21th Behind

1.4K 34 4
                                    

Hindi ko alam ang gagawin

Umupo ako sa likod ng kotse. Nakapagpalit naman na akong ng damit. Halos dalawang damit ang dinala ko. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang twalya. Sila Audrey ang nanalo sa laro, kaya ayon tuwang tuwa.

"Oh! Uminom ka muna." Binigay sa akin ni Axel ang isang coke.

Nakangiti kong kinuha ang coke sa kanya. Tumabi siya sa akin at pinunasan niya ang mukha niya. Napadaan sila Azrael sa harapan namin. Tinignan niya lang kami pero hindi niya kami pinansin. Kahit ngayon, hindi parin mawala ang inis ko sa dalawa. Hindi ko nga alam kung bakit?

Umiling na lang ako at hindi ko na lang din siya pinansin.

"Hindi ata kayo nagpapansinan ni Azrael?" Tanong ni Axel sa akin.

"Bahala siya!"

Nilingon niya ang grupo sa kabilang kotse. Halos limang kotse lang ang layo nila sa amin. Nagtatawanan sila ni Knoxx kasama na rin sila Koko. Napatingin sa akin si Entice kaya kumaway. Ngumiti naman ako at kumaway din. Napansin nila ang atensyon ni Entice kaya napansin nila ang atensyon ko.

"Iyon ba iyong kasama ni Azrael?" Turo niya sa babaeng itim ang buhok.

Tumungo ako. "Oo!" May halong lungkot na sabi ko.

"Maganda siya" Nakangiting sabi niya. Sinamaan ko agad siya ng tingin at agad ko pinalo ang braso.

"Aray naman!" Napahawak siya sa braso niya. "Ano na naman ang problema mo?"

"SO PANGIT AKO GANON!"

Nagulat siya sa sinabi ko. "Ano? wala naman ako sinasabing pangit sabi k---aray ko naman!"

Pinalo ko ulit ang braso niya.

"Problema mo?"

"Ewan ko sayo!" inis ko at sabay pout.

Ngumisi siya. "Gusto mo na ba si Azrael ngayon?" Tanong niya.

Umiling iling ako. "Hindi ko alam" Halos walang gana kong sagot. Wala akong panahon.

Napatitig siya sa akin "Nagseselos ka ba?" Malamig na tanong niya.

Napatigil ako. Bumuntong hininga ako at saka humarap sa kanya. "H-hindi...basta! Halika na." Napapikit ako ng mariin at saka umiwas. "Tara umalis na lang tayo. " Sabi ko at pumasok na sa kotse.

Sa totoo lang na iinis ako. Oo ilang araw din kami nagsama, kasama na ang away namin doon. Naiinis ako dahil sinuntok niya si Axel nang hindi alam ang dahilan. Naiinis ako dahil hanggang ngayon ay napaka immature niya pa din. Nadala na ko ng una noh!

Hinablot agad ni Axel ang braso ko. "Are you okay?" Pag-alala niya.

Ngumiti ako saka tumingin sa grupo nila Azrael. Nakahawak ang isa niyang kamay sa bewang sa babae na para bang wala nangyari sa amin. Nakakainis! Humanda talaga siya!

Ngumiti siya ng dahan dahan. "Tell me, nagseselos ka?" Ani Axel. Hindi ako sumagot at tumitig ako sa kanya.

Ngumiti ako. "It's a no!." Sabi ko at sabay lakad ng mabilis. Nilingon niya na lamang ang dalawa.

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon