27th Behind

1.5K 25 1
                                    

Hindi talaga pwede

Nanatili lamang ako nakayakap kay Azrael, na kahit papaano ay gumagaang ang pakiramdam ko. Nalaman na din ni Ian ang mga nangyari sa akin. Kapag kasi nalaman ni Angkong ang tungkol dito ay aatikihin na naman siya sa puso.

Nasa kwarto kaming dalawa at pinagpahinga ako ni Ian. Hindi na din ako pwede lumabas ng Hacienda. Dito lamang ako mananatili habang sa makauwi ako pa balik ng Cagayan de oro. Inisikaso agad nila ang mga nangyari. Nakatulog si Azrael sa likuran ko habang ako ay nag gagamot ng sugat ko. Kulang pa ang tulog niya kaya nakatulog ulit ng mahimbing.

Ayoko naman magkulong dito at para naman ako mababaliw nito. Humugot ako ng malalim na hininga habang ang dalawang braso ko ay nakapatong sa dalawa kong tuhod. Nanatili lamang kaming tahimik. Nakahiga siya sa likuran ko at hindi ko muna iyon pinansin. Nanatili lamang ako nakatingin sa bintana.

"Victoria, wag ka mag isip masyado. Magiging okay na ang lahat. Nagpadala na ng tao si Ian para sayo."

Napapikit ako. I want some peaceful moment for just a while. Halos isang oras akong nakaupo at tulala. Nilingon ko muli ang aking likuran habang ngayon ay tulog pa din siya.

Inayos ko ang kanyang higa at hinalikan sa noo. Humihilik pa siya at mukhang malalim ang tulog. Paano naman kasi napakapresko nga naman dito sa kwarto ko. Tumayo ako at dumungaw sa binta ngunit napatigil ako nang makita ko si Fiolera na nakatingala ang tingin sa akin.

Tumunog ang cellphone ko.

Unknown:

Can we talk?

Dinungaw ko siya muli sa bintana. Ang kanyang mga mata ay halos galit na galit. Hindi na ko nagpaligoy ay lumabas ako. Pagkalabas ko ay agad ko siyang tinawag.

"Fiolera, anong ginagawa-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya ko hilahin.

"Sinabi ko na sayong umalis ka na!" Sigaw niya. "Hindi ka nakikinig!"

"Kung sana ay lumabas ka na agad ay hindi yan mangyayari sayo!" Halos gusto niya nang ilabas lahat ng galit sa akin.

Hindi ako nakakibo at hinayaan siyang sermonan ako. Napahawak siya sa kanyang noo at halatang na disappointed. "Jusko naman! Victoria, sa susunod wag ka magtitiwala kahit kanino. Hindi ka nakikinig kaya ayan ang nangyayari sayo. Tas pinagmumukhang mong kawawa ang sarili mo para maawa sila sayo, na ikaw talaga ang biktima dito. Kung sana nakikinig ka ay hindi ka magkakaganyan! Malamang sa malamang matagal na kayo ni Azrael!" Napapailing siya. "Bakit hindi ka pa bumalik ng Cagayan? Hindi din magiging mapayapa ang buhay mo dito."

Napayuko ako at parang sumapol sa aking lahat ng mga sinabi niya. Sumunod ako kasi alam kong siya ang may ari ng panyo at gusto ko lang ibigay. Sumunod ako dahil parang may tinatago siya. Kilala ni Claudio si Fiolera at gusto ko malaman kung ka ano ano ni Fiolera si Claudio.

"Hindi ako aalis dito habang hindi pa naayos ang problema ko dito at lalo na sayo. Hindi ba humingi ka ng tulong sa akin, na hanapin ang bangkay na gusto mong ipahanap?" Napatigil siya na para bang napa isip sa sinabi ko.

"Kaya ako sumunod at hindi ko sinunod ang sinabi mo dahil gulat ako na kilala ka ni Claudio. Gusto ko malaman kung anong meron sa inyo at sino siya." Sabi ko. "Naiinitindihan ko ang mga sinasabi niyo. You ask me to help you. Tas noong nakita ko si Claudio ay pinaalis mo ko and yes! I will admitted I'm the victim here. Hindi ako pa victim. Hindi mo alam ang lahat ng mga pinagdadaanan ko. Hindi mo alam kung ano ang pakiramdam ng depression. Akala ko ba alam mo lahat ang tungkol sa akin? Hindi naging madali ang buhay ko, Fiolera."

Umiling iling ako. "Hindi! Kaya wag kang masasalita na para lang mag mukhang kawawa dito dahil buhay ko ang sinusugal ko. Hindi ko sinusunod ang gusto niyo dahil na dala na ko. Iyon pa mismo ang magpapahamak sa akin. Hindi naman ako takot mamatay pero para na din naman ito sa inyo."

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon