29th Behind

1.4K 30 1
                                    

Pinapaasa mo lang

Isang araw na ang nakalipas ay may kanyang kanyang ginagawa sila Manang Celing at Kelly dahil bukas na bukas na ang alis ko. Hindi din kami nag uusap ni Axel at alam kong awkward pa kami. Na iintindihan ko naman lahat. Panay ang ihaw at ilang handa ang ginawa nila para sa handa ni Kelly.

"Happy Birthday!" Maligayang bati ko kay Kelly nang makababa ako galing sa itaas. Ngumiti siya ng matamis.

"Thank you, Victoria." Aniya.

"Sa susunod na ang regalo ah!"

Agad siyang natawa. "Eto naman! Kahit wag na noh! Nakakahiya!" Aniya. Nagtawanan pa kaming dalawa at nagbiruan. Tinulungan ko din siya sa gawain. Marami na din na bisita ang dumating. Ilang sandali ay na isipan kong lumabas.

"Sa labas muna ko." Sabi ko at tsaka kumuha ng hotdog sa lamesa.

"Bumalik ka agad dito. Tulungan mo muna ko mag ayos."

Tumungo tungo ako. "Oo dito lang muna ako." Sabi ko kay Kelly na nag aayos ng pagkain. Lumabas ako tutal ay wala naman akong ginagawa. Tutal busy silang lahat ay na isipan kong ilabas si Dalitia. Mabilis akong pumunta sa Stable para kunin ang sarili kong kabayo. Ayaw kasi ako payagan ni Ian. Hindi naman sa pagiging matigas ang ulo ay gusto ko lang maglibot. Naglagay din naman ako ng armas sa akin binti kung sakali may mangyari.

"Dalitia" Pabulong kong tawag.

Umungol ito namang makita ako. Agad naman ako napangiti. Inilabas ko siya sa stable dahil wala namang tao dito. Walang ka hirap hirap akong sumakay sa kabayo.

"Hiyaa!" Agad kong hinila ang tali ni Dalitia. Nang makalabas ako ay gulat silang lahat.

"Victoria! Saan ka pupunta?" Sigaw ni Aki.

"Babalik ako!" Sabi ko agad nang makalabas ako ng Hacienda. Dumaretso ako kung saan makikita ang buong syudad ng Alegria, kung saan una ako dinala ni Axel. Masarap dito tumambay kung gusto mo din mag isa. Hindi naman ganon ka init at tsaka presko naman dahil may malalaking puno. Itinali ko si Dalitia sa gilid.

"Stay here for a while, Dalitia." Umupo ako sa madamo habang pinagmamasdan ang syudad. It's my last day here in Alegria. Mamimiss ko ang syudad na ito. Hindi ko na alam kung kailan pa ko babalik dito. Masarap kaya ang buhay ko dito kesa sa Cagayan. Dito kasi ay pwede ka bang magrelax. Kaso kung hindi lang nangyari ang nangyari sa akin. Malamang at sa malamang aabot pa ko ng isang buwan dito.

Pero hindi din siguro. Uuwi din naman ako para asikasuhin ang mga kaso. Ang mga kaso na isasampa ko. Mga aayusin ko at baka mamaya magpaliwanag pa ko sa korte. Kung sa korte ay malamang at sa malamang ay nandoon lahat ang pamilya ko. I can't do that alone. Marami akong kasong isasampa.

Nahawak ako sa aking pulso. Lalong lalo na sa mga gustong pumatay sa akin. Hindi ko sila titigilan habang hindi pa sila nakukulong. Nagsusugat na lang ang pulso ko pero nagkakaroon ng peklat.

Umihip ang simoy ng hangin sa mukha ko dahilan ay siyang gumagaang ng pakiramdam ko. I smiled slightly and I took a deep deep breath. I heard my horse snort at my back.

"Just wait, Dalitia. Babalik din tayo agad." Sabi ko habang nakasandal sa puno na malaki.

"Why didn't you call me instead of you're being alone here?" Napa dilat ang aking mata nang may magsalita sa likuran ko.

Nakangiti siya habang hinahawi ang buhok ni Dalitia. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman kong kiliti sa aking tiyan at tumibok agad ang puso ko. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito.

"Hey!" Umupo siya sa tabi ko at hindi ko alam kung bakit mapungay ang tingin ko sa kanya. Ngumiti siya at hinalikan ako sa labi ng mabilis.

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon