49th Behind

1K 18 4
                                    

Buntis ako

Hindi siya kumalawa sa pagkayakap sa akin. "I thought you were gone." Di siya humiwalay. Ni miski ako ay hindi ko magawa gawa kahit sobra yung galit ko sa kanya ka gabi. Gusto ko na lang maging tahimik ang buhay ko. Gusto ko tumahimik habang nandito ako sa Siargao.

Pero parang patay na ang damdamin ko. Parang patay na patay na ang katawan ko. Pinagtitinginan kami ng mga tao dahil nanatili kaming nakayakap dalawa. Pero yung puso ko?

Hindi ko maintindihan!

Nagagalit ba ko o naawa. Inaamin ko din naman sa sarili ko na hindi ko kayang iwan ang magiging asawa ko at magkakaroon na kami ng anak. Sadyang wasak na wasak lang ako sa buhay, kaya ko na gawa yon. Inaamin ko naman na mahal ko siya. Mahal na mahal. Hindi ako magiging ganito kundi dahil sa kanya. Pero nakakasawa na talaga. Kahit ilang beses kong sinabi sa sarili ko na, lumaban pa ko. Lumaban at lumaban hanggang sa makakaya ko pa. Pero sa nakita at nalaman ko?

Doon na ko na walan ng lakas ng loob. Nawalan na ko ng gana at lalong lalo nang hindi ko alam kung may tiwala pa ko sa kanya.

Hindi ako kumikibo sa pagkayakap niya. Pero ilang sandali ay tinulak ko muna siya. "Not now! Please!"

"Hindi mo man lang ba ko kayang kausapin? Hindi mo ba kayang intindihin yung nararamdaman ko?"

Pagod akong humarap pero kung anong kulisap ang naramdaman ko sa aking tiyan. "Azrael, pagod-"

"Naiintindihan kong pagod ka! Pero-"

"Naiintindihan mo pala e! So tantanan mo muna ko!" Nilagpasan ko siya. Iniisip ko yung sinasabi ni Fiolera. Hindi ko din alam kung sinabi na ni Ivana na ikuha ako ng ticket. Hinabol niya ko, pero nandoon pa din ang bigat bigat ng loob ko.

"Victoria!" Sigaw niya habang nakasunod na parang aso sa likuran ko.

"Lumayas ka kahit ngayon lang!" Sigaw ko pabalik.

"Hindi ba pwedeng kausapin mo lang ako kahit sandali lang."

Hinarap ko siya. "Kakausapin? Alam mo ba kung gaano naging ka apekto yung video?"

"Kahit matagal na at wala na tayo noong panahon na yon?" Sabi niya habang sinusundan ako. "Kahit matagal na yon, iniwan mo ko! Iniwan mo ko noon! Wala tayong label o commitment noong panahon na yon dahil dinimanda mo din ako na wag akong lumapit sayo!"

Naistatwa ako. Mas lalo ako na inis pero kumikirot ang puso ko. Gusto ko na lang bumalik sa hotel. Mas nilakihan ko ang hakbang ko. Di ko namalayan ay naginit na ang magkabilang sulok ng mata ko. Bahala na kung saan ako makarating.

"Mag tiis ka diyan! Iwanan mo muna ko!" Sabi ko. Alam kong narinig niya yon. Nararamdaman ko ang yabag niya kaya mas lalo kong binilisan.

Ilang sandali ay napatigil ako nang makita ko si Alex. Pulang pula ang mukha at kagagaling lang ng surfing. Nagulat siya sa pagdating ko.

"Woah! Welcome back! Long time no see ah!" Tumawa siya at ngumiti. Ganon din ako at nakipag apir sa kanya.

"Yeah! Long time no see. Ikaw lang mag isa?"

Lumingon siya sa kinaroroonan niya kanina. "Sila Eunice pa din ang kasama ko at pati na din sila Zeus." Ngumiti siya. "Ikaw? Ikaw ang kamusta halos ilang buwan tayo hindi nagkita."

"Ayos lang! Medyo busy."

Tumungo tungo siya. "Magsurfing ka? Pwede ako ang maging instructor mo."

Napatigil ako at bumaling sa likuran ko. Alam kong gusto gusto niya kong kausapin. Ang aga aga kasi puro away na naman ang maririnig ko. Simula pa noong isang araw, na walang ginawa kundi magsigawan. Tahimik siya at alam kong nagseselos siya. Binalewala ko lang yon. Papahirapin kita ngayon at dahil inamin mong nagkikita kayo ni Nikka.

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon