mo. Sabihin mo na agad kay Ian kung ano ang nangyari sa atin ka gabi."

Ngumiti din ako pabalik. Pagkapasok ko sa bahay ay nakita ko si Aki na halatang bagong gising lang. Medyo malaki ang mata nito at magulo gulo ang buhok. Tulala lang siyang nakaupo sa sofa.

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon