45th Behind

1.1K 21 1
                                    

Lambingin

Kinabukasan. Maaga ako nakatulog dahil sobra akong na pagod. Alam din naman ni Azrael kaya pinabayaan niya na lang ako. Pag mulat ko ng mata ay may nakalagay na puting kumot sa katawan ko at hindi ko rin na malayan ay wala na siya dito sa tabi ko.

Tumayo agad ako. Ginusot ko pa ang mga mata ko. Naalimpungatan kasi. Una kong tinignan ang cellphone ko. Alas nueve y media na ng umaga.

Ian:

Are you with Azrael? Kung Oo text mo ko. Nag aalala pa din sila Tito Victor dito.

Kumunot lamang ang noo ko kahit medyo malabo labo pa ang paningin ko. Kinusot ko na lamang at tinignan ang text ni Ysabelle.

Ysabelle:

Where are you?

Ian:

Nag aaway away pa din sila dito. Hinahanap ka nila pero alam ko si Angkong lang ang nakakaalam.

Ian:

Kung nasa Surigao ka. Text mo ko. For safe lang naman at para ma confirm kay Angkong.

Agad ako nag reply.

Me:

Oo, nandito ako sa Surigao.

Pumunta ako sa CR para mag ayos ng sarili ko. Ilan sandali ay bumaba na ko. May naamoy akong masarap. Agad akong pumunta sa kusina. At sa hindi nga ako nagkakamali. Si Azrael nga ang nagluluto.

"Goodmorning!" Bati ko. Napasulyap siya sa akin ng saglit at binalik niya ang atensyon sa pag luluto. Umupo ako sa high chair habang kaharap siya. Nakalimutan ko fitted pala tong suot ko kaya halata ang hubog ng katawan ko. Inayos ko ang suot ko pati na rin ang buhok ko.

Feeling ko nga mukha na kong bruha.

"Goodmorning." Malamig niyang sabi. Naglagay siya ng baso sa harap ko at inilapag ang tusino o kung ano ano pang niluto niya. "Dito ka na muna kumain." Aniya.

Ang tahimik niya. Hindi naman siya ganyan tuwing umaga.

I broke the silence.

"Uhmm..." Magsasalita sana ako nang bigla siyang nagsalita.

"Kamusta naman ang pakiramdam mo?" Tanong niya habang nagsasandok ng pagkain. Adobo yung niluluto niya.

Umupo siya sa harapan ko. "I'm good." Tipid kong sagot. Kumuha siya ng pagkain at inilagay ito sa kanyang plato. Sinandukan niya din ako pero hindi na din ako umangal. Pero bago ko kunin ang plato ay kumuha siya ng isang kutsarita at hinipan ang sabaw ng adobo.

"Tikman mo muna." Tinapat niya ang kutsarita sa bibig ko.

Tinikman ko naman.

Sarap ng luto niya ah! Pwede maging chef. Sumulyap ako ng saglit sa kanya. Nakataas ang dalawa niyang kilay habang naghihintay sa sagot ko.

"Masarap!" Napangiti kaming dalawa. "Kailan ka pa natuto?"

"Nitong nakaraang araw lang." Sagot niya. Sinubuan niya ko ulit pero may kasama ng kanin. Ang sarap niya talaga panoorin kapag kumakain. Napansin niya ang patitig ko kaya napaiwas ako ka agad.

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon