53th Behind

1.4K 28 15
                                    

Note: Try to understand the situation and the case.

Korte

Nagvideo ako sa sirili ko bago kami umalis patungong korte. Napapikit ako ng mariin at tumingala. Sana matapos na lang ito.

Isang malaking hininga ang pinakawalan ko. Inayos ko ang aking suot na bistida na puti. It was really elegant. I looked like Princess Kate of England.

Inayos ko ang wavy sa bandang laylayan ng buhok at naka half tail. Isinuot ko ulit ang kwintas na binigay sa akin ni Azrael. Nakadikit kasi ito sa libro ni Fiolera. Bago ko ilagay ang kwintas sa akin leeg napansin kong may nakasulat pa pala sa likod ng libro.

Nasaan na kaya siya?

Simula noong nagparamdam siya di na nagpakita. O dahil nalaman ko na ang lahat. Kumuha ako ng baril at ilang armas para ilagay sa aking binti. Kailangan ko lang proteksyon. Naglagay ako ng ilang magazine sa kabila ko namang binti at isang matalim na kutsilyo. Tumingin ulit ako sa salamin at tinignan ang sarili.

I smiled. Iyan ang namimiss ko sa sarili ko. Parang nau-unat ang mga balat ko nang ngumiti ako. Parang ang tagal kong hindi ginawa ito. Ang ganda ko pala!

Ngayon ko lang lahat napansin. Pero bakit kasi kailangan pang mangyari sa buhay ko ito.

Para kung anong gumaang sa loob ko.

Napatigil na lamang ako nang biglang bumukas ang pinto. Muli ako napasulyap at malungkot na mukha ang sumalubong sa akin. Pero ngumiti pa din siya ng tipid.

"May I come in?" He asked.

Suminghap ako. Umiwas ng tingin.

"Sure..." Malamig kong sagot bago ko ibalik ang atensyon sa pag aayos. Sinara niya ang pinto at lumapit sa akin. Isang buong katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.

Kinuha niya ang upuan at tumabi sa kaliwa ko. Di ko magawang mag angat ng tingin sa kanya. Nagpatuloy lamang ako sa pag ayos ng sarili sa harap ng salamin. Tumikhim siya at inayos ang pantalon sa tuhod.

"Kamusta ka na anak?" Malamig niyang unang bungad. Hindi man lang magawang makasagot. Iyan ang hinahanap ko. Umigting ang aking bagang habang patuloy sa pag aayos. Napakagat ako ng labi para pigilan na wag umiyak.

"I'm okay, Papa." Sa wakas ay naglakas loob na ko humarap sa kanya. Kahit anong gawin ko at kahit anong sama ng loob ko. Papatawarin ko pa din siya kahit mas pinili kong tumalikod na. I love him too!

He's still my Papa. I also need him. Everyday!

Ngumiti siya ng tipid. Matanda na ang aking Papa pero bakas pa din ang ka gwapuhan niya. Medyo may mga puti na ang mga buhok. Pareho kami ng mga mata at kutis. Halos lahat ata ay nakuha ko sa kanya. Mistiso at Elegante.

Makikita mo sa kanya ang pagiging negosyante at pagiging matalinong tao. Mataas ang aking tingin sa kanya. Pero na wala lamang ito sa mga nangyari sa aming dalawa. Sa mga masakit na salita ay nilunok ko kahit magpakamatay na ko para lang sa kanya.

Tatay ko pa din siya.

I'm the girl version of him. Sabi ni Angkong ay pangalawa daw siya sa matigas na ulo bukod kay Tita Isabelle. Alam ko na kung saan ako nag mana at sa mga katapangan niya. Umiwas siya ng tingin sa akin. Napayuko habang hinihimas ang kanyang palad. Madami siyang gustong sabihin na hindi niya ma ilabas.

"Okay ka lang anak?"

Hirap akong lumunon. "Bakit po, Papa?"

"I just want to know..."

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon