Chapter 7
Casa Terra
Beau never bothered me again about the party.
I mean, he really shouldn't! Ano naman sa kanya kung maki-party ako roon at makipagkilala sa iba? Maigi nga at baka may makilala pa akong matino ang ugali. Hindi gaya niya!
"So, anong theme? Para mahanda ko na ang susuotin ko." I asked Andy.
"Black and White Party ang naisip namin ni Kol." sagot naman ni Ands.
"Yep. And semi formal lang. Parang night-out lang, gano'n." si Kolfinna naman.
Pareho naman kaming tumango ni Rosean.
"Ang cool naman. Sana sa Flamma may party din." ani Rose habang nagpupunas ng salamin niya.
"Kaunti lang tayo, eh. Baka maging prayer meeting lang 'yun instead of party." sabi ko at natawa naman sila.
Well, iilan lang naman talaga ang nasa Casa Flamma. A huge party like what Andy organised won't do.
-
Naghanda na ako. I wore a plain black off-shoulder dress. It's also fitted to highlight my curves. Nagsuot din ako ng strappy heels to match my outfit.
Me:
Papunta na ako!
Text ko kay Andy nang matapos na ako sa pag-aayos. I put my phone in my clutch and went out.
Sumakay na ako ng cart papunta sa Terra Building. Thank God at natutunan ko ring i-control ito!
Tama nga na maaaring pumasok sa Terra Building kahit na Flamma ka. Sa Flamma Building kasi, bawal magpapasok ng mga taga ibang Casa kaya naman hindi ko rin maimbitahan sila Ands.
"Grabe! Gandang babae naman niyan!" tili ni Andy nang makita akong papasok.
Nandito na ako ngayon sa roof deck. At namangha ako sa set-up ng party. Parang hindi biglaan! There are party lights, black and white balloons scattered everywhere... Crazy! Ang dami ring pagkain na nakahanda.
"Wow, Andy. Seryoso bang biglaan itong party na 'to?" sabi ko sa kanya.
Nagpagpag lang silang dalawa ni Kol ng balikat. Natawa kami ni Rose sa kanila.
"Tara na. Kumain na tayo para mamaya party party na. Let's drink, dance..." si Andy.
"'Excited na ako!" sabay naming sabi ni Rosean.
I am not really used to parties. Nakakapunta-punta naman ako lalo na tuwing nag-iimbita ang mga kaibigan ko noon. But I don't drink so much and I seriously don't dance! I mean, I do dance and I love dancing but not at bars! Nahihiya ako.
Maybe tonight will be different and it will be fun. I hope so?
I'm about to get a plate when my phone beeped. Mabilis ko naman iyon kinuha mula sa clutch bag ko.
President Bungs:
Having fun?
Nanlaki ang mga mata ko nang makita na nagtext sa akin si Beau Patrick "Bungang Araw" Santiago.
Me:
Super! Dami boys at mukang mabubuti ang mga ugalit nila :) HEHE!
Iyon naman ang reply ko sa kanya. Napangiti ako. Bahala ka. Mainis ka riyan!
President Bungs:
Oh okay :DDD
Aba ha? Masaya siya ha?
Tinago ko na ulit ang phone ko. Hindi na ako nagreply pa sa kanya. Bahala siya talaga. Ako, kakain ako ng marami at magpaparty. Woohoo!
Nagsimula na nga ang party. Sobrang lakas na ng tugtog at dumadagundong na ang buong lugar.
Everyone is so pumped up! Andy is jumping with a guy, Kol is nowhere to find... And Rosean, someone asked her to dance!
At ako? Ito! Nakaupo dito sa isang gilid. No one asked me for a dance! Ni wala ngang kumausap sa akin, eh!
Napahawak ako sa aking sentido. Should I go back at the Flamma Building? Mukha na akong tanga, eh.
"Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako? Then why?!" paghuhuromintado ko sa sarili.
I actually thought that I'll have the best night of my life tonight, well, I guess mali ako! Dapat pala hindi na ako nagpunta. Kung hindi ko lang talaga kaibigan itong sila Andy, eh!
"Besh, ayos ka lang ba? Bakit mukha kang tanga riyan?" Exactly, Ands. Exactly!
Lumapit siya sa akin pero iyong katalunan niya at kasayawan niyang lalaki ay umatras naman nang makita ako.
"Tumayo ka naman diyan. Dance! Have fun!" sabi pa ni Andy.
Kinunutan ko siya ng noo. "Walang nakikipagsayaw sa akin, Ands!"
"Are you serious?" aniya at nagpamewang.
Tinuro ko ang mukha ko. "Tignan mo itong mukhang 'to, Ands. Mukha ba 'tong nagjojoke?"
Natawa siya at naupo sa tabi ko. "But why?! You're the hottest here! And you're a Flamma! Ay teka wait... Hindi kaya na-iintimidate sila sa'yo?"
"Dahil Flamma ako? Pero bakit si Rose? Ilan na ang nagsayaw sa babaeng 'yun. Ako nganga! Lamok lang ang lumalapit sa akin!" reklamo ko.
I wanted to cry! Emosyonal ata ako dahil na rin sa beer na nainom.
"Oh my God! 'Wag ka iiyak, besh! Gusto mo kayo na lang muna ni Jem ang magsayaw?" sabi niya sabay turo doon sa lalaking kasama niya.
Nagulat kami ni Andy nang marahas na umiling si Jem with matching sign of the cross pa.
Mabilis akong humarap kay Andy. "Mukha ba akong Demonyo? Sabihin mo ang totoo, Andy?" sabi ko at inalog-alog ang kaibigan.
This is getting out of hand!
"Teka-teka, nahihilo ako, friend!" sabi niya sa akin at tumayo.
Nilapitan ni Andy si Jem. "Anong problema, Jem? Bakit ba ayaw mong isayaw si Thea? Hindi ka naman allergic sa mga babae, ah!"
Hindi nagsalita iyong Jem. Kinuha niya lang 'yung phone niya at kinalikot iyon.
Halos nalaglag ang panga ni Andy nang makita iyong kung ano man ang pinakita sa kanya nitong si Jem.
"Ano ba 'yun?" I asked curiously.
Ano ba kasi ang problema?
Nakanganga pa rin si Andy nang iniabot niya iyong phone sa akin.
From: Garnet Academy Student Officials
Attached photo below is Theandra Monforte of Casa Flamma. Don't you dare flirt with her, talk to her, or even go near her. Try me.
- Commander Beau Patrick Santiago
Bigla na lang umusok ang ilong ko sa galit dahil sa nabasa.
Ginamit niya ang phone ng Student Council?! We are only using that for announcements! Important announcements!
At talagang inattached pa niya ang ID Picture ko ha? That imbecile!
He is so dead! I'm going to kill him!
BINABASA MO ANG
Chasing After You
Romance(Garnet Boys Series #1) Theandra will never stop until the notorious playboy, Beau Santiago, fall for her again like before. Gaano man siya masaktan, hinding-hindi siya titigil. She will always go chasing after him.