18th Behind

1.6K 36 2
                                    

Paligsahan

Nag jog ako pabalik sa pwesto ko kanina. Lumingon lingon ako. Nakaupo sa gilid sila Axel nang magtagpo ang tingin namin ay ngumiti siya. Ayoko naman maging disrespectful kaya ginawa ko din.

"Okay guys! Jog kayo ten laps. Before mag end ang training natin." sabi ko.

"Yes! Coach!" Sabay sabay nilang sabi at nagjog. Nakisabay na rin ako para matagtag naman ang katawan ko.

Sinabayan ko sa pag jog si Steph dahil mag isa lang siya. Habang nag jojog kami ay nag tanong si steph

"Ate sino po yung gwapo kanina?" Tanong niya. Sinong gwapo? si axel?

"Sino?" Taka ko

"Yung pinunasan niyo po yung pawis."

"Si Axel. Hindi mo ba siya kilala?"

Umiling siya. "Hindi eh! Medyo maguhan po ako dito. Ang laki kasi ng Community College. Pero bagay po kayo" Hagikgik siya. Nakaramdam ako ng kaba at tsaka nilingon si Axel. Nope! Pinangako ko sa sarili ko na hindi siya lalagpas sa linya. Ayokong manakit!

"No! Mag kaibigan lang kami ni Axel." Paliwanag ko at alam ko hanggang kaibigan lang dahil sa simula pa lang alam ko na kung sino talaga yung mahal ko.

"Eh! Bakit po parang may sparkle sa mata niya pag tumitingin po sa inyo?" Inosente niyang tanong.

"H-Huh? Meron bang ganon?"

Tumawa siya habang nagjog kami. "Meron po!"

Totoo ba iyong sparkle? Parang ngayon ko lang na rinig yon ah! Natapos namin ang ten laps. Kaya naman ay pinaupo ko sila sa gitna at pinarangalan kung ano pa ang kailangan nilang improve. Dinismiss ko na at tumayo ako para ayusin ang aking sarili. Pumunta ako ng banyo para magpalit ng damit at kinuha ko ang aking gamit.

"Victoria!" Tawag ni Axel sa akin habang papalapit. Nilingon ko si Erika na mukhang kanina pang badtrip sa akin. Well! It's not my fault kung laging lumalapit sa akin si Axel. Nagtaas ako ng kilay at chine-check ang paligid napansin ko na may hawak siya sa kanyang likod. Nanuot ang aking noo.

"Tapos na kayo mag training?" Tinitigan ko siya at ngumiti.

"Ano yang sa likod mo?" Nilabas niya ito at nakita ko ang mga rosas.

"Para sayo victoria." Nahihiyang sabi ni Axel. Wala naman malisya kaya agad kong kinuha.

"Thank you! Axel" Sabi ko sa kanya at inamoy ang rosas. Napatingin ulit ako kay Erika na bigo ang mga mata sa amin. Agad ako natauhan kaya medyo lumayo ako.

"Bukas ah! Nood ka ng game namin." Aniya sabay ngiti sa akin.

"Oo naman! Walang malisya! Malakas ka sa akin eh!" Sabay kaming natawa. Kahit hindi ako nakatingin ay ramdam kong meron. Wala na sila Avi at Leo. Wala silang choice dahil mapilit, na kahit may pagkatomboy si Avi. Wala din na gawa dahil ayaw niya naman saktan si Leo.

Tumungo siya. "Kasama si Ian bukas. Manonood din daw siya tutal naman ay wala daw siyang gagawin. Sabado naman bukas kaya walang gawa ng dalawang araw."

"Uuwi ka na ba?" Sunod niyang tanong. Tumango lang ako bilang sagot.

"Hatid na kita-" Nabigla ako nang may humapit sa aking bewang. Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Azrael na ngayon ay nakatingin ng masama kay Axel.

Behind the scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon