31th Behind

1.3K 28 1
                                    

Panindigan

Nag-ayos agad ako ng gamit at inilagay sa kotse ni Azrael. Napagod ako kagabi at buti na lang ay maaga pa ko nagising. Hindi na namin ini-open ang nangyari sa amin kahapon ni Erika. Humingi din kami ng pasensya sa mga bisita lalong lalo na sa mga Dela Merced. Hindi na lang din ako kumibo.

Bumaba na ako ng kwarto at sinara ang pintuan. I'm gonna miss this place so damn much!

Naabutan kong nakaupo si Axel at halatang hinihintay ako.

Nakapangalumbaba siya habang nakapatong ang mga siko sa mga binti. Nang nakita niya ako ay umayos siya ng pagkakaupo.

Tumayo siya. "Ready ka na?"

Ngumiti ako. "Ready na!"

Hindi pa kami masyadong okay ni Axel pero nakakapag usap naman kaming dalawa. Medyo may awkward pa pero hinayaan ko na lang.

Bahagya akong lumapit sa kanya. Kanina niya pa ko hinihintay. Nakasuot siyang puting V-neck t-shirt kaya halata ang mga muscles niya sa katawan. Halatang bagong ligo lang. Kumikinang din ang kanyang hikaw sa kaliwa. Mas gumagwapo siyang tignan ngayon.

Lumungkot ang mga mata niya at blanko ang mukha. Hindi siya nakatingin sa akin pero nararamdaman ko ang pagkalungkot niya.

Siniko ko siya. "Huy!" Tumawa ako. "Okay ka lang? Nakatunganga ka jan."

Para naman siyang na gising sa pagtawag ko. Napatingin siya sa akin at ngumiti ng mapait.

"Okay lang ako." Malamig niyang sabi.
Hinawakan ko ang malaking braso niya habang palabas kami ng bahay.

"Hey!" Tumingin ako sa kanya. "Are you okay?" Taas kilay kong tanong. "I think you're not."

Hindi niya ako inangatan ng tingin. "Okay lang ako."

Napatigil kami. "Alam kong hindi ka okay." Nakataas ang dalawa niyang kilay.

Tumawa siya. "No, I'm really fine."

"Nalulungkot ka ba?" Napaiwas siya at kinagat ang ibabang labi. Narinig ko pa siyang huminga ng malalim.

Tumaas ang gilid ng kanyang labi. "I'm gonna miss you, Victoria." Napaiwas siya ng tingin. "Totoo pala ang sinasabi nila. Sa oras na ma attach ka sa isang tao ay talo ka talaga. Kahit hindi ka gusto ng taong gusto mong makasama." Hinarap niya ko pero laking gulat ko ay namumula ang kanyang mukha. "Alam mo! Ikaw lang ang bukod tanging babaeng ginanito ako. Bukod tanging babaeng gusto kong mahalin pero ano nga ba ang magagawa ko? May iba ka. Kasi alam ko, ikaw ang babaeng masarap alagaan eh! Napakatapang. Hindi ka katulad ng iba."

"Kaya sana, sana ikaw na lang ang binigay sa akin pero hindi talaga pinagkait ng panginoon. Akala ko makukuha kita pero siya pa din pala ang nanalo." Dagdag niya.

Napayuko ako at nagpamulsa. "I'm sorry, Axel."

Ngumiti siya ng tipid. "Okay lang! Pero alam ko hanggang dito lang naman talaga. Wala naman na akong pag asa eh! Naiintindihan ko pero sapat na sa akin na mahalikan ka at makilala man lang."

Niyakap niya ko ng mahigpit at niyakap ko rin siya pabalik. Siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko.

"Me too, Axel." Hinaplos ko ang likod niya. Amoy na amoy ko ang pabango niya sa damit. Nalulungkot din ako. Feeling ko gumuho agad ang pakiramdam ko. Kahit papaano naman ay naging mabuti sa akin si Axel. Alam ko naman at naiintindihan ko ang mga nangyari.

"Sorry sa lahat ah!"

"Okay lang! Sana hindi ma ulit." Sabi ko.

"Victoria, ready na!" Sigaw ni Aki.

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon