34th Behind

1.5K 59 4
                                    

Mr & Mrs Montefalco

Noong isang araw ko pa hindi nakakasama si Azrael. Hindi ko alam kung na saan siya ngayon. Ni hindi nga tumatawag sa akin, busy siguro siya.

"Tinawagan mo ba si Liezel?" Tanong ni Allyson habang papunta kami sa fitting gown namin. May fitting kasi kami para sa kasal ni Jasmine sa susunod na linggo. Kaya kailangan na namin mag handa para doon at makuha na iyong gown na susuotin ko.

Umiling ako. "Ilang buwan na kami hindi nag uusap. Huling pag uusap namin, iyong kasama ko ang mga Montefalco."

"Hiwalay na sila."

Napatigil ako sa sinabi ni Allyson tsaka ako lumingon sa kanya. "Hiwalay? Sino?"

"Sila Rafael at Liezel." Malungkot na sabi niya. Hiwalay na si Liezel at Rafael? Napasandal ako sa passenger sit at hindi makapaniwala. For what reason?

"Ano nangyari?"

Nagbalik baliktad lamang siya. "Hindi namin alam. Nalaman na lang namin ay hiwalay na sila."

"Ilang years ba naging sila?"

Nagbalik baliktad siya. "Hindi namin alam. Siguro mga years? Years na din siguro ang inabot ng dalawa."

Tumungo ako at hindi na ko nagtanong pang muli. Nakarating na din kami sa fitting. Bumaba ako ng sasakyan kasabay siya. Pagkapasok namin ay may ilang nagsusukat. Nagtanong pa kami ni Allyson kung ano ang susuotin namin.

Ako lang ata ang invited. Si Ivana ay hindi makakapunta dahil busy sa Manila. Si Ian at Kelly nasa Alegria, hindi ko din alam kung tuloy ba talaga sila.

"Dito po tayo." Sumunod kami sa assistant. Maraming gown ang mga nakasabit at ilang mga hindi pa gawa. Dumaretso kami kung saan ang fitting room. Binigay sa akin ang kulay blue na satin satin ang tela. Simple lamang ito na para bang pupunta kasa Prom night.

Close neck at may para siyang off shoulder pero kita ang balikat. Magkaiba kami ng design ni Allyson. Siya naman ay naka off shoulder kaya bagay sa morena niyang balat.

"Sukat ko lang." Pumasok ako sa fitting room. Pagkatapos kong isukat ay saktong sakto naman ito sa payat kong katawan. Inulugay ko ang aking buhok.

Bagay!

Hindi pa nga ako nasusukatan pero parang alam na ni Jasmine ang sukat ng katawan ko. Lumabas ako at nakita ko din na bagay din naman kay Allyson ang gown.

"Medyo bawasan lang iyong sa tiyan." Ani Allyson nang hindi nagkasya sa kanyang tiyan ang suot niyang gown.

"Lakas ko kasing kumain." Tawa niya.
Tumalikod ako at tinignan ang sarili sa malaking salamin. Nakikita pala ang likuran ko.

"Sige! Miss kunin ko na ito ngayon. Maayos naman na." Sabi ko. Tumungo naman ang assistant. Bumalik ako sa fitting room para magpalit.

"Tapos ka na, Ally?" Tanong ko habang inaayos ang buhok sa harap ng salamin. Naka jeans at sando lang naman ang suot ko ngayon. Ang init kasi kahit tag ulan na.

"Patapos na." Aniya sa kabilang fitting room. Binigay ko na ang gown sa assistant. Rent lang naman ang kinuha ni Jasmine. Ano naman ang gagawin naman kung bibilhin namin, hindi ba?

Oo nga pala! Alam na kaya ni Jasmine na nandito na ko sa Cagayan. Hindi pa kami nagkikita. Ilang sandali ay napatigil kaming dalawa ni Allyson nang pumasok si Liezel. Agad kong kinalabit si Allyson, na siyang nagpataas pa ng kilay sa akin. Ngumuso ako para ituro si Liezel. Hindi nagpahuli si Allyson ay tinawag niya agad.

"Liezel!" Napatigil pa siya nang makita kaming dalawa ni Allyson.

"B-Bridesmaids din kayo?" Gulat niyang tanong.

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon