42th Behind

1.2K 24 3
                                    

Attorney

"Oo nga pala! Dapat sandali lang pala ako. Mga nasa dalawang oras mahigit na ang pagbabantay ko sayo dito. Tulog na tulog kasi ang mga kasama mo kaya ako na muna ang nagbantay sayo." Ngumiti siya ng tipid. "Victoria, may nalaman ka na naman ng hindi maganda. Alam-in mo muna lahat ng maayos bago ka umalis dito sa Cagayan de oro. Mahirap na!" Aniya sabay labas ng kwarto.

Di na ko nakakibo at patuloy ang pagring ng phone. Napalunok ako bago ko sinagot ang tawag ni Azrael. But deep inside, I'm still hurting for what I saw. Hindi ako nakakibo. Ni hindi ko nga kayang magsalita.

"Hello?" Sagot niya sa kabilang linya.

Kumalabog ang dibdib ko nang bigla siyang magsalita at kung anong kulisap ang naramdaman ko sa tiyan. Ang lakas ata ng epekto ng baby sa daddy niya.

"Baby, are you there?"

"Y-Yes! I'm here."

Narinig ko siyang bumuntong hininga. "Bakit hindi mo man lang ako tinatawagan kanina? Hindi mo ba ko namimiss? Halos hindi na tayo nagkikita simula kahapon."

Napakagat labi ako habang di maiwasang mapangiti. Napahawak ako sa aking tiyan. Ang lakas talaga maka under nitong Daddy mo. Hindi ko alam kung magagalit ako o ano?

"Busy" Sabi ko.

"Busy? Kaya mong magtiis nang hindi ako kinakausap ng ilang araw?"

I sighed. Bakit hindi ka ba naging busy sa iba?

Of course! Isa isip ko lang sinabi yon.

"Hindi naman, dami lang ginagawa." I said with a cold voice. "Saan ka galing?"

"Gym. Ikaw na saan?"

Hindi ako nakakibo. Isang buntong hininga ang ginawa ko ngunit inilayo ko ang cellphone para hindi niya marinig. "Dito lang sa tabi tabi."

"Sa tabi tabi? Bakit sa tabi tabi? Hindi nga! Nasaan ka?"

Sasabihin ko ba ang totoo?

"SCP. May inutos lang si Papa." I lied.

"Ahh!" Tumawa siya ng mahina. "I miss you! I want to see you today."

Mas lalo lamang kumalabog ang puso ko. Gusto kong sabihin na buntis ako at may Bipolar Disorder ako pero bakit ganito? Bakit hindi ko kaya? Bakit umaatras ako kapag gustong gusto ko ng sabihin sa kanya lahat.

"I want to see you too...But I think, not today."

"Why? It's there something wrong?"

Yes!

Umiling iling ako. "W-wala naman. I really missed you."

He laugh. "I missed you too! Gusto mo umalis this week?"

Sumilay ang tamis na ngiti sa aking labi. "Pwedeng next week na lang. Dami kong ginagawa."

Natahimik kami ng sandali. Nilingon ko ang dalawa na tulog na tulog. Hindi ko alam kung ano pakana ng dextrose sa pagbubuntis ko. Ganon na ba ko kalala?

Tumayo ako habang hila hila ang Dextrose. Dahan dahan akong lumapit sa may bintana. Para panoodin ang mga sasakyang dumadaan at ilang mga city light. Umupo ako habang nakadungaw.

"Victoria..."

"Hmm?"

"Kantahan mo naman ako." Aniya.

"Bakit?"

"I'm bored. Hindi naman pwede umalis ngayong gabi. Sabi mo busy ka?"

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon