Chapter 3

77.5K 2.6K 630
                                    

Chapter 3

Yellow

Nakabusangot akong nagmartsa papasok sa opisina ng Head Mistress. Iritado pa rin ako sa bungang araw na iyon! I can't even believe that he's qualified to be a student here!

"Oh, here you are... Mrs. Montecillo, meet my daughter, Theandra." pagpapakilala sa akin ni Daddy.

"Hello, hija. Welcome!" bati sa akin ng Head Mistress.

"Hello po." bati ko naman tapos ay umupo sa tabi ni Dad.

"Your daughter is very beautiful, Mr. Monforte." sabi pa nito. "Welcome to Garnet Academy, Theandra."

May kinuha siya sa kanyang drawer tapos ay iniabot ang bagay na iyon sa akin. It was a small pouch.

"That's your Casa necklace. Wear it at all times, like your school ID." aniya.

Binuksan ko ang pouch at hinulog ang laman no'n sa palad ko. It's a gold necklace with a small upside-down pentagon pendant. Tinitigan ko ng maigi iyong pendant. May symbol iyon. As far as I remember, it's the Flamma symbol.

My Dad helped me wear it. Tinulungan din ako ni Daddy na i-settle down ang mga gamit ko sa sariling kwarto doon sa Flamma Building.

This academy is terribly huge. There's a mall, hospital, coffee shops... You name it.

Maganda at malaki ang kwarto ko. It was fully furnished at ang ayos nito ay based doon sa design at motif na binigay ko no'ng admission. I can't help not to ne amazed.

"I'll go now, princess. Take care, alright? Call me and your mom everyday. Don't be stubborn." ani Dad.

"Mamimiss mo lang ang unica hija mo, Dad, eh." sabi ko sabay yumakap sa Daddy.

"Of course." he said and then we said our goodbyes. I'll go home at the end of the semester.

Inilalagay ko na ang mga damit ko sa drawer ng tumunog ang phone ko. It was a text message from the school's administrator.

Student Council meeting on 1:00pm. All should attend.

Iyon ang mensahe tapos sa baba noon ay ang direction kung saan magaganap iyong sinasabing meeting.

It's already 12:40pm. I haven't eaten lunch yet, but I'm not hungry anyways.

Sumakay ako sa cart papunta sa main building for the meeting. Hindi ko pa alam paano paandarin 'yung cart mag-isa kaya naman nagpa-assist pa ako sa guard.

"Thank you po!" sabi ko kay Kuya Guard tapos ay bumaba na.

Pagpasok ko sa Student Council Office ay may mga tao na. Nandoon na rin ang Head Mistress.

Naupo ako roon sa upuan kung saan may nakadikit na pangalan ko. Pagkaupo ko ay saka nagsimula na magsalita si Mrs. Montecillo.

"Good afternoon, everyone. As we all know, you're part of the student council, the reason why you have a week advance to the regular class." panimula nito.

Ang mga mata ko naman ay lumibot sa mga taong nandoon. They look nice naman. Hopefully magkaroon ako ng kaibigan!

"Buksan ninyo ang sulat sa inyong mga harapan para makita kung ano ang posisyon ninyo sa coucil. It was rank based on your status or may I say the hierarchy system." anang Head Mistress.

Agad ko namang inabot iyong papel sa harap ko at binuksan iyon.

TREASURER

Iyon ang nakita ko. Napataas ang aking kilay ng ilang segundo. Well, I think I can handle this. I'm not so bad at Math.

Chasing After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon