Chapter 9
Cancelled
Bumalik na ako sa kwarto at pinatong ko sa couch iyong paperbag. I have no plans in opening it.
I just want to rest and think about things.
I should not let Beau get in my system. He's someone so different. Someone who is not in my league. Very different to any of my exes. He's loud, he's arrogant, he's rude, and he's such a player!
He will just break my heart in the future and I don't want that to happen.
Wala pang nanloloko sa akin. Sa lahat ng mga naging ex ko, it all end up in good terms. Pero itong si Beau, feeling ko iiwanan niya lang ako basta. Feeling ko sasaktan niya ako ng sobra.
-
I woke up this morning and pretty determined to avoid Beau. He's cancelled!
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad ang pagmumukha niya sa akin.
"Good morning, sunshine." he said like everything is okay. "Egg pandesal or eggsilog?"
"Eggxcuse me." sabi ko at nilampasan siya.
Buti na lang at nakasabay ko si Rose sa hagdan kaya naman mabilis akong umangkla sa kanya para hindi na makaepal si Beau Patrick.
"Kanya na ang egg niya!" angal ko.
"Huh? Anong egg?" si Rose naman nagtataka sa akin.
"W-wala..."
Nang magkaroon ng meeting sa Student Council Office, napag-usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng Servitoare.
"We shall do the picking of Servitoares this month." ani Xyla. "We're already a month late. I need someone to help me."
"Help you to what?" Rosean asked.
"Clean her room and do her assignments for sure..." singit ni Kol. Loka-loka rin talaga ang isang ito.
Kolfinna is a big mood.
"Shut up, Terra." si Xyla naman.
"No fighting, guys." suway ni Andy.
"I already made a decision." Beau said and he looks so serious. Iba talaga siya sa pag nasa SCO kung minsan. He's doing his job. "There will be no Servitoares anymore. I want to put an end to that practice. Let the Aeris students be just students. May mga assignments din silang gagawin at kwartong lilinisin. Idadagdag pa ba natin ang atin? Let's not be that kind of people."
Umawang ang bibig ko dahil sa pagkamangha. I never thought that this man right here can be kind and decent. It surprises me.
"But they are the scholars-"
"You heard the president, Xyla." sabi ko. Hindi ko na kasi siya matagalan. Ipipilit pa talaga. Really?
Hay nako. At sa kanya talaga ibinigay ni Beau 'yong flowers? Naiirita na naman ako.
"I'm on Beau's side." si Rosean. Pumayag na rin si Mac at iba pang nasa Student Council kaya naman hindi na matutuloy pa ang pagpili sa mga Servitoare ngayong week.
"Sabay na tayo umuwi?" narinig ko ang bungang araw sa may likuran ko.
I rolled my eyes kahit hindi niya naman ako nakikita. "Uuwi ako mag-isa."
Ang sabi ko, iiwasan ko siya. No Beau for this week, for this month, for this year... Forever!
He confuses me a lot. Dati naman naiirita lang ako sa kanya. Ngayon iba na 'yong pagkairita ko. Parang may laman na.
BINABASA MO ANG
Chasing After You
Romance(Garnet Boys Series #1) Theandra will never stop until the notorious playboy, Beau Santiago, fall for her again like before. Gaano man siya masaktan, hinding-hindi siya titigil. She will always go chasing after him.