11th Behind

1.8K 48 1
                                    

Ewan ko sayo

"Azrael, wag!" Inalis ko ang palad niya na nakalagay sa aking tainga. Bwisit na batang to! Kung ano ano na pinaglalagay sa akin.

Kumunot ang noo niya. "Bakit? Wala namang malisya ah!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Para sa akin! Meron. Ang kulit mo! Alam mo! Hindi ka ba nahihiya? Kanina mo pa ko pinagt-tripan ang ingay na nating dalawa dito." Tumayo na ko at kinuha ang mga bag ko. Lalayasan ko na lang siya. Mal-late na din ako sa klase.

"Bakit ba? Ano naman? Love mo ko hindi ba?" Paglalambing niya na kinatamis ng kanyang ngiti. Hinampas ko agad ang bag sa kanya.

"Ayaw ko nga ma-fall sa playboy!" Inis ko.

Ngumuso siya. "Di kaya ako play boy! Goodboy ako!" Hindi daw! Liar!

"Yes! You are!"

Tumawa si Azrael at agad akong hinalikan sa pisngi.

"Azi!"

"Love mo ko eh! Kahit na playboy ako." Aniya. Tumawa siya na mas lalo ako na inis. Pinunasan ko ang aking pisngi. Nakakadiri!

"Alam mo! Bastos ka! Hindi ka marunong rumespeto sa babae." Inis ko.

"Edi sa lips na lang kita, ikiss. Ang sungit mo naman love." Nguso niya pero humagalpak siya ng tawa.

Pinaghahampas ko agad siya ng bag. "Bwisit ka! Ayokong ikaw maging first kiss ko. Gusto ko si Jason!"

Panay ang ilag niya pero di ako tumigil. Kailangan mabalian ang Montefalco na ito. "Bakit si Jason? Eh! Wala ka naman mapapala sa lokong yon. Sa akin meron! Kaya naman kitang panindigan."

"Ewan ko sayo! Ang lakas ng trip mo!" Binato ko siya ng bag. Nakakainis! Ewan ko ba! Sa dami daming babaeng pwede niyang pabilugin. Ako pa ang pinili niya!

"Kaya ko! Victoria! Kaya ko. Basta ibigay mo sa akin yang Virginity mo. At bubuntisin na kita kahit nag aaral ka pa."

Isang matalas ang tingin ang binigay ko. Ang bastos talaga ng bibig ng lokong to! Hindi ilagay sa lugar. Sakto pa naman nasa Xavier kaming dalawa. Daming estudyanteng nakatingin tuloy.

"Alam mo! Nakakahiya ka talaga! Hindi ka marunong lumugar."

Ngumiti siya ng nakakaloko at tsaka humiga sa binti ko. "Sige! Ilulugar ko. Sa kwarto gusto mo?"

Walang katakot takot ko siyang tinulak ng malakas kaya nahulog siya. Hindi ba siya nahihiya? Babae ang kausap niya oh! Hindi naman ako ka-bastos bastos na babae.

"Montefalco! Ang bastos mo!"

Ngumuso siya at tumabi ulit sa akin. "Eto naman! Kung ano ano na iniisip! Ilulugar ko ang pagiging sweetness ko sa kwarto. Eto talaga! Pero kung gusto mo...Sabihin mo lang para maging aware ako. Tutal binigyan ako ni Elijah ng kapote."

"Anong kapote?" Kunot noo kong tanong.

"Condom." Humagalpak siya. Inis ko siyang pinagsusuntok kaya halos manakit na ang mga mata niya sa kakatawa.

"Bastos!"

"Walang bastos doon! Natural lang yon." Tawa niya habang pa ilag ilag sa akin. Panay pa din ang pagsusuntok ko. Kung meron man sa Montefalco ang manligaw sa akin. Si Josiah lang ang papayagan ko. Oo! Crush ko si Jason pero alam kong walang interesado sa akin yon.

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon