20th Behind

1.5K 39 3
                                    

Fiesta

Nakauwi na kami ni Axel. Hindi ko pa din maalis ang tingin ko sa babae kanina. Iba ang itsura niya kay Kelly. Ibang iba! Hindi ko alam kung talaga siya ba yon o hindi?

Tinignan ko ang tinext ko kay Azi ngunit ni isa ay wala siyang reply.

Me:

Are still mad?

Me:

Answer my text!

Me:

Ako na mag aadjust. Hindi ko naman kasi akalain na mangyayari yon. I'm sorry! Kausapin mo naman ako.

Me:

Please!

Me:

Aaminin ko naman na hindi ko gusto si Axel. Hindi ko siya gusto! Sorry din dahil na dala ako sa sinabi mo. Sorry!

Me:

Azrael, kausapin mo naman ako. Ako na iyong nag alala dito.

Me:

Sorry na! Wag ka ng magalit.

Me:

AZRAEL! Ako ang pupunta diyan sa bahay mo! Sige ka!

Me:

Babe! Please!

Sinubukan ko ang mga sweet convo ngunit wala talaga akong reply na natanggap galing sa kanya. Nalulungkot tuloy ako. Iyong roses na binigay ni Axel nakalimutan ko pa. Inipit ko ang aking unan sa aking dibdib.

Ilang beses kong tinitignan ang cellphone ko ngunit wala talaga. Napapikit ako ng mariin. "Please! Pick up the phone! Kahit isang text lang!"

Bumaba ako. Ako lang ang mag isa dito. Wala kasi si Axel di ko din alam kung na saan. Nagpahatid na lang din kasi ako dito dahil medyo pagod ako. Binuksan ko ang pinto ng bahay at umupo sa gilid. Sinubukan ko ulit siyang tawagan ngunit wala pa din.

"Please! Pick up the phone!" Sumandal na lang ako at nagmuni muni. Hindi ko akalain na ganon pala magselos ng sobra si Azrael.

Ilang sandali ay akala ko ay si Azrael na ang nagtext sa akin.

Ivana:

Call! Now!

Hindi na ko nagdalawang isip. Nakakailang ring palang ng cellphone ko ay sinagot niya agad.

"Hello?"

"VICTORIA! SI KUYA?" Napalayo ko ang cellphone sa unang bungad niya.

"W-Wala siya dito! Umalis. Bakit?"

"Nabalitaan kong nanutok siya ng baril."

"Ano? Anong baril?" Naisip ko iyong kahapon na nangyari sa kanya.

"Victoria, hindi mo ba alam?"

Kumunot ang noo ko. "Anong hindi alam?"

"Pinatay ni Ian ang isa sa mga magkakapatid sa Xiong."

Nanlaki ang mga mata ko. "What?" Napatakip agad ako ng bibig. "P-Paano mo na sabi na si Ian?" Bulong ko. Isa sa mga Xiong ang pinatay ni Ian? Halos mabingi ako sa sinabi ni Ivana.

"Nagsend sa akin si Aki. Nasa hospital ngayon ang isang kapatid ni Nicolas Xiong. Iyong isa naman ay hindi namin alam kung na saan?"

"Anong gagawin natin ngayon?"

"Kailangan nating itago si Ian. Alam ko may isang tao sa Alegria ang may alam."

"Paano yan? Wala si Ian dito. Hindi ko alam kung na saan?"

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon