8th Behind

1.6K 39 2
                                    

Nasasaktan din ako

Inatras ko si Delitia. Nanatili akong tulala nang makita kong nandito siya. Nagbaba siya ng gamit at pumasok sa loob ng bagong bahay nila. Gawa sa bamboo ang kanilang design. Simple pero talagang mapapalingon ka sa bahay na ito.

"Ano tara?" Kumunot ang kanyang noo. "Oh! Bakit na mumutla ka?"

Napalingon ako kay Axel. "N-Nandiyan ang kapatid ni Knoxx." Inabot ko sa kanya ang basket. "Ikaw na lang mag bigay."

Kumunot ang kanyang noo at tsaka bumaba sa kabayo. "Ano naman kung nandiyan ang kapatid ni Knoxx? Ikaw dapat ang humarap kay Entice, kasi babae ka."

"Ayaw mo? Ikaw na lang." Pagpupumilit ko.

"Sayo binigay ni Knoxx yan kaya...Ikaw ang magbigay. Tutal mukha naman kayo close ng girlfriend niya."

Nabaling ulit ang tingin ko sa bahay nila. Bumuntong hininga ako.

"Nahihiya kasi ako."

"Bakit ka naman mahihiya?" Ngumiti siya. "Ibibigay lang naman yan."

Ayoko kasing magpakita sa kanya. Natatakot na sa oras na magkaharap kami. Katakot takot na salita ang marinig ko. Humugot ako ng malalim na hininga. Wala na kong na gawa.

"T-Tara!" Hinampas ko ang tali.

Habang papalapit ng palapit ako sa bahay na yon ay mas lalong kumakalabog ang puso ko. Nang makarating na kami ay bumaba ako. Nilingon ko ang bagong sasakyan ni Azrael. Hindi na fortuner ito. Toyota 4runner na kulay grey.

"Hintayin kita dito ah!" Ngumiti sa akin si Axel at kinuha ang tali ni Dalitia. Sinabit niya muna ang tali ng dalawang kabayo sa gilid ng puno.

Namumutla akong lumalapit sa bahay nila. Halos gusto ko ng atakihin sa puso nito. Nakasarado ang maliit nilang gate kaya tinulak ko ito. Nang makapasok na ko ay nilibot ko ang tingin sa bahay. Wala din masyado pang gawa dito kundi lupa lang. May railings sila na parang tambayan, malapit sa kanilang pinto.

May swing pa ito sa gilid at ilang lamesa na naka display. Buti hindi na nanakaw yan dito. Kung sa Manila ay matagal ng wala yan. Kakatok na sana ako nang bigla itong bumukas.

"Yes! I'm already here."

Pareho kami nanlaki ng mata nang siya ang bumukas ng pinto. Mas lalong kumalabog ang puso ko sa gulat. Parang gusto ko ng lumabas dito sa bahay nila. Ewan ko! Ang OA ng puso ko.

Nagulat siya ng makita niya ko. Nakalong sleeve siyang itim at napakaayos ng kanyang buhok.

"H-Hello!" Napalunok ako. "N-Nandiyan ba si Entice?"

Hindi niya ko sinagot ay ibinaba niya ang kanyang tawag. Diretso na diretso ang kanyang titig sa akin. Napaiwas ako ng tingin at umiling. "Paki bigay na lang ito sa kanya." Inabot ko ang basket. "Pinapabigay ni Knoxx yan." Tingin kong wala naman dito si Entice.

Nanginig ang aking binti nang seryoso siyang lumapit sa akin.

"Wala dito si Entice." Kinuha niya ang basket. "Bakit si Knoxx ang nagpabigay nito sayo?"

Napakagat labi ako. "Nasa bahay sila Knoxx. Tinulungan nila ang pinsan ko. Umalis din ako para mamasyal. Pero inuna ko na itong basket ni Entice. Hinahanap niya na kasi."

"Sino kasama mo?" Taas kilay niyang tanong.

"S-Si Axel." Nauutal kong sagot. Tinitigan ko siya sa mata at sobra ang pagkaseryoso.

Napalunok ako.

Lintik na puso to! Bakit ang bilis mo!

Nilingon niya si Axel na naghihintay sa tabi.

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon