30th Behind

1.5K 31 5
                                    

WARNING: SPG

Payakap lang kahit saglit

"Hayop ka! Victoria! Napakawalang hiya mo!" Sigaw sa akin ni Erika. Halos lahat ng tao ay tumigil sa kanilang ginagawa at pinagtitinginan kami. Nakita kong lumabas si Ian kasama si Kelly.

"What's going on?" Nagtatakang tanong ni Ian.

"Kayo! Mga Ty! Mga traydor kayo!" Sigaw ni Erika sa amin, na halos gusto ng manumbat. "Lalong lalo ka na! Victoria. Anong meron klaseng utak ka! Para lumandi sa dalawang lalake?"

"Erika! Enough! Nakakahiya ka!" Pigil ni Axel.

"No Axel! Pinaasa ka ng babaeng yan! Do you think na papayag ako, kaibigan kita."

Bigla ako na inis. "Wow! Supportive friend." Sabi ko dahilan kung bakit lumabas ang ugat sa leeg ni Erika

"What did you say?" Nanggagalaiting niyang tanong.

"Si Axel, pinaasa ko?" Tanong ko. "Kaya ka nagagalit dahil kaibigan mo siya?"

"Ang landi mo!" Mariin niyang sabi. "Bakit? Hindi ba si Azrael ang boyfriend mo? Bakit nakikipaghalikan ka pa kay Axel!"

Napatigil ako sa sinabi ni Erika. "Ano ang pinagsasabi mo, Erika?"

Agad niyang hinarap sa akin ang cellphone. Eto iyong nag away kami ni Axel sa Community College. Iyong bigla niya ko hinalikan. Kinuyom ko ang aking kamao para mapigilan ang aking sarili.

"Ayan! Diba! Nakipaghalikan ka kay Axel! Tapos ano? May boyfriend ka pala! Malandi ka! Totoo pala ang sinasabi sa akin ni Natalie. Malandi ka!"

Natalie? Kilala niya si Natalie Xiong?

Natahimik ako sa sinabi ni Erika. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Magagalit ba o magugulat sa bawat salita niya.

"Ang sama sama ng pamilya mo!" Tumingin muna ito sa mga bisita sabay balik ang tingin sa akin.

"Ladies and gentlemen, Si Victoria po ay isang Ty isang pamilyang mangloloko
sinungaling, gagawin ang lahat para sa kapangyarihan at higit sa lahat. Traydor! His angkong killed my Lolo and guess what? for money! And here's the other generation, Victoria Ty isa ring mangloloko-" Nasampal ko ng malakas sa pisngi si Erika sa galit at inis ko. Nanginig ang buong katawan ko sa mga sinabi niya.

"Hindi traydor ang pamilya ko! Kayo! Kayo ang traydor! Your family killed your own Angkong. Tapos kame ang sisihin niyo sa kagaguhang ginawa niyo!" I receive too much but they reach my limit.

"Kami traydor? Tanong-in mo kaya yang tatay mo kung sino sa ating ang dalawa ang traydor."

"Erika! Enough!" Halos kami napatalon sa sigaw ni Ian. "Don't open our personal problem here! Labas ka dito!"

Natawa siya Erika at napahawak sa noo, na para bang tuwang tuwa pa. "Ian Ignacio Ty. Hindi ba ay Captain ka ng SCP?"

Hindi nakakibo si Ian.

"Tama ba ang barilin ang isang tao na wala namang ginagawang masama? Para lang matakpan ang mga kasalanan nila?"
Mariin niyang sabi. "You almost killed my Uncle, Ian."

"Your Uncle is a Muderer. Tama din ba na gasaha-in ang ilang babae para lang sa droga at pera? Erika." Lumapit si Ian at tumagilid ang ulo nito. "Kung gawin kaya naman sa amin yon sayo? Ano mararamdaman mo?"

Agad niyang sinampal ng malakas si Ian. Susugod na sana kami nila Aki ngunit inawat ako nila Azrael pero hindi ko siya hinayaan. Napahawak si Kelly sa braso niya.

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon