14th Behind

1.5K 37 0
                                    

Jusko pong bata ka!

"Wag mo kasing hanapin, kung ayaw ka niyang replyan! Hayaan mo siya!" Ani David na kakatapos lang mag football.

Lahat kami ay napatingin sa kanya. "Siya pa din ba?" Nuot noong tanong ni Axel.

"Siya pa din!" Tungo ni Leo. May nililigawan kasi si Leo, na mukhang hindi naman interesado sa kanya. Umiinom lang siya ng tubig at ni isa sa amin ay hindi niya ina-ngatan ng tingin.

"Bro! Sino kausap mo?" Tanong ni Hayden habang pinapaikot ang bola sa kamay.

"Wala!" Iritadong sagot. Lahat kami ay nasa bleachers. Si Audrey at Latrisha at papunta pa lang. Ako nga lang ang nag iisang babae dito.

"May naalala ka ba?" Ngumingiting tanong ni Hayden. Tinignan agad siya ni Leo ng masama.

"Manahimik ka nga! Hayden. Kung gusto mong umuwi ng buhay, wag mo ng iopen yon!"

Tumawa si Hayden "It's been a year, Leo." Tinaas niya ang kanyang isang binti sa bleachers. "Hindi ko akalain na magkakagusto ka sa tibo."

Tumawa sila.

"Tsk!" Umiling siya. Di muna ako nagsalita. Gusto ko lang tumahimik. Nagkwe-kwento sila tungkol sa mga nangyari sa kanila.

"Alam kong binusted ka ni Avi noon Leo." Tumawa si Hayden. "Kaya nga malaking hindi ka magugustuhan niyon. Babae kasi ang gusto."

Ngumisi si Leo. "Ano naman? Pwede naman siya maging babae ulit kapag na inlove sa akin yon."

"You can't make people change, Leo. Try to fine someone else. O hindi kaya maghintay ka." Sabi ni Axel.

Humighik si Hayden. "Kawawa ka pa naman. Malapit na siyang umiyak dahil pinahiya siya sa maraming tao. Kaya ayun kung makaiyak akala mo nawawalang bata. Hindi lang nasagot umiyak na agad" Tumawa silang tatlo kaya biglang sumimangot si Leo.

"Bro, naalala ko rin na binato pala sa kanya yong mga bulaklak na binigay niya" Napailing si David. "Tsk! Tsk! Kawawa naman. Napahiya na nga, binatuhan pa, binusted pa, pinagpalit pa sa iba. Wag kasi papatol sa tibo."

Lalong sumimangot si Leo. "Mga puñeta! Ang tagal na non! Kung pwede ba? Tumigil na kayo! Nakakabullshit men! Kapag talaga dumating ang panahon na, gumawapo ako. Tignan mo! Lahat nang busted sa akin. Laglag ang panga!"

"Hari ng sablay!" Sabi nilang tatlo at sabay tawa ng malakas.

Ngumisi ulit si Leo. "Tsk! Ako talaga trip ng mga gungong na to!"

Nagtatawanan lang kaming lahat. Nakikihalobilo na lang ako sa kanila at nakikisali na lang. Kanina pa nila pinagt-tripan si Leo kaya napipikon.

"Nandito na sila!" Maligayang sabi ni Hayden. Agad namang tumakbo si Audrey at sinalubong agad ito ng yakap. Nakita kong sumusunod ang dalawa. Si Latrisha ay humalik lang sa pisngi ni David at ngumiti ng matamis. Napalingon ako kay Axel na nagtaas ng kilay sa akin.

"Gusto mo din ba?" Ngumingiting tanong niya. Kinalibutan ako sa bulong niya kaya Napangisi na lang ako.

"Joke lang! Victoria." Aniya sabay peace.

"Bakit hindi mo na lang gawin kay Erika?" Bulong ko.

Bumaling ang kanyang tingin kay Erika na nag aayos ng salamin. Lahat sila ay mga naka uniforme pa. Bukod tangi lang ang boys ang hindi, Gulat siya nang makita niya kami na magkatabi. Umiling lamang si Axel at hindi kumibo.

"May gagawin pa kayo?" Tanong ni Erika na nag aayos ng sapatos. "Gusto ko na kasing umuwi."

"May practice pa tayo sa cheer dance ah! Aalis ka na ba agad?" Ani ni Audrey.

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon