10th Behind

1.7K 44 3
                                    

Axel Del mundo

Natulala ako nang makapasok na kami sa Cottage. Sila na ang naglagay ng mga gamit sa lamesa. Ako bukod tanging namamangha sa Tinago falls. Ang liwanag lang ng tubig dito. Ang ganda!

"Axel!"

Nabali ang tingin ko nang lumapit si Leo sa amin. May kasama siyang tatlong babae at Dalawang lalake, na nagswimming na sa tubig.

"Oh! Nandito pala kayo. Akala ko ba nagresearch kayo ng Thesis?"

"Kakatapos lang namin. Kaya nagkakayaan na dito sa Tinago. At tsaka alam naman naming pupunta ka dito. Sinabi mo kahapon ay hindi ka pupunta."

Tumawa lamang si Axel.

Nabaling ang tingin ni Leo sa akin. "Oh! Hello! Victoria. Nandito ka pala. Kayo lang dalawa?"

Ngumiti ako ng matamis kay Leo. "Hindi! Kasama ko pinsan ko." Medyo payat siya ng konti ay medyo tan ang kulay niya. Mukha siyang makulit.

""Nagyaya agad si Ian. Kaya no choice! Sumama na ko." Sabi ni Axel.

Tumungo siya. "Ahh! Akala ko nagdate kayo." Bigla akong naramdam ng pagmumula sa pisngi. Humagalpak siya ng tawa at inakbayan si Axel. Pero pansin ko ang pagkasiko niya kaya mas lumapad ang ngiti ko.

"Leo!" Saway niya. Namula ang pisngi niya kahit moreno siya. Marunong palang kiligin itong si Axel. Cute siya actually.

"Ano ka ba naman, Axel. Ilang taon ka ng single. Napakalaking himala kapag nagkaroon ka ng girlfriend." Aniya sabay kindat sa akin.

Umiling lamang si Axel at nahiya sa sinasabi ng kaibigan niya. Well! Wala namang malisya sa akin. I'm single now.

"Axel, nandito ka lang pala kanina ka pa namin tinatawag di ka sumasagot."

Namilog ang aking mga mata nang makita ko si Hayden at David na dating kong ka-banda sa Xavier. Gulat din sila nang makita ako. Si Hayden na mistiso ay nawala ang ngiti sa labi nang makita ako.

"Uy! Kamusta?" Unang bungad ng dalawa. Ang huli naming pagkikita ay iyong nagb-basketball sila kasama ko pa si Azrael noon.

"Wow! Nandito ka pala!" Maluwag na ngumiti si David.

"O-Okay lang. Ano ginagawa niyo dito?"

"Ikaw ano ang ginagawa mo dito?" Tumawa si Hayden. "Tiga dito kami ni David. Dito namin tinuloy ang Agriculture."

Nagbalik baliktad si Axel at Leo. "Teka! Magkakilala kayo?"

Nabaling ang tingin ni Hayden kay Leo. Si David ay panay hawi ng mahaba niyang buhok. "Vocalist namin si Victoria sa Xavier university noon. Di ko nga akalain na makikita ka ulit namin dito. Halos taon na noong huli ka namin nakasama."

"Kailan lang yon. Four months ago ay nagkita tayo."

"Nagkita lang naman pero hindi ka na namin na kasama." Saad ni David.

"Edi! Ngayon nakasama niyo na ko." Tumawa kami.

"Marunong ka palang kumanta, Victoria." Ngiting matamis sa akin ni Axel.

"Dati. Pero hindi na ngayon." Sabi ko. Napayuko ako at parang bigla ako na hiya. Ewan ko ah! Twenty four na ko at medyo matanda na din ako pero ngayon na lang ako na hiya ah!

"Madalas ay ang pinsan niyang si Ian at Ivana ang lagi naming kasama." Tumawa si Hayden. "Nasaan pala ang mga pinsan mo?"

Ngumuso ako at tinuro kung saan ang cottage namin. Nandoon si Ian ay kausap ang tatlong babaeng kasama nila Leo.

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon