Chapter 15

46.8K 2K 624
                                    

Chapter 15

Cheering

I think that went over board, but I guess it needs to be done.

"So... Hindi mo talaga siya ex?" tanong ko kay Beau.

Tumango siya. "Yeah... We've been introduced by our families' common business partner. Lagi kaming nagkakasama and I think she mistook it as something."

"Hindi mo siya nagustuhan?" naningkit ang mga mata ko. I mean, Xyla is a freaking model! Pakiramdam ko nga, iyong mga kagaya niya ang tipo ni Beau.

Umiling siya. "I just don't easily like someone."

"Weh? Ikaw pa?" giit ko.

He's a playboy! That's what everyone is saying!

Sa mukha at tindig pa lang niya, he can get all the girls that he wanted.

Natawa lang siya. "Playboy Beau is just an image, but that's not really me." he said in a low tone.

And why would he like to have a playboy image? Itatanong ko sana kaya lang ay nakarating na kami sa classroom. Dahan-dahan akong hinatak ni Beau papasok, ang mga kamay ay magkahawak pa rin.

Halos lahat ng aming mga kaklase ay napako ang tingin sa amin. Ang iba ay nagbubulungan pa.

Beau just smiled at me. Hinatid niya ako sa upuan ko at ipinatong ang aking bag sa mesa.

"Kunin ko lang gamit ko sa locker." aniya at mabilis na lumabas.

Pagkalabas na pagkalabas ni Beau ay saka lumakas ang mga bulungan.

"Si Beau at Xyla, 'di ba? Break na ba sila?"

"Playboy talaga! Baka flavor of the month lang iyang Flamma Girl na 'yan!"

"Hala! Kakapost lang ni Xyla ng picture nila last week, ah. Sayang, bagay pa naman sila."

Kumunot ang noo ko sa mga naririnig. Xyla is a model and Beau looks like a model as well. They look like such a great pair for sure, hindi ko itatanggi.

Pagkaupo ay agad lumapit ang mga kaibigan ko sa akin na.

"Hoy, ano 'yun?! Bakla ka!" si Andy.

"Aba! May pa-holding hands!" si Kol naman.

"What is the meaning of that, sis?" inalog-alog ako ni Rose sa likuran.

"Ang ingay n'yo naman!" natatawang sita ko sa kanila.

"At ang kalat mo naman, teh! Ano 'yun?" makapagsalita itong si Andy. Siya nga itong makalat sa FB. Share ng share ng memes! For all I know, gusto niya lang i-broadcast sa lahat na single siya.

Kulang na lang ay mag myday siya ng "Hit me up I'm single". My God!

"Kami na." mahinahon kong sabi at nagtilian naman ang tatlo kong mga kaibigan. "Sshh, guys! Baka dumating na ang Prof natin."

"I said what I said before, Beau is a playboy. Pero ngayong nakakasama natin siya, mabait naman siya. Approved!" mahinang sabi ni Rosean.

"Gwapo siya. Approved na approved!" Andy, being so makalat

"Approved din sa akin! Basta hindi ka sasaktan." si Kolfinna naman.

I love my friends.

Pagkatapos ng klase ay agad kaming nagpunta ni Andy sa gym. Mayroon kasi kaming practice ng cheer dance para sa Sports Fest na darating.

Nagpalit din kami ng PE uniform. Our uniform is just a white t-shirt with Garnet Academy logo on the left chest and black linings on the neck and arms. Ang sa pang ibaba naman ay it na shorts, ang tela ay parang sa jogging pants.

Chasing After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon