Chapter 10
Unconscious
I so hate him! Playboy talaga!
Wala akong ganang kumain ng dinner dahil sa inis ko. Beau and Xyla are not here at the dinner buffet. Malamang magkasama 'yong dalawa. Tss! Whatever!
"Bakit ang haba ng nguso mo?" tanong ni Rosean.
Ang daming crabs sa plato niya. Favorite niya raw iyon pero mukhang aatakihin siya mamaya dahil sa dami nang kinuha niya.
Umiling lang ako at naghimay ng hipon. This night, more on seafoods and I'm loving it.
"Weh? Ano nga?" usisa pa ni Rose.
"Wala lang naman. Napatunayan ko lang naman na playboy talaga 'yong Beau na 'yon." saad ko.
"And how?" Naningkit pa ang mga mata nitong si Rose.
"I told him yesterday na mapapagod lang siya sa akin. Tapos ngayon, mukhang napagod nga ang siraulo. Nakita ko siya na kasama si Xyla kanina. Magkakabalikan na ata." halos magarutay ko na iyong hipon.
"Ang advance mo naman mag-isip! Hindi ba pwedeng nagkausap lang or something? Maybe they are friends again." ani Rose.
"Mag ex sila." I said as a matter of fact.
"And so? Bawal ba?"
"If two ex lovers can remain friends, it is either they are still in love or never were." sabi ko.
"Hindi naman lahat! Gaya ninyo no'ng ex mo na si Ethan, 'di ba?"
"We were still in love when we've parted ways..." sabi ko at muling nagulahan sa lahat.
Ngayon, hindi ko na alam ang nararamdaman ko para kay Ethan. Pwede pa rin ba kaming maging magkaibigan pag nagkita kami ulit? Posible ba talaga 'yun?
Damn it! Pati tuloy si Ethan ay naisip ko pa bigla.
-
I have so many things to do today. Kailangan kong magreview, tapusin 'yong mga projects na dapat ipasa bukas, at pahabol na reports. Madadagdagan pa kung may gagawin kami sa SCO.
"Ang dami namang libro niyan, baks. Ganda ka?" biglang sumulpot si Andy tapos ay tumabi sa akin dito sa library.
"Oo. Gandang may utak." sabi ko at mahina naman akong tinapik ni Andy.
Ayaw ko ng ganda lang. Dapat may utak din.
"I love the confidence, Theandra!" aniya. "Magrereview din ako. Inaantok ako sa room."
Biglang kumulo iyong tiyan ko kaya natawa si Andy.
"Hindi pa ako kumakain." sabi ko. "Mamaya na lang. Kailangan ko pa tapusin basahin ang mga 'to."
"Kumain ka kaya muna?" suhestiyon ni Ands pero umiling ako.
Kung kakain na ako ngayon, meaning ibabalik ko itong mga librong nahanap ko. Tapos pagbalik ko mamaya, hahanapin at kukunin ko na naman ang mga libro sa kanya-kanyang shelf nila. Hassle!
"Hassle, eh. I can manage pa naman." sabi ko kay Ands.
I've been studying for hours. Sinunod ko ang pagawa ng mga projects dahil deadline na bukas. Hindi ko alam kung magagawa ko pa 'yong mga kailangang reports.
Si Andy naman ay umalis na. Wow. Aral na 'yun sa kanya? Wala pa atang one hour nagtagal si Baks!
I'm hella starving but I need to finish all of these. Tatamarin na ako mamaya once tumayo na ako rito sa library at kumain sa canteen.
BINABASA MO ANG
Chasing After You
Romance(Garnet Boys Series #1) Theandra will never stop until the notorious playboy, Beau Santiago, fall for her again like before. Gaano man siya masaktan, hinding-hindi siya titigil. She will always go chasing after him.