47th Behind

1.2K 27 3
                                    

Kill

WARNING: LANGUAGE/ LENGGUAHE

"Don't panic, please! Relax! It's just a text. Kakausapin natin ng maayos si Azrael. Okay? Don't overthink. Calm down!" Mahinahon ni Josiah.

"W-What i-if...n-nagkikita p-pa din sila? P-paano?" Umiling iling ako. "A-Ayoko, Jos! H-Hindi ko na makakayanan kap-pag m-mismo sa kanya na nanggaling." Sinubukan kong uminahon habang hinihimas niya ang likuran ko. "M-Mamamatay talaga ako!"

"Masyado ka nang na paranoid. Relax! Okay? Everything is going to be okay. Relax!" Pina inom niya ko ng tubig. Tinanggap ko naman yon.

Ang hirap hirap ng ganitong sitwasyon. Sobra! At hindi naging biro ang lahat nang ito. Ang daming iniisip. Yung marami kang inaaway pero ang totoo ay walang umaaway sayo. Pero ang dahilan ay sa truama na lahat na nangyari ay nababaliw ka na. Akala mo sa tuwing may lalapit sayo ay aawayin ka nila pero ang totoo ay hindi.

Mapapamura ka na lang talaga. Para akong batang nakikipag away dahil hindi ako sinali sa laro. Ang hirap magkasakit ng ganito.

Nanatili akong kalmado. Pinakalma ako ni Josiah bago kami tumungo sa mga pinsan niya. Inatake ako. Masyado ako nag overthink. Ang sabi ni Josiah ay wag daw ako magpanic. Pero kahit papaano ay gumaang ang pakiramdam ko.

Masyado lang ako naging OA kanina o hindi kaya masyado na ko natakot.

Nilingon ko sila at nakita kong nakikipagbiruan si Azrael. Una ako nakita ni Elijah habang nakaupo sa gilid ng pool. Uminom muna siya bago bumulong kay Azrael. Kumunot pa ang noo ni Azrael at bago na lipat ang tingin sa akin.

Tumama ang paningin ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit agad ako nakaramdam ng inis. Bigla nag iba ang timpla niya nang makita niya si Josiah sa likuran ko.

"Dito ka, Victoria." Tawag sa akin ni Chanel. Bali 14 kami magkakasama ngayon. Masyadong marami.

Bali Anim kaming babae. Sina Eba, Erin, Claudette, Chanel ang kasama ko.

8 naman ang mga lalaki. Azrael, Josiah, Rafael, Elijah at Damon. Kasama ang dalawa kong pinsan na si Hendrix at Pierre. Pinakabata sa amin ay si Xian.

Ngumiti naman ako at agad din akong umupo sa tabi niya. Inipit ko ang buhok ko sa likod ng tainga at binasa ko ang ibabang labi ko.

"Gusto mong uminom?" Naglahad pa siya ng isang basong alak.

"No, Ate. Bawal sa kanya yan ngayon." Inagaw ni Josiah ang baso at siya ang uminom. "Not good for her health. Baka pagalitan tayo ni Don Dominique. Don't drink alcohol." Paalala niya.

Agad na kumunot ang noo ni Chanel. "Grabe! Ang corny naman! Minsan lang oh! Sige na!"

Ngumiti ako. "No! Thank u! Ayos lang naman. Hindi talaga pwede sabi ni Angkong." I lied. Pero kahit nandito si Angkong di din ako papayagan.

Ngumuso na lamang siya at mukhang walang na gawa. "Minsan lang!"

"Bawal nga! Ang kulit ni Ate." Tumawa si Josiah. Nanunuyo na rin kasi ang lalamunan ko. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nagtama ang mga paningin namin pero agad akong umiling at umiwas. We're not yet done!

"Bukas na pala ang balik natin." Si Claudette, na kagagaling lang sa pool. Kinuha niya ang kanyang towel na nakalagay sa sun lounger. 

Tumungo si Chanel. "Oo, ano oras pala tayo aalis?"

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon