22th Behind

1.4K 41 3
                                    

Anong problema mo?

Buong araw akong tulala sa kisame. Hindi ko akalain ang ginawa sa akin ni Axel ka gabi. I'm still mad. Hindi ko din akalain na may alam na si Axel sa aming dalawa. Pati na din sa amin ni Nikka.

Naiisip ko din kung paano ko sinaktan si Azrael? Kaya kailangan ko siya makausap ng matino. Hindi lang siguro kami nagkakaintindihan. Naiisip ko, ilang beses pa ba sila magsusuntukan sa tuwing magkikita sila. Pangatlo na ata ang ka gabi.

Tumayo ako mula sa kama at tinignan ang sarili sa salamin. I need to talk to him. Gusto ko maintindihan lahat ni Azrael dahil alam kong mahal niya ko.

Bumaba ako. Tulog parin sila Manang Celing at Mang Galdo dahil halos sila lahat nag-asikaso sa Fiesta kahapon. Marami namang pagkain silang na uwi. Ang sabi ko kasi magdala na lang sila nang ulam para naman may makain sila dito at sa kanila na lang namin binigay ang mga sobra. Nagbigay rin kami sa mga kapitbahay nila kaya ayon tuwang tuwa.

Parang balik na naman sa normal ang araw na ito. Ilang araw na lang ay babalik na ko ng Cagayan de oro. Halos isang buwan lang naman ako dito sa Alegria.

Nakita kong tulala si Ian sa lamesa at mukhang bagong gising lang. Nagtimpla din ako ng kape at makakain. Masakit sakit din ang ulo ko ah! Hindi naman ako uminom.

Umupo ako sa harapan ng pinsan ko. Ang gwapo niya lang, kung tutuusin. Mas nakaka attract sa kanya kapag naka sando lang siya. Nakikita ko kasi ang malaki niyang katawan lalo nang mukha siyang koreano. Nagagalit nga siya sa akin minsan kapag tinititigan ko siya. Para daw pinagsasamantalahan ko daw siya. So natatawa na lang ako kapag nagsasabi siya ng ganon.

Buti na lang pinsan ko. Nakakayakap pa ko sa kanya, lalo nang may problema ako ay sila lang dalawa ang tumulong sa akin. Isang taon ang agwat naming dalawa. Napaka swerte na lang ni Kelly sa kanya. Maganda lahi namin eh!

"Sa tingin ko kailangan mo ng bumalik sa Cagayan." Bungad sa akin ni Ian.

Napa angat ako ng tingin. "Bakit naman? Ayaw mo na bang tulungan kita dito sa Hacienda mo?"

"Hindi naman, nagkausap kami ni Angkong."

"Ano daw sabi?"

"Gusto open ng mga Xiong ang kaso niya."

Napatigil ako. Agad ako nakaramdam ng kaba. "Bakit? Bakit gusto nilang iopen?"

Napaupo siya ng maayos at bumuntong hininga. "Nagkaroon ng away sa bahay dahil sa nangyari sa isang Xiong."

"Tapos?" Hindi pa siya kumibo ng ilang minuto. Alam kong hindi niya pa alam na siya ang bumaril sa isang Xiong.

"Sinisisi si Angkong na siya daw ang nagpapatay o hindi kaya sa isang tauhan natin ang pumatay. Tayo ang sinisisi."

"Kamusta sila Angkong?"

"Maayos naman sila at Safe naman sila sa Cagayan. Kaya kailangan mo munang umuwi para tignan sila kung talagang ligtas ang pamilya natin."

Napaupo ako ng maayos. I need to be honest with him, strictly. Alam kong hindi plastic si Ian. Alam kong hindi siya marunong magsinungaling. Prankong tao siya at alam ko yon. Wala siyang tinatago at hindi mo siya mauuto. Alam kong open siya sa akin.

"Ian, can I ask you straight to the point."

Tumungo siya.

"Sana hindi ka ma offend."

Tumungo ulit siya.

"I already heard that news. Alam kong may namaril sa isang Xiong." Tinitigan ko siya ng mabuti. "Ano iyong sinabi sa akin ni Ivana? Totoo bang ikaw ang namaril?"

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon