43th Behind

1.1K 22 5
                                    

Pretending Parents

Halos humarento na ang dibdib ko sa sobrang bilis nang tuluyan siyang makapasok. Bagong gupit ngayon si Azrael at mukhang bagong ligo lang. Itim ang kanyang polo at mahabang satin satin na pantalon. Mas lalo akong na attract nang makita ko ang kanyang hikaw sa kanan.

"Good morning!" Bati niya. Para bang panibago lang sa pandinig ko ang boses niya.

I looked at my family, they were silent and looked straight at Azrael. Sumunod na si Ian at mukhang pinapasok na din.

Tito Azrael smiled widely to us. "I also called my son. In case you need some question. Tutal siya na din ang unang nakakaalam ng lahat."

Azrael sat right in front of me. He suddenly looked at me. Bigla ako napaiwas ng tingin. Masakit pa din sa mata ang nakita ko. Tama nga siguro si Fiolera. Kailangan kong alamin muna ang lahat bago ako gumawa ng aksyon.

"The first case you filed was murderer?" Tanong ni Tito Azrael. Nag angat siya ng tingin.

I nodded. "Yes!"

"Okay! Let's talk about, Nikka Salvador." Inayos ni Tito Azrael ang mga papeles niya tsaka inayos ang salamin. "Kailan kayo nagkakilala ni Ms. Salvador?"

"Elementary hanggang second year college po. Kasama ko po siya sa Varsity noon sa Xavier." I answered.

"Ano ginawa niya sayo?"

"Noong po nasa Hotel. Tumawag po yung isa kong kaibigan na si Nicole. Sinabi daw na nasa Hotel sila ni Azrael." Sagot ko ulit kay Tito Azrael.

"So Azi..." Hinarap niya ang kanyang anak. "Ano naman ang ginawa sayo? Bakit pumunta ka ng Hotel?"

"Sinabi sa akin ni Nikka. Sumunod ako sa Hotel dahil magkasama daw sila ni Jason." Agad aking napabaling kay Azi. "Kaya ako sumunod pero gulat ako na siya ang nakita ko."

"Hindi kami magkasama ni Jason." Pag amin ko. "Iyon ang dahilan niya kung bakit ka niya pinapunta?"

He nodded. "Kaya ako sumunod. Pero noong dumating ako ay siya lang. Nagalit siya sa akin. Dahil hindi ko siya pinili pero inamin ko sa kanya na, ikaw ang gusto ko, na breakdown siya."

"Bigla ka niya ba hinila?" Tanong naman ni Tito Azrael sa akin.

"Kasama ko po ang mga pinsan ni Azrael noong pumunta kami ng Hotel. Naabutan ko pong hinalikan siya ni Nikka. Pero doon na po siya na galit noong sumipot ako. Pinipilit niyang kunin sa akin si Azrael. Nagalit din po ako. Kahit sino naman po magagalit hindi po ba?" I said.

"Alam niyang buntis ka?" Tanong ulit ni Tito Azrael.

Umiling ako. "Hindi po, pero nagulat po ako nang bigla niya kong hatakin."

Tumungo tungo siya. "So Azi, I will ask you straight to the point. May naging something ba sa inyo? Kaklase pala ni Victoria si Nikka. Lagi ko kayong nakikitang magkasama noon. It's there something between you two?" Diretsang tanong ni Tito Azrael sa kanyang anak. "Kahit noon palang?"

Nagkatinginan kami. Binasa niya ang kanyang ibabang labi bago ako hinarap.

"We have..." He answered

Hindi na ko magugulat. Of course! May scandal nga sila!

Nanatili akong tahimik at bigo. Pero hindi ko inalis ang tingin sa kanya.

"How many years?" Ako na mismo nagtanong.

"Almost one year-"

I cut him. "One year? So you mean noong unang pagkikita natin nitong nakaraang buwan ay kayo pa?" Nanunuya kong tanong.

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon