Chapter 12

53.3K 2.1K 948
                                    

Chapter 12

Cycle

Inagahan ko ang gising. If I will wake up and prepare on the usual, maabutan ako ni Beau and I don't want that. Ayaw ko siyang makita!

Kinuha ko ang bag ko at dumiretso na sa pinto. Halos himatayin ako nang makita si Beau roon sa may pintuan ko.

Umawang ang bibig ko. No freaking way! I'm one hour earlier than usual. Bakit nandito na siya?!

"I know you'll do this." aniya. "Want to ignore me, huh?"

I rolled my eyes at him. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo.

"Are you mad at me? I've asked your permission, Theandra." he said and ang seryoso niya.

Napahinto ako. "Yeah, sure. Nakakapagtaka lang, saang kwarto mo ba sinamahan si Xyla? Napatagal ata..."

Hindi ko alam kung bakit bigla-biglang sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "You're a jealous woman... And I like it."

"I'm not jealous! I'm irritated!" sabi ko at muli nang tumalikod. Bahala siya riyan!

Hanggang sa magbreak time na ay nagrarant pa rin ako kila Andy. Nahinto lang nang biglang ngumunguso na si Ands.

"Ha?" tanong ko at ngumuso lang siya ulit. Pagtingin ko sa aking likod ay nandoon na si Santiago at paupo na sa tabi ko.

Agad kong nakuha iyong tray ng pagkain at pinatong doon sa upuan sa tabi ko. "Puno na kami, sorry."

"Ang mean!" ani Rose.

Ipinatong ni Beau iyong tray niya ng pagkain sa table at bumaling sa akin. "I'm sorry about yesterday, Tey. Wala kasi siyang kahit anong gamot sa dala niyang bag. Sinamahan ko siya sa kwarto niya pero wala rin. I have no choice but to bring her at the SH, that's why it took so long."

Magsasalita na ako nang biglang tumayo si Andy at dumuro kay Beau. "You do note the liar is mah peyk! Do do note is my Cassie in a like is in a Margarette!"

"A-ano?" si Beau, litong-lito kay Ands. Ako naman ay nagpipigil ng tawa. Loko 'tong si Andy!

"'Wag mo na intindihin, Beau. Nabaliw lang 'yan." si Kol naman. "Kadenang Ginto meme pa more!"

Inalis ko na ang tray na pinang harang ko sa tabi ko.

"'Di ka na gagalit?" Beau asked.

Umiling ako tapos ay sumubo ng takoyaki na inorder ko.

Ipagpapaliban muna namin ang Foundation Day at uunahin na lang ang Sports Fest. Medyo matrabaho kasi 'yong Foundation Day dahil maraming mga clubs at booth na kailangan gawin.

"Bukas, magpapasign-up na tayo sa mga gustong sumali." anunsyo ni Beau.

Nandito kami ngayon sa SCO. Wala si Xyla kaya medyo good mood ako.

"Bali meron lang tayong apat na competition. Ito 'yung mga nanalo sa poll... Basketball, volleyball, badminton, at cheer dance." ani Ands.

"And we have to gather 5-6 groups to compete for each sports." sabi naman ni Mac. Buti at nagsasalita siya. Minsan kasi piping saksi lang ang isang ito, eh.

"So kung may gusto rin sumali rito sa SC, pwede rin, 'di ba?" Kol asked.

Tumango naman ang karamihan.

"'Yun! Sasali ako sa volleyball." ani Kol.

"Ako naman, saan pa ba? Cheer dance syempre!" si Andy naman. "Sali ka rin, Thea! Sumasayaw ka, 'di ba?"

Chasing After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon