Chapter 11
Ex
Beau has been caring since then. He always make sure that I'm eating and resting properly. Sobrang kulit niya, yes. But I appreciate his efforts.
Lagi niya akong binibilhan ng breakfast. Minsan 'yong mga gawain ko sa SCO, inaako rin niya. Madalas ko siyang tarayan dahil sa mga walang kwenta niyang banat, pero tatawanan niya lang ako. That ass!
Another day, means another Beau Day.
Pagkalabas ko ng kwarto, alam kong nandoon na siya kaya naman agad akong nagsalita. "No egg. Just please!"
"Coffee, tea, or me?" he asked with a devilish smile. What is he up to? Abnormal! "But be careful... You might pick me. Sabi mo pa naman 'no egg'. Sorry, I have a really huge one."
"Ew!" sabi ko sabay palo sa kanya no'ng makapal kong libro sa ESP.
"Aray! Joke lang, eh." aniya at inagaw iyong dala kong libro. "Ako na magdadala nito."
Hinayaan ko na lang siya dahil nakuha niya na rin naman. Ayaw ko na makipagtalo pa. Baka ma-head bang ko na naman siya, maclinic pa ako ng wala sa oras.
Binuklat pa niya iyong libro. "Tsk. You don't need a book for this subject. This is basic."
"Requirement 'yan." sagot ko.
"Gusto mo turuan kita sa ESP?" tanong pa niya.
"Huh?" Kumunot ang noo ko. Pwede, pero madali lang naman ang ESP kaya I think I can manage.
He smirked. "Edukasyon Sa Pagiging tayo."
What the freaking hell?! "Ang korni mo!" sabi ko at halos pitikin na ang baba niya.
"Edukasyon sa Pagpapakatao, Beau Patrick. And I think, mas kailangan mo!" I snapped and walked past him.
From: Bungs
Hindi ako korni! Nakita ko lang yon sa fb eh!
Natawa ako ng kaunti sabay nagtipa ng reply para sa kanya.
To: Bungs
Kaya wala kang sense eh fb pa more >:P
Ilang saglit lang ay tumunog ulit ang phone ko. Ang bilis naman niyong magreply.
From: Bungs
Eh di penge ng sense! Sensekaterbang pagmamahal <3
Juskolord. I quit!
To: Bungs
Sensekaterbang suntok pwede?
Beau Patrick has been very vocal. Lagi niyang pinapaalala na manliligaw ko siya at hindi raw siya mapapagod sa akin. Lagi ko rin siyang sinasabihan na neknek niya.
Tuwing breaktime, sumasama na rin si Beau sa amin nina Andy, Rosean, at Kol. They don't mind and they actually like his company. Paano ba naman? Laging nanlilibre. Sana all!
I'm having a hard time picking for an ulam. Kare-kare or Sinigang? Help!
Iniisip ko pa ang kakainin nang biglang sumulpot si Beau rito sa pila. "Libre na kita... Ako ba gusto mo?" Ay, wow.
Kinunutan ko siya ng noo. "Nice try, but no!" sabi ko at bumaling doon sa counter. "Kare-kare po."
"Kung ganyan ba naman kaguwapo ang mangungulit sa akin araw-araw, palag na akez! Charz!" sabi ni Andy pagkaupo namin.
Nandoon na rin si Rose at Kol. Si Beau ay nasa pila pa.
"Whatever, Ands!" sabi ko naman at inayos na sa lamesa ang pagkain ko.
"Sus, whatever daw pero tignan mo, lagi na niyang kasama." hirit naman ni Kol.
"Nafafall na 'yan!" dagdag pa ni Rose.
Saan ba pwedeng magbenta ng tropa? For sale po mga tropa ko, oh! Pakibili, utangs na loob!
Pagkatapos no'ng sunod naming klase ay biglang tumunog iyong bell. Oo nga pala, may earthquake drill kami ngayong araw. Si Rose pala ang nagschedule nito.
Palabas na sana ako nang room nang biglang lumitaw ang pagmumukha ni Beau sa harapan ko. Teka, saan nanggaling 'tong bungang araw na 'to?
"Turuan kita kung anong gagawin mo pag lumilindol ha?" aniya sa malumanay na tono.
"Alam ko!" sabi ko sa kanya. Paharang-harang siya, 'yong mga kaklase namin nagtatakbuhan na papunta sa campus grounds.
"Sige nga, ano?" tanong niya pa na akala mo kung sinong tiga PHIVOLCS!
"Duck, cover, and hold." sabi ko with matching action pa.
"Mali!" giit niya at binelatan pa ako. Luh? Anong pinasasabi nito?
"Eh, ano?" tanong ko.
"Ganito kasi 'yon... Duck, cover, and hold me forever." aniya at hinawakan pa ang kanang kamay ko.
"Y-you're crazy!" Inalis ko ang pagkakahawak niya. Halos ubuhin ako roon sa pinagsasasabi niya. What the fucking hell, Beau Patrick?
Nagmamaktol ako habang naglalakad sa hallway. Naisahan na naman ako ni Beau! Damn him!
Nakaduck, cover, at hindi hold forever ako habang papunta sa grounds. Hay. The next time that there's a drill, I'll make sure that nasapak ko na siya bago siya makabanat ulit sa akin.
Ang init sa campus grounds dahil tirik ang araw. Almost 4:00pm na pero sobrang init pa rin. Maniniwala na ako na ang Pilipinas ay nasa loob ng oven!
"I think mahihimatay ako, oh my gosh!" malakas na sabi ni Xyla. Ako man ay napatingin din sa kanya.
"Bakit? Ano ganap?" si Andy iyon.
"Beau, sobrang init. You know that I have a low tolerance for heat! You should've not let me go here..." nagulat ako sa sinabi ni Xyla.
Si Beau ay nandito lang sa gilid ko at walang kamuang-muang. "Ha?" aniya.
"Hatdog ka, Xyla." bulong ko sa sarili.
I don't know why am I suddenly irritated. In just a freaking snap!
"Do you have any meds?" Beau asked and slowly went near her. Err, fine. Whatevs!
"Yeah... Samahan mo ako sa room, please." Xyla said in such a seductive tone. I almost puke right then and there.
Tumingin sa akin si Beau na tila nagpapaalam.
Tumingin din sa akin ang iba kaya naman lalo akong napressure! Teka naman!
Dahan-dahan akong tumango kay Santiago. I don't have a choice anyway. Baka mapano pa 'yan, konsensya ko pa. Hmp!
Umalis na ang dalawa. Habang ang tatlo ko namang kaibigan ay napailing-iling na lamang.
"Bakit ba laging may epal na ex?" hirit ni Kolfinna.
"Pag ex na, ekis na. 'Wag nang papansin. Powta, eh!" si Andy naman sa gilid ko. Minsan talaga sa kanya rin ako natututo ng mga kung anu-anong salita, eh. No'ng nakaraan naman sabi niya putspa. Akala ko nag-aaya siya ng footspa. Ayon pala nagmumura na siya! Kaloka!
"If you're an ex, be an ex." si Rose naman. "Ang hirap sa mundo ngayon, marami nang mga feejo."
"Anong feejo?" tanong ko.
"Mga feeling jowa!" si Andy ang sumagot.
Bakit parang mas galit pa sila sa akin? Nililigawan din ba sila ni Beau?
I sighed when the class ended without any appearance of Beau. So, saang room ba sila nagpunta ni Xyla?! Hmp! Asar!
BINABASA MO ANG
Chasing After You
Romance(Garnet Boys Series #1) Theandra will never stop until the notorious playboy, Beau Santiago, fall for her again like before. Gaano man siya masaktan, hinding-hindi siya titigil. She will always go chasing after him.