28th Behind

1.4K 28 3
                                    

I will marry him

"ALAM MO KUNG BAKIT KO GINAGAWA ITO SAYO?" Napaatras ako nang bigla umilingaw ngaw ang kanyang boses. "Damn it! Sa ginawa mo kay Nikka, Victoria!"

Napahawak ako sa aking likod. Masakit ito kung tutuusin. Tumulo na ang aking luha habang hawak hawak ang aking likuran. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mabanggit niya si Nikka.

"Anong meron kay Nikka?"

"Tama ka! Matapang na babae ka nga. Pero hindi ko makakalimutan ang ginawa mo kay Nikka!"

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. "Bakit? Anong bang meron sa inyo ni Nikka?"

Sinamaan niya ko ng tingin. "Ex ko si Nikka, Victoria. Ang bukod tanging babae na minahal ko noon! Pero tangina! Iniwan ako para lang diyan sa punyetang nobyo mo!" Sabi niya. "Kaya gustong gusto kong bumawi pero nagkamali ako. Imbis na kainisan kita ay napamahal pa ata ako."

Ex ni Nikka si Axel. Hanggang dito ba naman sa Alegria?

"Tangina! Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa mo!"

Buong lakas ko siyang sinampal. "Bakit? Ano bang hindi mo makalimutan? Alin? Pagdemanda ko?"

Namula ang kanyang pisngi at buong lakas niya ko hinarap. "Napapahamak si Nikka. Nakulong pa siya dahil diyan sa punyetang ka dramahan mo!"

Sinampal ko ulit siya. Uminit agad ang magkabilang sulok ng mata ko. Tinuring ko siyang kaibigan pero hindi ko akalain na may isa pang traydor ang papatay sa akin.

"Wala kang alam kung ano ang pinagdaanan ko! EX KA LANG! AXEL! EX KA NA! HINDI MO NA SIYA GIRLFRIEND! AT TAMA LANG NASA KULUNGAN NA SI NIKKA! BAKIT? HAH! GUSTO MO BANG MALAMAN KUNG BAKIT NAKULONG YANG EX MO!" Sigaw ko sa galit.

Naginit ang kanyang mga mata. Tumulo na ang aking luha kaya agad ko itong hinawi. Yes! Totoo! Nakulong na si Nikka pero hindi ko pa alam kung ano ang dahilan kung bakit pati siya ay na dampot. Sinabi lang sa akin ni Ivana noong mga nakaraang linggo.

"WAG MONG SUBUKAN NA BUMITAW NG SALITA! AXEL. KUNG AYAW MONG MATANGGAL ANG PAMILYA MO SA PAGMAMAY ARI NAMIN! KUNG AYAW MONG MAGHIRAP!" Sigaw ko.

"TAMA KA! NAKULONG NGA SI NIKKA. NAKULONG SIYA NG MGA NAKARAANG LINGGO! DAHIL SIYA ANG PUMATAY SA ANAK KO! SA ANAK NAMIN NI AZRAEL, NA DAPAT HANGGANG NGAYON AY DALA DALA KO!" Hindi ko mapigilan mahikbi. Mukhang natauhan siya sa sinabi ko. "TATANUNGIN KITA! PAYAG KA BANG MAMATAY ANG ANAK MO? HAH! PAPAYAG KA? HINDI MO KILALA ANG PAGKATAO NI NIKKA! ISA KA PA EH! ISA KA DIN SA T-TRAYDOR SA AKIN!"
Pumiyok ang aking boses.

"Wala na ko pakialam kung mawala ka dahil hindi naman kita talaga kilala. Nagkamali din pala ako! Akala ko totoo ka! Nasa loob pala ang kulog mo! Kung si Nikka pala ang gusto mong maligtas dito. Puntahan mo siya sa Cagayan kung mahal mo siya. Pero kahit kailan ay hinding hindi kita papatulan."

"Kung pupulitin mo kong patulan kita. Malabong malabo, Axel. Mahal ko si Azrael at iyon ang totoo. Kung si Nikka pala ang pag uusapan dito. Ako mismo ang hihila sayo para makaharap ang pumatay sa anak ko!"

Natahimik siya. Buong lakas ko siyang hinila.

"Naka demanda siya akin. Pero kung mahal mo siya." Tumagilid ang ulo ko. "Labanan mo ko sa makakaya mo, Axel. Kung mahal mo si Nikka, ipaglaban mo siya sa mismong harapan ko. Pero ako! Kaya kong maging traydor, Axel. Kung alam kong mali ang ginagawa sa akin. Kaya kong pumatay ng tao! Kaya ko lahat! Pero sa oras na may magawa kang mali. Madadamay ka!"

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon