51th Behind

1.1K 24 5
                                    

Emiliano Zhang

Kinabukasan ay umalis ako. Dala dala ang mga binigay sa akin ni Fiolera. Hinahanap ko siya ngayon pero ang sabi niya ay nasa lumang bahay daw siya na lagi kong sinusulyapan noon. Nag usap pa kami ni Azrael na ayos lang naman daw siya. Pero hindi niya ko magawang iwanan.

Alam kong galit ang mga montefalco sa mga kahihiyan na ginawa ni Ian. At hindi pwedeng hindi makakarating kay Angkong yon. Humingi din ako ng tawad sa mga pinsan at mga magulang nila sa ginawa ni Ian.

Akala ko magagalit sila pero ang bait nila para intindihin. Na iintindihan naman daw nila kaya sana daw ay hindi na maulit.

Pagkapasok ko sa loob. May matandang nakatingin sa akin. Napatigil ako. Matanda na ito kung tutuusin. Napakunot ang noo niya nang mahina ako sa labas ng gate.

Ngumiti ako. "M-Magandang hapon po!"

Ibinaba niya ang kanyang tingting at kunot noo siyang lumapit sa akin, na tula bang tinititigan ako ng mabuti. Naka daster itong kulay puti na puro bulaklak na kulay bughaw ang design.

"S-Sino ka? Ano po kailangan mo?" Tanong niya.

"Uhm...nandiyan po ba si Fiolera?"

Di siya nakasagot tila bang nagulat pa siya. Luminga linga pa siya sa paligid ko bago niya buksan ang gate nilang medyo may kalawang na.

"Halika't pumasok ka muna sa loob."

"Pasensya ka na, medyo magulo pa ang bahay. Pero pinapabenta na din ito."

Gawa sa Antique ang bahay. Malinis ng konti pero medyo magulo nga lang dahil sa mga karton na nakalapag. Sariwa ang hangin at maaliwalas ang loob. Maganda kahit luma. Ang mga gamit ay mahahalatang luma at hindi moderno.

Ang binta ay gawa sa french windows at may mga naka display na mga halaman. Pero halatang pudpod na din ito. Dito ba talaga nakatira si Fiolera? Akala ko ba sa Siargao siya nakatira?

Kahit yung bahay niya doon, magulo rin.

"Nako! Pasensya ka na dito ah! Inaayos ko pa kasi."

"A-Ayos lang naman po!"

"Gusto mo ba ng juice? Teka sanda-"

"Hindi na po! Hindi naman po ako magtatagal. Gusto ko lang po makausap si Fiolera." Sabi ko tsaka ngumiti sa kanya.

Napatigil naman siya sa ginagawa niya. Hindi siya kumikibo. Natahimik. Nagtaka naman ako dahil diretso na diretso ang kanyang tingin sa akin. Nanuot noo ko siyang tinignan.

"May problema po ba?" Tanong ko.

Para siyang nagising. Di siya kumibo pero ngumiti lamang siya ng tipid. "Wala naman, Hija. Umupo ka muna."

Parang gusto ko na lang maglibot dito.

"Uhmm...hindi po ba pwedeng maglibot dito kahit sa labas lang? Mukhang maganda ang bahay ninyo. Wag po kayong mag alala di po malikot ang kamay ko." Sabi ko habang nililibot ang aking paningin sa buong bahay.

"Sige! Pero sandali lang ah!" Aniya sabay pasok na sa tingin ko ay kusina. "Ano pala pangalan mo, Hija?"

"Victoria po" Sagot ko. Umupo ako sa luma nila g sofa. Naalala ko tuloy sa Alegria. Gawa sa bamboo ang sofa namin doon.

Lumabas siya galing sa loob ng kusina. "Victoria?" Inilabag niya ang juice sa harapan ko. "V-Victoria Ty?"

"Opo!"

Nawala ang kanyang ngiti at umiwas ng tingin sa akin. Pinunasan na lamang niya ang lamesa. Binabasa ko lamang kanyang galaw.

"Kayo po ba ang nanay ni Fiolera?"

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon