52th Behind

1.3K 23 7
                                    

Nicolas Xiong & Fiolera Montelegres

Akala ko magiging okay ako kapag nandito ako sa Manila. Nagkamali ako. LAKING PAGKAKAMALI. At sinong ponsyong pilato ang nagpapunta dito kay Erika?

Of course! Close na close ng Zhang ang mga Xiong. Syempre! Magkakilala sila ni Jason. Syempre! Ipapakilala yan kay Angkong para maganda ang friendship ng Xiong sa aming mga Ty.

Tss! Akala nila papalampasin ko? Ngayon palang sisirain ko na.

Ngayon! Tutal magkaharap na lang din naman kami. Ipapahiya kita sa harap ng pamilya ko. Martir na kung Martir. Hindi ka makakatikim ng di maganda sa akin. Kayong dalawa ni Jason. Mapapahiya at mapapahiya talaga kayo. Bastos na ko sa paningin ni Angkong, ayos lang. Pero sa kagagawan niyo sa akin at kay Azrael. Parang impyerno na ang buhay niyo.

Hindi pa ko makalapit ng maayos dahil nagmano pa ko sa mga Tito't Tita ko. Nagmano ako kay Emiliano Zhang at buti naman ay tinanggap niya ito. Nagkatinginan lang kami ni Jason at tipid na ngiti lang ang binigay ko. Tumabi na ako kay Angkong.

Wala akong na gawa kundi lumapit na lang sa matanda na sinasabi ni Angkong, na isa pa itong matalik niyang kaibigan. Halatang ang pag alala sa akin ni Angkong at Ahma. Panay ang tanong nila sa akin kung kamusta na ko. Hindi ko masyado sinasagot ang nangyari sa amin ni Papa. Wala naman sila dito pero di nila alam na pupunta ako dito sa Mansyon. Si Angkong at Ahma lang ang bukod tangi kong hindi tinalikuran. Wala naman pakialam ang magulang ko. Para saan pa hindi ba?

Nakarating na din kay Angkong ang nangyari sa Siargao. Kaya isa pa yang si Ian. Humanda siya pag bumalik siya dito. May ilag at awkwardness sa aming dalawa ni Jason. I don't care! Ang huli namin pag uusap nuong nasa Tagaytay Highlands ata kami. Kakauwi ko lang dito sa Pilipinas noon.

Kahit paano ay gumaang ang pakiramdam ko at sa wakas na yakap ko na ang Angkong. Sumulyap ako kay Erika na tahimik ngayon. Ano ginagawa niyan dito?

Hindi pa nila alam na may alam ako kay Fiolera Montelegres. Di ko pa na kwento. Nakaupo si Erika sa malayo. Di siya makatingin ng maayos. Nang nag angat siya ng tingin sa akin umirap lang ako. Wag kang magkakamali sa akin, lalabas ko mga kagagawan mo.

Masyadong mabait si Angkong para imbitahan yan dito. Pinakilala nila sa akin ang Lolo ni Jason. I've seen him before. Noong huli kami nagkita ay yung engagement namin ni Jason tapos nag rebelde na ko dahil alam ko ng ginagamit ako pero di siya kilala.

"Alam na ba ng magulang mo na nandito ka?" Tanong ni Tito Carter na kapatid din ni Papa.

"Di na po kami nag uusap simula noong nag away kami." Sagot ko.

"Iha, kahit may tampuhan kayo ng Papa mo. Wag mo pa din talikuran." Ani Ahma.

Walang gana kong hinarap si Ahma. "Ahma, alam ko na po iyan ang sasabihin mo. Alam ko po na tatay ko pa din ang tinalikuran ko. Pero hindi niyo po alam kung ano pinagdadaanan na hirap ang ginagawa ko ngayon."

Kailan ko pa din ba isa isahin?

Alam kong binalingan na ko ni Don Emiliano. "Simula noong umalis at bumalik ako dito puro problema na ang sinalo ko. Tapos?" I smiled and laugh. Para akong nababaliw nito. "Well, magkakabati din siguro kami. Hindi lang ngayon. I'm Bipolar."

Doon napatigil ang lahat. Natawa lang ako. Miski si Jason at Erika ay napalingon. "All of you will never understand my situation dahil wala kayo sa sitwasyon ko. Now! I'm just here to..." Nagbalik baliktad ako. "Para may tulungan."

I calm. Baka sa oras na sumabog na naman ako ay baka atakihin pa sa puso si Angkong, kasalanan ko pa. Napainom si Don Emiliano ng kape habang patingin tingin sa akin. Tutal mukha naman may alam din siya. Let's start the fight.

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon