Chapter 5
Egg Sandwich
Halos malaglag ang panga ko. Baby babe? Sapak sapak gusto niya?!
"You are really pushing all my buttons, Mr. President." nanggagalaiting sabi ko sa kanya.
"So ano? Gusto mo ba ng tulong ko o hindi? Madali akong kausap..." aniya at nag-arte pang naiinip.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Syempre, gusto ko ng tulong... Pero hindi sa'yo!" I said and walked out.
For sure tutulungan naman ako nila Andy, eh! Sila na lang kesa 'yong Beau na 'yon!
Palabas na ako sa main building. Nagulat ako nang biglang may bumangga sa akin.
"Oh, I'm sorry. I didn't see you." Xyla said.
I was about to say it's okay when she cut me. "Kayo ba ni Beau?"
Nagdikit ang kilay ko roon sa tanong niya.
"What? No!" pagtanggi ko.
"Ah, so you're just one of his flings... Flavor of the week, probably." she mocks.
Anong problema ng babaeng ito? Seriously, what's with her?
"Excuse me. What are you saying?"
Tumaas ang isa niyang kilay. "I'm saying that I'm his ex girlfriend. And he'll come back to me sooner or later. So don't get your hopes up, dear."
I laughed a bit. "I am not, in any way, getting my hopes up, dear. And for your information, I'm not his toy and I don't want to be. Kaya ikaw na lang ang magpalaro sa kanya, mukhang gustong-gusto mo naman."
Nag-iba ang ekspresyon niya. Now, she looks like an angry bird.
"Theandra, right?" aniya at humakbang papalapit sa akin. She even crossed her arms. "'Wag mo ako hahamunin, you don't know me. You may ranked higher than me, but that's just one step ahead. It doesn't make any difference at all."
Ngayon, tinaasan ko naman siya ng kilay. She's a bitch. I can be a bitch, too.
"You don't know me either." sabi ko at tinapatan ang puwesto niya. "As you said, one step ahead... Kaya sa susunod na banggain mo 'ko, I'll make sure you will see that difference."
Naglakad na ako palayo. I am actually trying to be friends with her! Pero hindi na lang!
-
Halos pagod kaming lahat pagkatapos ng first day. Dahil hindi naman kaya ng College Representative o ni Kolfinna na i-tour ang lahat ng student sa Academy, pinaghati-hatian namin iyon.
It's dinner time. I am a bit hungry pero mas nangingibabaw ang antok at pagod ko.
"Baby babe, let's eat!" sigaw ni Bungs.
He's irritating! 'Yong tipong pagod na pagod ka tapos ganito maririnig mo? Nakakaikot ng mata, eh.
"First, I am not your baby babe. Second, I am not going to eat." sabi ko at pumasok na sa elevator.
Mas nairita lang ako nang bigla siyang sumunod sa elevator.
"What do you want?" I asked him. I am so annoyed with his presence.
"Paano pag sinabi kong ikaw?" sagot niya kaya mas tumindi pa ang pagkairita ko.
Napailing na lang ako at lumabas na sa elevator nang makarating na iyon sa tamang floor.
"Are you following me?! I'm tired so I'm going to sleep." I told him.
He crossed his arms. "Assuming? Matutulog na rin ako! Magkatabi kaya tayo ng room. Hehe."
Naningkit ang mga mata ko. "Stop playing around, Mr. President. I don't like your games. Bakit ba ako ang kinukulit mo? Go to your ex instead!"
Siningkitan din niya ako ng mata. "Umm... Marami ako no'n. Sino sa mga 'yon?"
Napahawak ako sa sentindo ko. He's a hopeless case. "Pwede ba... Layuan mo na lang ako, please?"
Tumalikod na ako. I am so tired and I can't deal with his stupidity right now.
"Luh! Paano kita lalayuan, eh, liligawan pa kita?!" Beau shouted.
"Argh!" I growled like a wild animal.
Nang makarating ako sa sariling kwarto ay malakas kong isinarado ang pintuan.
The next morning, I feel so good. Maganda ang naging tulog ko. Nabawi ko iyong pahinga na kailangan ko.
Napabalikwas ako at napansin ang orasan. Shit! I'll be late!
Mabilis na akong nag-gayak. Sa sobrang pagod ay ni hindi na ako nakapag-alarm manlang.
Isinusuot ko na iyong black shoes ko nang biglang kumulog iyong tiyan ko. Heck! I am starving! Hindi na nga pala ako nagdinner kagabi.
How can I even have my breakfast if I'm running late? Geez.
Pagkabukas ko nang pinto ay muntik na akong atakihin sa puso. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat.
Oh, Lord. Spare me to this man.
"Maganda umaga aking pulot-pukyutan." bungad ni Beau Patrick.
Nanlaki ang mga mata ko. "Pulot-pukyutan?!"
"Oo... Pulot-pukyutan, sa english ay honey!" aniya at halos humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan.
Ano bang kasalanan ko at nakilala ko ang lalaking ito?
"Malapit na kasi ang buwan ng wika kaya nagpapractice ako na Tagalog lang lahat. Eh, ang pangit naman sa Tagalog ng baby... Sanggol? Pwede ba manligaw, sanggol? Gano'n? Pangit, 'di ba?"
Hindi ko alam kung bumabanat ba siya o ano.
"At sa tingin mo maganda iyong pulot-pukyutan?" sabi ko at sinara na iyong kwarto ko. "I am late. Kaya tigilan mo muna ako."
"Nye. Eh, pareho tayo ng klase. Late din ako, 'no." aniya at sumabay sa akin ng lakad. "Coffee?
"I don't do sugar. I'm on a diet." sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad ng mabilis.
"Uhuh... Less sugar 'to." subok niya pa.
"Less sugar still have sugar. Nice try."
"How about tubig?" he asked.
"I am not thirsty." sagot ko at nagmadali na. I can't be late!
"Egg sandwich na lang, yeye." aniya at napahinto ako dahil saktong-sakto ang pagkulo ulit ng tiyan ko. "Oh, tignan mo. Kunin mo na 'to, please."
Hinablot ko iyong sandwich sa kanya dahil nasa tapat na kami ng elevator ngayon. "Kukunin ko lang 'to dahil gutom na gutom na ako. Baka isipin mo na gusto kong magpaligaw sa'yo, ah!"
Nakaabot kami ni Bungs sa klase.
Buti at nagpapasulat lang ng notes si Mr. Eujenio kaya naman nakakapuslit ako ng kain.
"Gutom na gutom, teh?" Si Andy sa likod ko.
"Hindi ako nagdinner kagabi." bulong ko naman.
"Si Beau din hindi nagdinner." sabi naman ni Rosean na nasa tabi ko.
"Fishy!" si Kol naman sa kabilang gilid.
"Anong fishy fishy kayo riyan? Beau and I aren't even friends!" sabi ko at napailing na lang sa mga kaibigan.
Sila na nagsabi na playboy 'yung Beau Patrick na 'yun! Hindi naman ako marupok para makuha ng ganoon na lang. I know boys like him! Matagal na akong umiiwas sa mga playboys. Kaya nga kay Ethan ako napunta, eh.
After class ay dumiretso kami sa SCO for a quick meeting.
"So our next agenda, Buwan ng Wika." Bungs said. "Any plans, activities in mind, Mac?"
Napatingin ako kay Mac na walang paki sa mundo at nagbabasa lang ng libro. Is that guy even serious?
Umiling lang si Mac.
"How about you, Ms. Treasurer?" ako naman ngayon ang binalingan ni Beau. "Did you like my egg?
Halos naibuga ko ang lahat ng ininom na tubig kay Andy. I am now dead inside. Kunin na sana ako ng lupa. Please, please. Get me!!!

BINABASA MO ANG
Chasing After You
Romance(Garnet Boys Series #1) Theandra will never stop until the notorious playboy, Beau Santiago, fall for her again like before. Gaano man siya masaktan, hinding-hindi siya titigil. She will always go chasing after him.