38th Behind

1.4K 29 1
                                    

Bakit ka nandito?

"Sigurado ba kayong dito yon?" Tanong ni Allyson sa likuran ko.

Nakarating agad kami sa bagong bahay ni Jasmine. Sa kanilang dalawa na ata itong bahay. Actually isa itong Village, malalaki rin ang mga bahay.

"Oo jan yon!" Ani Liezel habang may chinecheck sa cellphone. Tinignan ko ang buong bahay. Malakas ang tugtog nito kahit dito sa labas ay abot.

"Dito yon guys!" Bumaba na ko ng kotse dahil alam kong pag-aawayan lang namin ito.

Hindi na sila umangal pa ay sumunod na rin sa akin papasok. May mga bisita rin sa labas ng bahay yung iba ay emoployee at feeling ko ang iba ay galing pa ng Manila. Pinagtitinginan pa kami ng iba pero hindi na namin yon pinansin. Ilan pang sandali nakita ko si Jasmine na may kausap sa isang high chair. Maingay ang tugtog at sigurado akong hindi niya ko maririnig.

Ako na ang lumapit sa kanya. "Jasmine!" Agad siyang napatalon sa pagdating ko. Agad kaming nagyakapan ay nagbeso beso.

Ngumiti siya. "Oh my gosh! Buti nakarating kayo!"

"Oo naman! Congratulations! Bukas na bukas na ang wedding." Inabot ko ang regalo ko. "Pasensya na medyo na traffic kami"

Nakangiti niya itong tinanggap sa kamay ko. "Thank you! Hindi okay lang. Ngayon palang magsisimula. O kumain muna kayo doon may pagkain sa lamesa."

"Wala bang inuman diyan?" Tumawa si Allyson sa likuran ko.

"Meron show mamaya. Wait ka lang!" Kindat ni Jasmine. Sumulyap ako sa ako sa likod ko. Nakikipag usap na si Liezel sa iba naming batchmate. Nang lumapit siya sa amin ni Jasmine ay gulat na gulat siya.

"Oh! Nakaabot ka pala! Kailan ka pa dumating?" Tanong ni Jasmine na tinaasan lang ng kilay ni Liezel. Ngumiti ito at hinalikan sa pisngi.

"Kaninang umaga lang ako nakarating. Para lang sa wedding na magaganap bukas." Ani Liezel.

"Teka! May balita na ba kayo kay Kelly?" Tanong ni Jasmine. Napalingon silang tatlo sa akin na para bang nasa akin ang sagot. Syempre! Ako naman talaga ang nakakaalam tungkol sa kanya.

"Hindi ko alam." Tanging sagot ko.

Napaharap sa akin si Allyson. "Akala ko ba alam mo nang na saan siya?"

"Alam ko, pero hindi ko alam kung pupunta siya. Inimbita niyo ba?" Tanong ko.

"Oo!" Sabay nilang tatlo.

Nanlaki ang mata ko. "Nakausap niyo?"

"Si Ian ang kinausap namin tungkol dito. Hindi namin alam kung bakit hindi namin makausap si Kelly hanggang ngayon." Sabi ni Allyson.

Well! Hindi pa ata sinasabi ni Kelly na nasa Alegria lang siya. Hindi pa alam ng pamilya niya. Ayoko kumibo at ayoko magopen tungkol sa problema namin. Ayoko muna masira ang moment ni Jasmine. Ayoko din magsalita dahil personal na ni Ian yon.

"Hindi ko din alam." Tanging sabi ko.

"Wala bang sinasabi si Ian sayo?" Tanong ni Jasmine.

Umiling ako. "Wala!"

Isa pa! Hindi pa maayos ang problema ko sa Alegria dahil sa kagagawan ni Pierto. Isa pa na nakisawsaw ay ang pamangkin niyang si Erika. Naiisip ko nga, kamusta na kaya ang ulo noon. Pumutok kaya?

Natatawa na lang ako. Hindi naman sa nagiging maldita. Sila ang may pakana ng lahat nang ito. Kaya nagkagulo gulo na ang buhay ko. Hindi na ko takot mamatay, sa totoo lang. Para bang sa sobrang manhid ko ay parang wala na lahat sa akin lahat ng masasakit na salita.

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon